Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 289 - Ang pambabawi sa nakaraang hinanakit

Chapter 289 - Ang pambabawi sa nakaraang hinanakit

Kinaumagahan sa Dazzling Media office.

Maraming disenyo ang interior ng opisina sa top floor. May mga medieval oil paintings at may makalumang animal horn na nakasabit sa pader, may magandang enamel flower vase na nakapatong sa lamesa at makikita dito ang magandang sinag ng araw.

Kuntentong naka upo si Zhou Wen Bin sa kanyang sofa na gawa sa tunay na leather, habang may hawak siyang baso ng itim na kape.

Suot niya ay isang custom-made na Armani suit at sa kanyang pulsuhan ay limited edition na Patek Philippe watch. Malinis at makintab ang kanyang buhok. Kahit ang edad niya ay nasa 40 yrs old na, pinapanatili niya ang malinis na pangangatawan kaya nagmumukha siyang 30 yrs old.

Sa mga oras na iyon, may taong nakaupo sa tapat ni Zhou Wen Bin--- suot niya ay puting t-shirt na medyo luma na at washed jeans, simple at malinis ang kanyang buhok, walang-dungis ang kanyang mukha, ang mukha niyang dahan-dahang hinubog ng Maykapal.

Ngunit madilim ang mga mata niya, walang kulay ang manipis niyang mga labi at ang kanyang pagkatao ay binabalot ng malamig na awra.

Tahimik na sinipsip ni Zhou Wen Bin ang kanyang kape habang nakabaling ang matibay niyang tingin sa mata ng lalaki, "Ano sa tingin mo, Luo Chen? Nakapag desisyon ka na ba?"

Nanghihina tingnan ang katawan ni Luo Chen pero buo ang loob niya. Nangatog ang matigas niyang tindig nang marinig niya ito, ang kaninang nanlalamig na mga mata niya ay mabilis na binalot ng kalungkutan, makikita na desperado at talunan na siya.

Sa mga oras na iyon, may malakas na "dong dong dong." May kumatok sa pintuan na nag-gambala sa katahimikan sa loob ng kwarto.

May matabang lalaki na nakasuot ng grey suit at punong-puno ng pawis ang mabilis na pumasok sa loob. Nag-aalala siyang nagsalita pagkakita niya kay Zhou Wen Bin, "Director Zhou, yari tayo…"

Ang tahimik at eleganteng si Zhou Wen Bin ay biglang napakunot dahil may umentra sa kanya, naiinis siyang lumingon para tignan ang intruder, "Ang aga-aga pa, anong sinisigaw sigaw mo diyan?"

Ang tabachoy ay kabadong sumagot, "Director Zhou, hindi tumawag ang boss natin para ipaalam sa atin na bigla siyang nagpadala dito ng bagong manager. Ngayong araw daw siya darating at kailangan nating makipag tulungan sa kanya. Bakit kaya nagpadala si chairman Chu ng bagong manager, anong ibig niyang sabihin?"

Kasama pa rin ang Dazzling Media na sangay ng Worldwide, kahit na sila ang pinakababa sa listahan ng subsidiaries. Sabi nga sa kasabihan, "Kung sasandal ka sa magandang puno, magkakaroon ka ng maayos na lilim"--mas maganda pa rin sila kumpara sa mga maliliit na sangay.

Hindi madaling makapasok bilang artista o manager sa Dazzling-- kailangan may relevant work experience at maayos na educational background, isa pa ay ang mga hamon na haharapin mo habang interview. Matatanggap ka lang sa Dazzling kapag pumasa ka sa mga test na ito.

Ang pinaka punto ay ang pinaka boss dito ay si Zhou Wen Bin; kailangan muna nilang makuha ang pag-apruba o 'Oo' ni Zhou Wen Bin, dagdag pa ang pag-apruba ng ibang mga managers.

Isang bagong manager na may malaking pribilehiyo ang biglang papasok sa kumpanya-- hindi ito matatanggap ng kahit sino man, may maaakit na atensyon ang taong iyon, lalo na at papasok siya sa sektor ni Zhou Wen Bin.

Nanliit ang mata ni Zhou Wen Bin at biglang binalot ng dilim ang kanyang mukha, sabay ngumisi siya, "Yung Ye Bai ba yun?"

Paulit-ulit na tumango ang mataba, "Tama, tama! 'Yon ang pangalan niya. Alam mo na ba ito, Director Zhou?"

Lalong ngumiwi ang mukha ni Zhou Wen Bin dahil sa sobrang pag-iisip niya. "Baguhan lang siya. Sa tingin mo magiging magaling siya sa loob ng teritoryo ko? Magtrabaho ka doon! 'Wag mong palakihin ang maliit na bagay!"

Haha, pasaway na bata. Hindi ko inasahan na gagamitin niya si Gao Feng ng Mars Weekly para baguhin ang opinyon ng publiko at pagkatapos ay nilinis niya pa ang pangalan ni Han Xian Yu. Sinira niya ang mga plano ko...