Chapter 292 - Akin na siya

Inayos ni Zhou Wen Bin ang kanyang kwelyo at pagkatapos ay galit siyang naglakad papalapit kay Ye Bai.

Binasa niya ang dokumento-- totoo pala na isa itong handover.

Dumidilim ang itsura ni Zhou Wen Bin sa dali-dali niyang pagbuklat ng mga kontrata at dokumento. Pagkatapos, naglabas siya ng pen at pinirmahan niya ang dokumento.

Huminga ng malalim si Zhou Wen Bin, "Yun lang ba?"

"Oo, maraming salamat!" nagagalak na tinanggap ni Ye Wan Wan ang dokumento.

"Umalis ka na!" nagagalit na si Zhou Wen Bin.

Halos tatlong taon niyang pinaghirapang maayos na makuha niya si Luo Chen. Pero sa huli, sinira ng pahamak na si Ye Bai ang kanyang mga plano.

Marami pa siyang oras bago niya harapin ang pasaway na si Ye Bai na mataas ang tingin sa sarili; pero kahit ano mang mangyari, hindi niya hahayaang makawala sa kanya si Luo Chen ngayon.

Alam ni Luo Chen na hindi siya pakakawalan ng basta-basta lang ni Zhou Wen Bin lalo na ngayon lalo na at dahil walang awa na pinapaalis agad ni Zhou Wen Bin ang isang bisita. Namutla siya habang nakikita niyang patapos na ang business deal nila, dahil pagkaalis ng bisita, alam niyang silang dalawa na naman ni Zhou Wen Bin ang matitira...

Tulad ng inaasahan niya, tumayo na ang bisita pagkatapos pirmahan ni Zhou Wen Bin ang dokumento.

Unti-unting nalulunod ang puso ni Luo Chen, para bang pumasok siya sa malamig na kweba...

Ngunit, bigla siyang tiningnan ng kumikislap na mga mata ng binata pagkatayo nito.

Narinig niya na siya ang kinakausap ng binata. "Ikaw ba si Luo Chen? Sumunod ka sa akin!"

Nabigla si Luo Chen habang tinitignan niya ang lalaki.

Ako ba… ang kinakausap niya?

Hindi lang si Luo Chen ang nabigla, kundi si Zhou Wen Bin rin ay biglang nag-iba rin ang itsura. "Ye Bai! Anong ibig sabihin nito?"

Sumimangot ang lalaki, ang manipis at maputi niyang mga daliri ay nakaturo sa ilang mga salita na nakapaloob sa dokumento. "Hindi mo ba binasa ang kontrata, director Zhou?"

"Binasa ang ano?" naiiritang sumagot si Zhou Wen Bin.

Ngumiti ang lalaki at tiningnan niya si Zhou Wen Bin, nanlulupaypay siyang nagsalita, "Sa akin na si Luo Chen."

"Ano… anong sinabi mo?" nanigas ang mukha ni Zhou Wen Bin.

Nabigla rin ang binata sa may gilid, para bang hindi niya naintindihan ang sinabi ni Ye Bai...

"Sabi ko, akin na si Luo Chen!" inulit ng lalaki ang sinabi niya.

Ngumisi si Zhou Wen Bin, "Haha, sayo na siya? Kalokohan. Tatlong taon ang kontrata na pinirmahan ni Luo Chen sa pangalan ko! Sino ka para kunin siya sa akin?"

Nagsalita ang lalaki sa tono ng 'sa totoo lang', "Malinaw na nakasulat ito sa dokumentong pinirmahan mo."

Hindi talaga binasa ng maigi ni Zhou Wen Bin ang mga dokumento. Nang marinig niya ang sinabi ng lalaki, dali-dali niyang binasa ulit ang dokumento. Habang binabasa niya ito, pumangit ang kanyang itsura at sa ilang saglit, bigla siyang sumabog sa sobrang galit, "Imposible ito!"

Nagkibit balikat si Ye Wan Wan, "Ito ang dokumentong personal na pinagkasunduan namin ni chairman Chu. Pinirmahan niya rin ang mga dokumentong ito, kaya kung hindi ka naniniwala sa akin, tawagan mo siya para malaman mo."

Matagal na tinitigan ni Zhou Wen Bin ang mga dokumento hanggang sa hinampas niya ang desk. Galit siyang tumingin kay Ye Wan Wan habang kinakaskas ang kanyang ngipin, "Tatawagan ko talaga sya."

Hindi nag-alala si Ye Wan Wan, komportable siyang naglakad papunta sa sofa at umupo. Bumuhos siya ng isang basong tsaa para sa sarili niya at ginamit niya ang takip para maingat na itulak paloob ang dahon ng tsaa. Kinunot niya ang kanyang mga labi at tamad niyang sinabi, "Director Zhou, gawin mo iyon pero pakibilisan lang. Kailangan kong magmadali para ayusin ang problema sa artistang hawak ko."

Sa oras iyon, ilang hakbang lang ang layo ni Luo Chen sa kanila habang tuliro siyang nakatingin sa lalaking hindi niya inaasahan darating...