Chapter 296 - May girlfriend ka ba?

Kahit na hindi nagbago ang itsura niya, malaki ang pinagbago ng ugali niya.

Ang kilalang Luo Chen noong tatlong taon na nakalipas ay malinis at walang bahid ng dumi, matapang ang loob at talentado pa. Ang kakaiba niyang katangian ay parang hagod ng malamig na hangin sa materyalistik na entertainment industry.

Nagkaroon ng tsansa ang mga tao na sirain siya dahil sa malinis niyang pagkatao...

Suot pa rin ni Luo Chen ang malumanay at magandang mukha ngunit ngayon, ito ay wala nang kulay at maputla na. May bakas ng pangungulila sa mga mata niya kahit pa binata pa lamang siya, bakas na makikita lamang sa mga pagod na mata ng matatanda.

Hindi alam ni Ye Wan Wan kung bakit hindi na nakikita sa balita sa Luo Chen kahit sumikat na ang ibang mga bida sa "Terrifying Dragon"--gayundin ang ibang supporting actors. Pero ngayon… alam na niya.

Kasi-simula pa lang ng buhay ni Luo Chen. Pumasok siya sa unibersidad noong 18 yrs old siya na dala ang pangarap na maging artista sa kanyang puso. Nagtagumpay si Luo Chen at naging aktor siya sa kanyang pinaka unang movie.

18 yrs niyang pinaghirapang magkaroon ng trabaho at sa wakas, ginagawa niya ang trabaho niya ng bukal sa kanyang puso. Nakaipon siya ng pera para mabigyan ng magandang buhay ang nanay niya...

Ngunit ang lahat ng pangarap niya ay unti-unting bumagsak dahil kay Zhou Wen Bin...

Wala siyang mataas na posisyon sa buhay o kapangyarihan; kaya walang epekto ang kahit anong sasabihin niya, kaya kahit isang masamang salita na galing kay Zhou Wen Bin ay maglalagay sa kanya sa bingit ng kamatayan.

Wala siyang magawa, pinanood niya ang kanyang ina na tumanda hanggang sa tuluyan nang manghina. Nasira at nabigo siya kaya hindi na niya makita ang pag-asa sa kanyang hinaharap...

Sa nakaraang buhay, ang natatandaan lang ni Ye Wan Wan na naging role ni Luo Chen ay yung sa "Terrifying Dragon", hindi na niya alam kung anong nangyari kay Luo Chen pagkatapos nun. Naisip siguro ni Ye Wan Wan na hindi naging maganda ang kinalabasan ni Luo Chen dahil hindi na siya naging sikat, baka dahil hindi siya sumuko kay Zhou Wen Bin.

Makikita ang pagkakaiba ng buhok at balat ni Luo Chen sa may sofa-- ang maitim niyang buhok ay sadyang napaka lambot habang ang buhok niya ay tulad sa may sakit, wala nang kulay.

Nakita ni Ye Wan Wan kung paano tinaas ni Luo Chen ang kanyang ulo habang nilalagyan niya ng bandage ang kanyang sugat. Lumambot ang puso ni Ye Wan Wan nang makita niya ang pagiging masunurin ni Luo Chen.

Hindi siya makapag pigil-- 27 yrs old by heart na si Ye Wan Wan kaya nang makita niya ang inosente at malumanay na bata sa harapan niya, hindi niya maiwasang magkaroon ng pagmamahal tulad ng isang nanay kay Luo Chen.

Napansin ni Luo Chen na tinitingnan siya ni Ye Wan Wan kaya napatingin na rin siya sa taong nasa likod ng desk. Binabalot ng babala at pagaantabay ang kanyang malinaw na mga mata.

Nasira ang inosenteng puso at kalinisan ni Luo Chen sa loob ng tatlong taon na panggagamit sa kanya ni Zhou Wen Bin. Nawalan siya ng tiwala sa lahat, kahit kay Ye Bai na tinulungan siyang makawala sa kamay ni Zhou Wen Bin.

Malay ko ba? Baka isa na naman siyang Zhou Wen Bin?

Nanigas ang mga ugat sa katawan ni Luo Chen nang maisip niya iyon.

Sa mga oras na iyon, bumalik na sa katinuan si Ye Wan Wan at handa na siyang makipagusap sa kasunduan nila.

Binuklat niya ang isang black leather na notebook at diretsahan siyang nagtanong, "Ano nang mga shows o assignments ang nakuha mo sa loob ng tatlong taon?"

Madilim ang awra ni Luo Chen nang sumagot sa medyo paos pa, "Wala… walang shows at walang assignments."

Ito ang sagot na inaasahan ni Ye Wan Wan.

Ye Wan Wan: "Meron ka bang private assignments?"

Umiling si Luo Chen, "Wala, hindi pumapayag kumpanya sa ganun."

Patuloy na nagtanong si Ye Wan Wan, "May girlfriend ka ba? O partner? May mga exes ka ba?"

Biglang nagulat si Luo Chen ng isang saglit, nanigas ang kanyang katawan dahil sa personal na katanungan sa kanya. Binuksan niya ang kanyang bibig at sumagot, "Wala… wala rin akong naging ex…"

Tinapik ni Ye Wan Wan ang kanyang pen sa kamay niya, nagulat siya sa sagot ni Luo Chen. Bata pa naman si Luo Chen, pero 21 yrs old na siya kaya hindi na siya ganoon ka-bata. Sa itsura niyang yan, paanong hindi siya nagkaroon ng jowa noon?

Bakit napaka inosente mo...