Chapter 301 - Hindi ka lalangoy?

Bakit naman iinom ng pang duwag na cocktail ang tulad kong malakas na lalaki?! Hindi babagay yun sa itsura ko!

"Wala siya dito ng dalawang araw!" umakto si Ye Wan Wan na para bang nakahanap siya ng break sa girlfriend niya, pinupukaw ang imahe ng inaping boyfriend na sa wakas ay nakalaya. Mahusay siyang umakto sa role na ito.

Bilang isang lalaki, naiisip ni Han Xian Yu na normal ang inaasal ni Ye Wan Wan, kaya tumawa na lamang siya at sinabi, "Oo nga pala, narinig ko na pinili mo raw si Luo Chen?"

Tumango si Ye Wan Wan. "Oo!"

"Bakit siya?"

Hindi pwedeng sabihin ni Ye Wan Wan na alam niya ang hinaharap, kaya sinimplehan niya ang kanyang sagot, "Sa tingin ko, dahil maganda siya sa paningin?"

Humagik-hik si Han Xian Yu. "Pwede naman na dahil maganda siya sa paningin!"

Nagkibit balikat si Ye Wan Wan at natawa siya. "Totoo! Mas gwapo pa siya sa personal! Tama ang bansag sa kanya ng lahat, ang Nation's First Love!"

Kamakailan lang, naka engkwentro ng malas na pangyayari si Luo Chen pero gwapo pa rin siya at magaling pa rin siya.

"Hindi naman mahirap maghanap ng may itsura na artista, 'di ba? Talentado naman si Luo Chen pero… malas siya… tsaka nasa hindi pagkaraniwang sitwasyon siya ngayon!" Kumislap ang pagka-dugyot sa mga mata ni Han Xian Yu.

Hindi man alam ng mga tao ang sikretong pinag-gagawa ni Zhou Wen Bin kay Luo Chen, pero hindi ibig sabihin nito na walang nakakaalam sa nangyari sa kanila.

Siguro naisip niya na baon sa problema si Luo Chen sa ngayon.

Kahit hindi sigurado si Han Xian Yan sa mga plano ni Ye Bai, naniniwala siya na may rason kung bakit pinili ni Ye Bai si Luo Chen.

"Basta sabihin mo sa akin 'pag kailangan mo ng tulong," inalok siya ni Han Xian Yu.

Sumipsip sa inumin si Ye Wan Wan. "'Wag kang mag-alala, hindi ako masyadong magiging mabait sayo!"

Naging komportable si Han Xian Yu sa attitude ni Ye Wan Wan. Humarap siya sa direksyon ng pool at tinanong niya, "Hindi ka lalangoy?"

Hinawakan ni Ye Wan Wan sa isan kamay niya ang glass at ang kabila ay sumuporta sa kanyang ulo, "Tinatamad akong magpalit. Sige, ikaw na lang."

"Hindi ka lalangoy sa isang pool party?"

"Papanoorin na lang kita mag-swimming!"

Umiling ang ulo ni Han Xian Yu sa pagka-dismaya nang makita niyang tinatamad si Ye Bai. Umalis na lang siya para mag-swimming.

Ilang saglit lang, pinalitan ni Han Xian Yu ang kanyang mga damit at nag-suot siya ng blue at black na skintight swimming trunks.

Hangang-hanga si Ye Wan Wan sa nakahubad na katawan sa harap niya.

Maganda ang balat ni Han Xian Yu, light honey ang shade nito at makikita na pinapanatili niyang maganda ang pangangatawan niya-- sa isang tingin lang, alam ni Ye Wan Wan na matagal nang nag-wo-work out si Han Xian Yu para makuha ang kanyang magandang katawan.

Walang bahid ng kamalian ang six pack niya, ang apollo's belt niya ay sapat na para mabaliw at magpantasya ang mga babae sa kanya. Malapad ang kanyang balakang pero maliit ang puwet at meron siyang dalawang mahaba na legs...

Sa lahat ng baguhan na nasa party, marami rin ang may maayos pangangatawan kaya ang katawan ni Han Xian Yu ay maganda pa rin kumpara sa iba.

Yung ibang mga babaeng artista ay nagtilian pagkalabas ni Han Xian Yu.

"Ah ah ah! Grabe yung katawan ni Han Xian Yu!"

"Sinong t*nga yung nagsabi na nag body double daw si Han Xian Yu sa eksenang nakahubad siya? Kailangan niya pa ba ng double sa ganda ng katawan niya?"

"Yung abs niya… gusto kong hawakan…"

"At yung malaki at mahaba niyang legs…"

Malakas ng kumpyansa ni Han Xian Yu sa katawan niya. Nagpa-bida siyang tumayo sa harapan ni Ye Wan Wan para hangaan siya, tapos hinagis niya ang kanyang phone kay Ye Wan Wan, "Mag-si-swimming lang ako. Hawakan mo yung phone ko."

Hinahayaan niya kong hawakan ang pribadong bagay na ito? Mukhang may tiwala siya sa akin.

Masayang naghiyawan ang mga tao pagka-dive ni Han Xian Yu sa pool.

Baka dahil sa alak ito pero nakarinig ng hiyawan si Ye Wan Wan sa paligid niya, bigla niyang naisip ang katawan ng ibang lalaki...

At nakahubad ito...

Sa ilalim ng sinag ng araw, nakita niya ang nakahubad na likuran ng isang lalaki...