Biglang nag-ring ang phone ni Si Ye Han kaya napatayo siya at naglakad patungo sa balkonahe para sagutin ang tumatawag sa kanya.
Ramdam ni Han Xian Yu na kilala siya sa titulong, sikat na artista; nahihiya pa siya dahil wala siyang naitulong sa kanila, kaya pumunta siya ng kusina para tulungan si Ye Wan Wan.
Ngunit nakita niya ang isang binata na maayos na nakataas ang manggas habang dumadaloy ang tubig sa kanyang balat. Naramdaman ni Han Xian Yu na napunta siya sa ibang mundo...
Hindi lang gwapo ang Ye Bai na ito-- mas maganda pa sa babae ang pangangatawan niya.
Ilang taon nang trendy sa entertainment industry ang ganitong itsura ng lalaki na may pangangatawan na parang sa babae; kadalasan, nahihiya ang mga babae sa mga bagong artistang mga lalaki na kakapasok lamang sa industriya. Naka engkwentro na ng ganitong uri ng lalaki si Han Xian Yu ngunit, kakaiba si Ye Bai sa kanilang lahat. Yung mga tinatawag nilang pretty-boys na ginawa ng industriya ay maitutulad sa plastik na bulaklak--- mapagkunwari ang ugali at galaw nila, pero si Ye Bai ay isang oasis sa malawak na disyerto, ang kanyang taglay na katalinuhan at katapatan ay nagsisilbing apoy sa buong mundo...
Napansin ni Han Xian Yu na walang kibot siyang nakatingin sa binata. Mabilis siyang umiling habang bumabalik ang kanyang malay tao, sabay sinabi, "Tulungan na kita!"
Pagkatapos niyang magsalita, kinuha niya ang mga gulay sa gilid at sinimulan niyang hugasan ito, sinabi niya, "Mr. Ye, narinig ko ang balita na pumirma ka na sa Worldwide?"
"Wag mo na akong tawaging Mr. Ye; medyo awkward ang dating. Tawagin mo ako sa pangalan ko…" Okay lang kay Ye Wan Wan na sabihin niya ang totoo, kaya sumagot siya ng totoo, "Oo, pumirma ako sa Worldwide at ngayong araw rin naming kinumpleto ang kasunduan namin ni chairman Chu."
Nagtataka si Han Xian Yu kung ano ang pinagkasunduan ni Ye Bai at chairman Chu noon… ito ay pala para makapagtrabaho siya sa Worldwide.
Magiging magaling na artista si Ye Bai, base sa kanyang itsura at ugali; pero kumpara naman sa kanyang kakayahan, tama lang na mas pinili niya maging manager. Alam ni Han Xian Yu na mas bagay ito kay Ye Bai.
"Mr. Y… Ye Bai, anong kumpanya ang balak mong trabahuan?" Tanong ni Han Xian Yu.
"Sa Dazzling Media," sagot ni Ye Wan Wan.
Tumaas ang kilay ni Han Xian Yu nang marinig niya ang, "Dazzling Media."
Gayunpaman, hindi na siya nagulat nung inisip niya ito. Ngumisi siya at sinabi, "Hindi madaling magtiwala si chairman Chu, kaya hindi niya basta-bastang pinapayagan ang sino man na makapasok sa headquarters."
"Pero, mas okay na din ang ganoong pamamalakad-- pinamumunuan ng malalakas na sangay ang headquarters, puno ng ibat-ibang utak ng mga tao na may kakaibang pananaw sa social circles o sa strong network man. Mahihirapan kang makapasok sa ganitong kumpanya kung papasok ka kaagad sa mid-level position. Si Zhou Wen Bin pa lang ang nagta-trabaho doon, kung mag-uumpisa ka sa kanya, malamang magiging madali sayo na makapasok!"
"Naisip ko rin iyon," tumango si Ye Wan Wan. Patuloy siyang nagsuri dahil kinabukasan ay magsisimula na siyang magtrabaho sa Dazzling, "Ah, oo nga pala, anong ugali ni Zhou Wen Bin? Sabi nila, maayos naman daw ang ugali niya?"
Tinuon niya ang kanyang atensyon sa artistang hawak ni Zhou Wen Bin, si Gong Xu, at gusto niya ding malaman pa ang ugali ni Zhou Wen Bin.
Kilala si Gong Xu sa bilang mainitin ang ulo. Ni-report siya sa balita na mahirap siyang pasayahin at masyadong malaki ang ulo niya. Kahit pa kwalipikado siya tulad ni Han Xian Yu, masyadong siyang maraming iskandalo at mga pangit na records na hihigit pa sa insidente ni Han Xian Yu. Marami nang dumaan na managers sa kanya, pero si Zhou Wen Bin lang ang may kayang harapin siya.
Sa mata ng publiko, karaniwan na nakikita nilang umaakto siya na gentleman at mabait ang pakikitungo sa ibang mga tao.
Nawalan ng emosyon ang itsura ni Han Xian Yu nang binanggit ni Ye Wan Wan ang pangalan ni Zhou Wen Bin. "Tsk, pinepeke niya lang yun para sa media at sa publiko. Alam ng lahat na nasa loob ng industriya kung anong klase ng tao siya. Hindi siya ang taong inaakala mo; maging maingat ka kapag nakikipagkasunduan ka sa kanya, baka isangkot ka pa niya sa gulo!"
Nagpapasalamat na tumango si Ye Wan Wan, "Salamat sa abiso--- simula ngayon, mag iingat na ako!"
Kung kayang sabihin ni Han Xian ang katotohanan sa akin, ang ibig sabihin nito ay malapit ang loob niya sa akin.
...
Pagkatapos ni Si Ye Han sa katawagan niya, bumalik siya at nakita niya si Ye Wan Wan at Han Xiang Yu na masayang nag-uusap, habang naghuhugas ng mga gulay sa kusina.
May taglay na payapa at payak na nakabalot sa mukha ng babae habang nakatingin siya kay Han Xian Yu, mukha na hindi mo makikita kapag nakatingin siya kay Si Ye Han...