Walang ipinapakitang emosyon si Ye Wan Wan at ang kurbada ng kaniyang labi ay nag iba.
Alam na niya na itong si Chu Hong Guang ay hindi kahit kailan paninindigan ang kaniyang pangako.
Ngunit...
Ano ngayon?
Inaasahan ni Chu Hong Guang na makakakita siya ng malaking pagbabago sa mukha ni Ye Wan Wan, ngunit napansin niya na wala man lang bahid ng pagkagalit o hindi pagkatuwa. Nagtataka siya dito ngunit, nag patuloy pa din ang mapagkunwaring itsura sa kaniyang mukha nang sabihin niya, "Huwag ka mag-alala, na kumpleto ko na kasunduan; ang ari-arian na ito ay nakalaan na para sayo!"
Tinaas ni Ye Wan Wan ang kaniyang kilay, ngumisi at ang napanukso niyang mata ay dahan dahan niyang inangat, direstong nakatingin sa mapanlinlang na matandang mukha ni Chu Hong Guang, "Kung gayon maraming salamat, Chairman Chu!"
Hindi sigurado ni Chu Hong Guang kung anong nangyayari kay Ye Wan Wan ngunit sa dami ng kaniyang mga pinagdaanan, kaya niyang itago ang kaniyang iniisip. Nagpanggap siyang kalmado at ngumiti, saka inilagay sa harapan niya ang kontrata, "Naihanda ko na din ang iyong posisyon--ito ay talagang naka-ayon para sa iyo. Tignan mo ito. Kung ayos na ang lahat, pirmahan na natin ang kontrata ngayong araw!"
"Oh? Napaka laking abala nito para sayo, Chairman Chu," tumingin si Ye Wan Wan sa kontrata. Nang makarating siya sa unang paniha, nangliit ang mga mata ni Ye Wan Wan.
Hindi ito kontrata para sa Worlwide Entertainment ngunit isa itong kontrata para sa managerial position nang isa sa mga korporasyon na sangay ng Worldwide Entertainment, Dazzling Media.
Marami ang korporasyon na sangay ng Worldwide Entertainment at Dazzling Media ang pinaka mahina sa mga ito. Ang tanging alas nila ay ang artista na nasa ilalim ni Zhou Wen Bin, si Gong Xu. maaari mong sabihin na si Zhou Wen Bin ang may huling salita sa lahat ng bagay doon.
Taos-pusong sinabi ni Chu Hong Guang, "Ang kasalukuyang estado ng Dazzling ngayon ay nasa hukay; ang buong kumpanya ay umaasa lang sa iisang artista--talagang binibigayang ako nito ng sakit ng ulo!"
"Dahil sa napabilib ako sa iyong pinakita, matapos ang maingat na konsiderasyon, naisipan ko na iwan ang importanteng gawain sayo. Naniniwala ako sa kakayahan mo, maaalis mo ang Dazzling sa katakut-takot na sitwasyon!"
Bahagyang tinapik ni Ye Wan Wan ang kaniyang daliri sa porselanang tasa na patuloy ang pangungutya sa kaniyang puso.
Ang lalaking ito ay talagang si Chu Hong Guang; talagang ginawa niyang maganda pakinggan ang salitang "banished".
Matagal na panahon ng lumalaban ang ama ni Ye Wan Wan kay Chu Hong Guang, kaya alam na niya ang pagkatuso ni Chu Hong Guang. Sa loob ng grupo, siya ay isang sikat na smiling tiger [1]--kakainin ka niya ng buo ng may ngiti sa kaniyang mukha.
Ang lahat ng paglilinlang na ito ni Chu Hong Guang, paanong hindi niya nahulaan ito?
Nang makita ni Chu Hong Guang na walang mali sa pagsasagawa niya ngayon, nag aalala hindi niya madomina si Ye Wan Wan, kung kaya, gusto niyang ipakita ang kaniyang kapangyarihan at mag isip ng madaming paraan upang dominahin siya.
Nang mapansin niya na hindi nagsasalita si Ye Wan Wan, inilabas ni Chu Hong Guang ang isa pang malaking tambak ng mga papel. "Inutusan ko na din ang bawat departamento ng Dazzling upang makipagugnayan sa iyo.
"At saka, maaari ka ding pumili ng artista na iyong gagamitin sa Dazzling maliban kay Gong Xu dahil siya ay nasa pangangalaga ni Wen Bin ng matagal na panahon; Hindi maganda na magpalit siya ng manager sa kalgitnaan ng karera niya. Binigyan na kita ng mataas pabor!"
Tsk, mamili ng kahit sinong artistang gusto ko?
Wala man lang kahit isang tanyag na artista sa Dazzling maliban kay Gong Xu, sinong pagpipilian ko?
Hindi nagsalita ng walang katuturan si Ye Wan Wan kagaya ng mapanlinlang na matanda na si Chu Hong Guang. Pasimple niyang kinuha ang mga listahan ng mga pangalan na ibinigay sa kaniya at dahan-dahang tinignan ito.
Sa listahan na iyon, walang kahit isang artista ang mahusay. Ang nasabing kabutihang loob ni Chu Hong Guang ay siya lang na sinusubukang paalisin si Ye Wan Wan.
Tahimik na inilipat ni Ye Wan Wan ang pahina, isa isa.
Nang ilipat niya ito sa huling pahina, tumigil ang kaniyang daliri at napatingin sa pangalan na nasa gilid.