Chapter 335 - Mga bagay na ipinamigay mo

"Ye Wan Wan, ikaw…!"

Nangalit ang ngipin ni Fang Xiu Min. Nagdilim ang kanyang itsura at lumakas ang pagkabog ng kanyang puso.

Nang ikinasal siya at ni Liang Jia Hao, totoo nga, wala sila ni sentimo sa pangalan nila. Lahat ng bayarin ay binayad ni Ye Shao Ting, pero hindi na masyadong inisip 'to ni Fang Xiu Min. Tutal binigay ito sa kanila, sila na ang may-ari n'on.

Hindi niya naisip na ibubunyag ni Ye Wan Wan ang lahat sa harap ng maraming tao!

"Uh…" napailing na lang si Ye Wan Wan ng makita ang balisang mukha ni Fang Xiu Min. Lumingon siya kay Ye Mu Fan at sabing, "Ge, ang hirap pa sa 'tin 'tong mga taon na 'to, huh. Pero hindi din madali sa kanila kasi halu-halo silang pamilya. Kahit na ayaw umalis ni tita, bilang nakakabata, kailangan nating magtiis pa ng kaunti. Hindi maganda yung magpalayas ng pamilya."

Mapaghinalang tinignan ni Ye Mu Fan si Ye Wan Wan, hindi niya inasahaang papahiyain ng kapatid niya si Fang Xiu Min sa harap ng madaming tao. Natuwa ang kanyang puso. Pero hindi niya maalis ang sama ng loob sa kanyang puso, sinabayan niya si Ye Wan Wan at bumulong, "Halata namang hindi makapal ang mukha natin," pagpahiwatig na makapal ang mukha ng pamilya ni Fang Xiu Min.

Tumango si Ye Wan Wan. "Tama. 'Di tulad ng ibang tao na astig kung maka-asta at kala nila teritoryo nila-- kinukuha ang nararapat sa may-ari at gagawin nilang sa kanila, at papalaalisin pa ang may-ari."

"Ano nga ulit ang kasabihang 'yon…" hinilig ni Ye Mu Fan ang kanyang baba sa kanyang palad na napaisip, pagsabay kay Ye Wan Wan.

"Mga kalapating naninirahan sa pugad ng magpie." napatawa si Ye Wan Wan at walang bahala tumingin sa pamilya ni Fang Xiu Min.

Sa puntong ito, sobrang pula na ng mukha ni Liang Jiang Han at walang masabi para maipagtanggol ang sarili.

Sa sandaling ito, nagkakatinginan na ang lahat ng bisita.

Mula sa mga sinabi ni Liang Shi Han at Fang Xiu Min, ipinalabas nila na ang pamilya ni Ye Shao Ting ang ayaw umalis sa lugar ni Fang Xiu Min.

Pero parang hindi iyon totoo

Ang bahay na tinitirahan ni Liang Jia Hao at Fang Xiu Min ay regalo lang pala mula kay Ye Shao Ting...

"Yung… yung bahay na tinitirahan nila Fang Xiu Min ay binili lang pala ni Ye Shao Ting?"

"Hindi ko masabi. Yung sinabi nila Fang Xiu Min ngayon lang, akala ko mabait sila sa pamilya ni Ye Shao Ting, pero ngayon… baliktad pala, parang yung pamilya pa ni Fang Xiu Min yung nakikinabang sa pamilya ni Ye Shao Ting…"

"Yung kasabihang 'mga kalapating naninirahan sa pugad ng magpie' ay sakto lang sa kanila."

"Nasiyahan sila sa kabaitan na binigay ng pamilya ni Ye Shao Ting, at kinutya pa ang may-ari ng bahay na lumayas doon… ang kapal ng ng mukha nila. Nakakapagbukas talaga 'to ng mata."

"Tsk… ang tapang pang magsalita nung Liang Shi Han, hindi naturuan ng tama. Gusto kong makita kung paano niya kukunin ang magulang niya."

"Kukunin yung magulang niya? 'Di mo ba narinig yung sinabi ni Ye Wan Wan na nakatira pa din si Liang Shi Han doon sa bahay…"

...

"Ye Wan Wan, sinong tinatawag halong pamilya?! Wala ka bang pinag-aralan!" Namumula na ang mukha ni Fang Xiu Min at may kalupitan sa kanyang mga mata.

"Mama, wala siya alam tungkol sa pag-aaral. Hindi ko nga alam kung paano sa nakapasok sa Qing He High School-- siya ang pinakakulelat kada taon. Baka nga expelled na siya doon." sabi ni Liang Shi Han.

Nakangiti pa din si Ye Wan Wan at panandaliang nanahimik bago magsalita ulit, "Halata naman hindi namin kasing talino si Shi Han. Sa mga abilidad ni Shi Han, kaya niyang kunin ang mga magulang niya sa lalong madaling panahon para ang walang kwenta kong kuya at ako ay makabalik na sa tirahan namin."

Nang marinig ang sinabi niya, nanigas ang katawan ni Ye Mu Fan at tinignan si Ye Wan Wan.

"Anong biro 'yan," galit na pagsinghal ni Liang Shi Han. "Bakit mo kukunin yung mga bagay na pinamigay mo na?"

"Ye Wan Wan, hindi namin hiningi ang bahay sa papa mo noon; sila mismo ang nagbigay sa amin n'on. Ano bang dahilan mo at minumungkahi mo 'to ngayon?!" galit na sabi ni Fang Xiu Min.