Chapter 274 - Karahasan laban sa karahasan

"Ang bastardong ito! Dapat lang sakaniya ito! Ang pinagdadaanan niya ngayon ay hindi maikukumpara sa pinagdaanan mo! Matitikman niya ang cyber violence!"

Natapos ng maglabas ng sama ng loob si Fei Yang at muling nagsimulang mag-alala. "Ang sabi ni Yei Bai na papatunayan niya na inosente ka sa loob ng pitong araw ngunit ayon sa nangyayari ngayon, pati ang opinyon ng mga publiko ay bumabaligtad na at dumadami na din ang mga tao na dumadaing para sayo, paano kung gustong ituloy ni Zhao Da Yong ang paglaban?

"Kahit na hindi dapat tayo mabahala sa opinyon ng publiko at siguradong maipapanalo ang kaso, Ikakasama padin ng pangalan mo ang kasong ito!

"Sa entertainment industry, kung ang damo ay basta-bastang ginupit, tutubo ulit ito sa susunod na tagsibol, ibig sabihin kailangan natin tanggalin ang pinagmumulan ng problema. Kung hindi, maaari ulit itong mailantad at gamitin laban sa atin ulit…"

...

Nang matapos ang press conference, nag iba ang opinyon ng publiko katulad ng inaasahan.

Ang lahat ng pagpuna at pagkamuhi noon na nakatuon kay Han Xian Yu agad-agad na nalipat kila Mr. and Mrs. Zhao.

Nagabang ang mga reporters sa paligid ng bahay ng mga Zhao. Hindi maka pasok ng trabaho ang mag-asawa at kahit saan sila magpunta ay meron silang nakakatagpong media at galit na mga sibilyan.

Sa dalawang araw, tinanggal at naka blacklist na sa lahat ng kumpanya si Zhao Da Yong; ang kaniyang kaibigan at kamag-anak ay iniiwasan din siya na parang salot.

Sinusbukan ng media na maghalungkat ng impormasyon tungkol kay Zhao Da Yong mula sa kaniyang pamilya dahil sa walang makuha ang mga ito sa kaniya. Sa simula pa lamang hindi na maganda ang ugali ni Zhao Da Yong kung kaya tinutulak siya pababa ng iba. Halos lahat ng nainterview ay puro masasama ang sinabi tungkol sa kanya.

Wala ring pinagkaiba si Li Qiao Hong. Sa pananaw ng publiko, bilang ina ng bata, paanong wala siyang alam sa ginagawa ng kaniyang asawa? Sa mata ng lahat, tinulungan niya ang asawa niya upang pagsamantalahan ang kaniyang anak at nakipagsabwatan sa kanya.

Sa bahay ng Zhao:

May nagsisigawan at maingay sa loob ng bahay. Ang kabuuan ng sahig ay magulo habang nagtatago sa kwarto ang batang babae, at hindi gumagawa ng ingay.

Hilahila ni Li Qiao Hong ng isang kamay ang kaniyang maleta at sa kabila naman ay kinaladkad niya ang kaniyang anak; dirediretso siyang nag lakad ng hindi lumilingon.

At biglang hinawakan ni Zhao Da Yong ang kamay ni Li Qiao Hong at sumigaw, "Bakit kayo aalis?"

"BAKIT? Ano pa ba ang dapat kong gawin?! Gusto ko ng makipaghiwalay! Gusto ko ng umalis dito sa lugar na ito kasama ang aking anak! Ayoko ng mabuhay ng ganito!" sigaw ni Li Qiao Hong.

Tinitigan ni Zhao Da Yong ang mabigat na mata ng babae at sinabi ng may pamumutla sa kaniyang mukha, "Bakit kaba nababahala? Pinagkukumpulan na tayo ng mga reporters ngayon. Maghintay ka lang ng ilan pang mga araw kapag nakuha na natin ang pera maari na tayong makalayo, malayong malayo!"

Hinatak ni Li Qiao Hong ang kaniyang kamay palayo. "Pera pera pera, puro pera na lang ang nasa isip mo. Ngayon napilitang mapunta sa mahirap na kalagayan ang pamilya natin! May kalayaan kapa bang gasutusin ang perang iyan?

"Walang tigil na tumutunog ang aking telepono sa nakalipas na 24 oras; nagagalit at pinag babantaan ako ng mga tao na papatayin ako! Iniihian at tinatapunan na ng tae ang paligid ng bahay natin; wala bang kahit isang sandali na matatahimik ako!

"Dahil sa pinubliko mo na ang lahat, kilala na tayo ng lahat ngayon; saan tayo pwede pumunta? Makikilala tayo ng lahat kahit saan pa tayo mag punta! Pagtatawanan pa din tayo kahit saan tayo tumira! Kahit na ang ating mga kamag-anak ay pinutol na din ang ugnayan sa atin!

"Sinabi ko na sayo na wag mong gawin ito, ngunit hindi ka nakinig. Magaling, ngayon nakapanakit kapa ng isang tanyag na tao! Ayos lang sana kung ikaw lang maapektuhan dito ngunit ngayon, pati ako dinamay mo pa sa paghihirap mo! Sinira mo din ang reputasyon ng anak natin!"

Tinapon lahat ng Li Qiao Hong ang lahat ng nasa kaniyang kamay at bumagsak sa sahig. "Ano na bang ginawa ko para magdusa ako ng ganito?! Hinahatid mo na ba ako sa aking kamatayan?!"

"Mommy…" walang magawa ang batang babae na nakatayo sa harapan ng kaniyang ina.

Niyakap ni Li Qiao Hong ang kaniyang anak at nagsimulang umiyak, "Anak… ang kawawa kong anak… ano bang kasalanan mo… upang bigyan ka ng isang amang katulad niya…"

Related Books

Popular novel hashtag