Tatlong taon ang nakalipas noong una niyang debut, tunay na naging sikat siya at mukhang may tsansa pang maging tanyag siya sa kanyang larangan. Ngunit sa loob ng tatlong taon, mas kinahu-humalingan na ng masa ang teen idols, kaya ang mga kumpanya ay mas desedidong makahanap ng mga dalaga at binata sa industriya. Kakaunti na lang ang mga kasabayan niyang sumikat kaya mas mahirap ngayon ang kompetisyon.
Maraming mga baguhan at interns sa ibat-ibang kumpanya ang nasa parehas na posisyon sa career niya ngayon. Gayunpaman, ang bawat isa sa kanila ay may magandang mga itsura at nasa edad na 16 hanggang 20 yrs old, kaya nakaka-panibago sa sitwasyon niya dahil lumipas na ang prime period niya.
Malinaw sa kanya ang lahat ng ito...
Malalim ang iniisip ni Ye Wan Wan habang tinitignan niya si Luo Chen. Naging seryoso siya at sinabi, "Huling tanong: yung sexual orientation mo."
Nawalan muli ng gana ang itsura ni Luo Chen nang marinig niya ang katanungan ni Ye Wan Wan hanggang sa biglang nanigas ang kanyang katawan.
Napansin ni Ye Wan Wan ang reaksyon ni Luo Chen ngunit hindi niya napigilan ang sarili niya para tanungin iyon-- importante ang mga katanungan na ito bago niya makatrabaho si Luo Chen.
Lalo na sa sexual orientation ni Luo Chen. Kahit na kasalukuyang bukas ang isipan ng lipunan sa pagtanggap ng mga homosexuals at gayundin ang pagkalat ng fujoshi [1], ang mainstream media ay hindi tumatanggap ng mga homosexuals. Ilegal sa kanila na tumanggap ng homosexuals sa entertainment industry, at kapag nalaman ng senior management na homosexual ang isang artista, dito na matatapos ang career ng artistang iyon.
Naging seryoso si Ye Wan Wan sa binabahagi niya kaya patuloy siyang nagtanong, "Mahirap ba ang tanong? Gusto mo ba ng lalaki, babae o yung dalawa?"
Halata sa mukha ni Luo Chen na nabigla siya sa tanong na ito. Binuksan niya ang kanyang bibig at sa wakas may lumabas nang salita sa mga labi niya, "Babae…"
Inobserbahan siya ng maigi ni Ye Wan Wan. Hindi peke ang sagot ni Luo Chen at makikita ang pandidiri niya sa mga lalaki, pero wala rin sa tono ng sagot niya na may gusto siya sa mga babae.
Basta malayo ang pagkakataon na maging *ganon* siya, walang dapat na ikabahala.
Mukhang maliit na kambing si Luo Chen habang nakaupo sa harapan ni Ye Wan Wan, punong-puno ng takot dahil sa mga katanungan ni Ye Wan Wan, kaya naisipan ni Ye Wan Wan na maging malumanay muna ang boses niya. "Pasensya sa mga tanong ko; may mga tanong man na hindi ka naging komportable, at least naliwanagan ako at bilang manager mo, mas naintindihan na kita ngayon.
"Simula ngayong araw na ito, malaki man o maliit na problema mo, ito ay responsibilidad kong malaman. Hindi kita lilimitahan sa trabaho mo lang-- kasama sa gagawin mo ang mga shows na makukuha mo, assignments, kung paano ka manamit, diet mo, kung saan ka nakatira at ang transportasyon mo, karaniwang social activities na pupuntahan mo, mga kaibigan na kasama mo, ang magiging partner mo, kung ano ang mga sasabihin at iaasal mo-- kailangan mong sumunod sa lahat instruksyon ko."
"Kailangan mong sabihin sa akin agad kung may nangyari, katulad ng mga tanong na sinagot mo at bawal kang magtago ng kahit ano sa akin. May problema ka ba sa sinabi ko? Sabihin mo na ngayon palang."
Strikto at nakatulong ang attitude ni Ye Wan Wan para kumalma si Luo Chen, mas maganda ang ganitong pakikitungo kumapara naman sa paglalandi at pangingiliti sa kanya ni Zhou Wen Bin. Tumango siya at sumagot na handa ang puso niyang sumunod, "Susunod ako."
Natuwa si Ye Wan Wan sa sagot niya at hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Patuloy niyang sinabi ang ibang detalye kay Luo Chen.
Tumigil na sa pagsasalita si Ye Wan Wan pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng detalye kay Luo Chen. "Ok, dito na matatapos ang usapan natin. Ilagay mo ako sa contacts mo, matulog ka kaagad mamayang gabi at pumunta ka ng 9 a.m. sa film studio ng kumpanya… kung wala kang problema, pwede ka nang umalis."
Kinuha ni Luo Chen ang number ni Ye Bai at in-add din siya sa WeChat, naguguluhan pa rin siya pagkalabas niya ng opisina
Kinuha talaga ako ng lalaking ito?
Bakit malaki ang kumpyansa niya para ibalato sa akin ang kanyang pusta?
Tatlong taon na akong huminto sa pag-aarte...
Kaya ko pa kaya...
Ang pinaka kinatatakutan ni Luo Chen ay baka wala na siyang kakayanan na umarte ulit...