Chapter 258 - Ubod ng kagandahan

Habang pauwi si Ye Wan Wan, dumaan siya sa isang flower shop.

Pagkagising niya ng kinaumagahan, gusto niya sanang kasabay na kumain ng umagahan si Si Ye Han, ngunit umalis na ang lalaki para pumasok sa trabaho kaya hindi na siya natanong ni Ye Wan Wan.

Araw araw ay dapat siyang suyuin ni Ye Wan Wan para pakalmahin si Si Ye Han na mainitin ang ulo.

"Hello, welcome!"

Sa loob ng flower shop ay may isang babae na nakasuot ng berdeng bestida. Normal na napapatingin at binabati niya ang mga customers kapag naririnig ang huni ng bell sa may pintuan.

Nakita ng babaeng iyon na may pumasok na balingkinitan at matangkad na binata. May suot itong puting pantaas at naka shorts, flaxen ang buhok ng lalaki.

Para bang secret Garden of Eden ang lugar na iyon dahil ibat-ibang uri ng bulaklak ang nakapaligid doon. Musika na nakakagaan sa puso ang tumutunog habang naglalakad ang lalaki sa loob ng flower shop, napansin ng babae ang hugis ng mukha ng binata habang nasa pagitan ng mga bulaklak.

Inangat ng binata ang isang rose nang mapadaan siya sa bouquet of roses.Yumuko siya at para amuyin ang bulaklak at makikita ang napakaganda at kulot niyang mga pilikmata.

Pumapasok ang sinag ng araw sa bintana at kumislap sa kanyang magandang mukha. Hindi maikakaila na mas kaaya-aya siya kesa sa bulaklak na hawak niya, tila lumalabo ang bulaklak para makita numiningning niyang kagwapuhan...

"Hello, pwede bang bumili ng nakabalot na bouquet ng red roses, please?"

Tila bumalik na galing sa pagpapantasya ang babae nang marinig niya ang paos at mababang boses ng lalaking papalapit sa kanya. Napatingin siya sa mapagtanong na tingin ng lalaki, mabilis na namula ang kanyang pisngi at sumagot siya agad, "Sure, sige sir. Ilan po ba ang gusto niyo?"

Dahan-dahan na hinaplos ni Ye Wan Wan ang petal at matagal siyang napaisip bago sumagot sa tanong, "99 na piraso!"

"Sige, sige, ipapabalot ko ito para sayo!" mabilis na nagtrabaho ang shop assistant habang pasulyap-sulyap at hinuhusgahan ang lalaking namimili sa kanya.

Hay, diyosko! Napakagwapo ng lalaking ito! Mas gwapo pa siya sa mga artista sa tv!

Sino kaya ang swerteng babae na makakatanggap ng red roses na galing sa gwapong ito. Tapos 99 roses pa ang ibibigay sa kanya!

Lumitaw ang pagka-tsismosa ng shop assistant!

"Kararating lang kaninang umaga ng mga bulaklak na ito; tatagl ito ng ilang araw dahil sariwa pa ito… gusto mo ba ng wrapping paper? On-trend ang makalumang pambalot kaya ito ang gagamitin kong pambalot sa mga bulaklak mo, okay ba?"

"Sige, maganda naman siyang tingnan" tumango ang lalaki.

Kinilig ang shop assistant nang marinig ang kanyang 'maganda naman siyang tingnan', namula ang kanyang mga pisngi kahit alam niyang tinutukoy ng lalaki ang pambalot ng bulaklak. Matagal siyang nagdalawang isip ngunit hindi na siya nakapagtimping magtanong, "Sir, para sa girlfriend mo ba ito?"

Nabigla ang lalaki, "Hindi, hindi ito para sa girlfriend ko."

Nagulat ang maliit na shop assistant, "Hindi ito para sa girlfriend mo?"

Hindi pala ito para sa girlfriend niya?

"Siguro para sa nililigawan mo ito, tama?" Nag isip-isip ang shop assistant. Naging mas mausisa siya at sinabi, "Siguro, ubod ng ganda ang babaeng ito dahil hinahabol siya ng gwapong tulad mo!"

May biglang naisip ang lalaki, sa pag-iisip niya ay naghanda siyang magsalita kaya kumulot ang kanyang labi at sinabi, "Totoo, ubod siya ng kagandahan."

Biglang nanlaki at lumiwanag ang mga mata ng maliit na shop assistant--- tama ako!

Kinain ng selos ang shop assistant dahil iniisip niya kung gaano kaganda ang babaeng nililigawan ng lalaking iyon, umentra ang lalaki sa pagmumuni muni niya at sinabi, "Pero, hindi siya para babaeng nililigawan ko."

Nawalan ng malay tao ang shop assistant, "Para pala ito sa babaeng…?"

"Para sa boyfriend ko," sagot ng lalaki.

Ang shop assistant: "..."