Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 29 - Hindi niya gagawin at hindi niya kaya!

Chapter 29 - Hindi niya gagawin at hindi niya kaya!

Sa kalagitnaan ng malakas na halakhakan, biglang sumeryoso ang mukha ni Liang Li Hua, "Ye Wan Wan, hindi mo kailangang magsalita ng mga walang kwentang bagay dito. Huli na para magsisisi ka pa! Walang kapantay ang Qing He school. Lahat ng mga nagtatapos dito sa Qing He, may magaganda ang buhay at nagiging matatag na pillar ng lipunan! Ikaw, isang peste ka lang sa lipunan, ikinahihiya ng Qing He!

"Kung may natitira ka pang hiya para sa sarili mo, dalhin mo na mga gamit mo at umalis ka na, tigilan mo na 'yang pambabastos mo! O gusto mo tawagin ko pa 'yung separada mong mga magulang para sunduin ka?"

Sa pagsasalita tungkol sa mga magulang ni Ye Wan Wan, lalong naging mapanginsulto ang tono ni Liang Li Hua na may halo nang panghahamak sa bata.

Nang marinig ni Ye Wan Wan ang salitang "separada" nanlisik ang mga mata niya!

Itong isyu na ito ang matagal na niyang tinatakasan simula pa nang ipinanganak siya.

Sa dati niyang buhay, sinisi niya ang mga magulang niya sa pakikialam sa kanilang dalawa ni Gu Yue Ze. Lagi niyang inaaway, pinagsasalitaan ng masasama, at sinasaktan sila. Pati ang pagpilit na pumunta sila sa Civil Affairs Bureau para lang mapalayo sa kanila, makalaya lang sa kasiraang sa pamilya nila. Para mabigyan pa siya ng pagkakataon ni Gu Yue Ze.

Sa katunayan nga, para lang maitago ang katotohanan sa kanya, maraming pagdurusa ang napagdaanan ng mga magulang niya...

Matapos siyang ipanganak, mas ginusto ng mga tao na makita ang mga magulang niya at kapatid niyang lalaki!

Ngunit wala na siyang lakas ng loob!

Ngayon, wala na siyang karapatang makita pa sila!

Nang makita si Ye Wan Wan na nakatayo at hindi man lang nagsasalita at gumagalaw mula sa kinauupuan, nanggalaiti na sa galit si Liang Li Hua at hinampas ang mesa, "Ye Wan Wan! Huwag mong subukan ang pasensya ko!!!"

Bumalik sa wisyo si Ye Wan Wan at agad na nagiba ang ekspresyon ng mukha niya at dagling ipinilit, "Titser, gusto ko lamang ng legitimate request."

Huminga ng malalim si Liang Li Hua, pinapigilan ang sarili na magalit. Hinampas niya ang exam booklets. Hinanap niya ang pangngalan ni Ye Wan Wan at agad na kinuha ang resulta ng exams niya, "Magaling! Tingnan mo ang mga grado mo! Kita kong ikaw 'yung tipo ng tao na hahagulgol sa iyak hanggang sa makita mo na kabaong mo!"

Nakasaad sa result slip ang bawat resulta ng exams ng bawat estudyante sa bawat subject, kasama ang kabuuang marka at marka sa bawat major na tanong. Nakasaad naman sa huling pahina ang rangg sa klase at maging ranggo sa buong eskwelahan ng estudyante.

Natigilan ang mga estudyante at hindi nakapagsalita...

"May mali ba sa utak ng batang 'to? Hindi pa rin ba niya nakukuha kung paano ang naging resulta ng exams niya?"

"Isang malaking kahihiyan!"

"Mahiya ka naman sa sarili mo! Ang mga pangit na tao laging nasasangkot sa gulo!"

...

Nang iikot ni Liang Li Hua ang unang pahina, lumabas ang resulta ng math. Mula sa kabuuang puntos sa tatlong sections ng exam, tulad ng multiple choice, fill in the blanks, at open-ended questions, lahat ay tumataginting na 0 points!

"Math, 0 points! Ye Wan Wan, ito ba yung resulta na pinipilit mong makita ko? Mga puntos na dapat magdala sa'yo sa top ng klase?" panunuya na may halong irap ni Liang Li Hua.

"Hahaha, tulad ng inaasahan, 0 na naman ang pangit na babang 'to!"

"Isang malaking sampal sa mukha! Paano ka magiging una sa klase kung 0 naman ang puntos mo sa Math? Masyado kang mayabang!"

"Una pala ha, wala namang mali sa pagiging una sa hulihan, diba!"

Tila hindi marinig ni Ye Wan Wan ang pangiinsultong 'yun sa kanya. Nasabi na lang niya, "Mayroon pa namang Language, Liberal Arts, at English."

Naalala niya ang Language, English, at lalo na ang Liberal Arts exams na naging mahirap din para sa kanya. Kung magagawa niyang makakuha ng matataas na punto sa 3 sections ng bawat subject, kahit 0 pa puntos niya sa Math, hindi man niya magawa maging top sa eskwelahan, magagawa pa rin naman niyang maging una sa klase.