"Ay…" huminga ng maluwag si Fang Xiu Min, na kunwari'y nahinalinhan. "Kung kasing tino mo ang anak ng iba dyan, maganda 'yon… pero may ibang tao na tatratuhin ang anak nila na parang bata na walang kaalaaman sa sarili niya mismo."
Mas naghingalo ang paghinga ni Liang Wan Jun sa pangungutya ng dalawang mag-nanay.
"Ate, alam kong hindi naging madali para sa pamilya mo, pero hindi din naging madali para sa amin. Madali lang ba ang paghawak ni Jia Hao ng kumpanya? Galing sa dugo, pawis, at luha ang perang nakuha, 'di ba? Hindi kami mayaman at malakas, hindi talaga namin kayang may manirahan pang ibang tao sa amin!" malamig na sabi ni Fang Xiu Min.
Madaming mga bisita sa paligid at nag-umpisa ng pagtinginan sila ng lahat.
Kahit na alam nilang nahihirapan si Ye Shao Ting sa ilang mga taon, hindi nila inaasahan na grabe ang pamilyang ito at tatratuhin ang tahanan ng iba na parang sa kanila at manirahan doon ng ilang mga taon. Hindi lang sa wala silang utang na loob, wala silang intensyon na umalis doon.
Tinignan ni Ye Yiyi ang pagtatalo sa harap niya ng may kasiyahan sa kanyang mata habang nanatiling kalmado at masigla ang kanyang mukha, tumingin siya sa malumbay na si Fang Xiu Min at ang kaawa-awang si Liang Hia Hao. Dahan-dahan niyan sinabi:
"Ako na ang magbabayad kay tito at tita, alright? Ako na din ang nanghihingi ng tawad para kay Ye Wan Wan… salu-salo para sa kaarawan ni lolo ngayon, 'wag kayong masyadong balisa. Kapag nalaman 'to ni lolo, magagalit ulit siya."
Nang marinig ang sinabi ni Ye Yiyi, sumigla ang itsura ni Fang Xiu Min at inalalang nasa salu-salo siya ng kaarawan ni Ye Hong Wei, hindi niya na sinubukang gumawa pa ng malaking gulo, napailing na lang siya at sabing, "Ye Yiyi, hindi din naging madali para sa amin. Sa loob ng maraming taon, pinahirapan kami ng pamilyang 'yan. Sabihin mo sa 'kin, may kilala ka bang ganito kawalang-hiya? Wala silang sariling bahay, at gusto pa nilang manirahan sa ibang bahay at hindi umalis. Hindi lang sa hindi naging maganda ang kondisyon ng pamilya nila; hinatak pa nila ang iba pababa."
Nangutya si Ye Yiyi sa kanyang puso habang pinasadahan ng tingin ang pamilya ni Ye Shao Ting nang panatiling masigla ang itsura nito. Ngunit, bago pa makapagsalita si Ye Yiyi, isang malakas at gulat na pagsingap ang narinig nila sa likod.
Nang marinig iyon, tumingin ang lahat sa kaliwa.
Isang parang nag-aalab na pigura ang lumitaw sa harap ng lahat.
Isang nakakamanghang babae na nakasuot ng nag-aalab na pulang evening gown ang dahang-dahang pumasok. Sa ilalim ng nagliliwanag na ilaw, pumukaw ang kanyang makinis at kahanga-hangang ganda at napasingap ang lahat sa paghanga.
Sabik na kumutob ang mga puso nila sa bawat simangot at ngiti na binigay ng babae; kumislap ang kanyang gasuklay na mga mata na para bang may kalawakan ng bituin ang mga 'to. Kahit na pihikan ang katawan niya, dalisay naman ang aura nito, walang kapareho sa mundong ibabaw.
Sa isang sandali, nakatingin ang lahat sa nakakamanghang babae.
"Sino… sino 'yan? Sobrang ganda niya, 'di ba?"
"Mula ba sa showbiz? Imposible…'Di ko pa siya nakikita noon…"
"'Yang itsura…'yang aura… akala ko tanyag na ang itsura ni Ye Yiyi pero 'di ko inasahang may maganda pa! Saan ba galing ang babaeng 'yan?"
Lahat ng bisita, mapalalaki o babae, ay gulat na gulat.
May isang tao na napakaganda talaga...
Madaming nag-alinlangan sa puso nila at sinubukang hulaan kung sino ang taong iyon.
Si Ye Yiyi at ang lahat ang napansin kung gaano kamangha-mangha ang babae. Sa simula, ang itsura ni Ye Yiyi ang pinakamaganda sa gabi, pero sa hindi inaasahan, nadurog si Ye Yiyi sa itsura ng babae.
Tulirong tinignan ni Ye Yiyi ang katangi-tanging magandang babae. Pinanood niya ang marahan niyang paglakad, bawat yapak ay patungo sa kanila at kumunot ng bahagya ang kanyang kilay, bigla siyang nakaramdam ng masama sa kanyang puso.