Sa wakas, nakalaya na ang tatlo sa mga nagsisik-sikang at nakapalibot na reporters.
"Okay ka lang ba Yan Ran? Nasaktan ka ba? Kasalanan ko ito at hindi kita na-protektahan ng maayos!" Sisi ni Chu Feng sa sarili.
Nakatindig si Jiang Yan Ran, walang malay siyang nakatayo at hindi man lang siya nagsasalita. Nabigla siya sa biglaang nangyari.
Sabay niyakap siya ni Ye Wan Wan at biglang napatingin siya kay Chu Feng at sinabi, "I-uwi mo si Yan Ran; sa ngayon, mas maganda kung hindi muna siya aalis ng bahay."
Malamang hindi palalampasin ng mga reporters ang mainit na balitang nangyari at maari silang gumawa ng article gamit ang pag-interview nila kay Jiang Yan Ran.
Ninaluktot nila ang katotohanan ng interview kay Jiang Yan Ran kanina dahil mabilis na kumalat ang bali-balita sa internet. Sabi dito, mga walang utak raw ang fans ni Han Xian Yu, kung sino man ang de-depensa kay Han Xian Yu ay binabansagang "makasarili" na mga tao.
Following that, Southeast Daily newspaper, where that lanky reporter was from, uncovered even more explosive news--an ex-employee who had worked at Han Xian Yu's villa revealed that he often saw Han Xian Yu disappearing with little girls for entire afternoons and the cries of the girls could be heard from his bedroom. This news gave rise to more speculations from the public.
Ang matangkad at payatot na reporter ay trabahador pala sa Southeast Daily, inulat niya ang isang pasabog na balita tungkol kay Han Xian Yu-- ang noo'y trabahador raw ni Han Xian Yu sa kanyang villa ay nakakarinig ng umiiyak na mga batang babae sa kanyang kwarto, madalas rin na buong haponng nawawala si Han Xian Yu habang may kasamang batang babae. Dahil dito, naniwala ang marami sa publiko sa mga haka-haka.
Lahat ng mga ebidensya ay nakatutok sa sexual abuse ni Han Xian Yu sa mga batang babae. Ang noo'y simpleng tsismis tungkol sa isang artista, ang naging pinakamalaking storya sa buong sambayanan.
Sa mga oras na iyon, itinaas ni Ye Wan Wan ang kanyang mga manggas habang nakayuko sa harap ng malaking salamin. Kumulot ang mapula niyang labi at bigla niyang itinaas ang kanyang ulo. Binalot ng kakaibang mukha ang kanyang itsura at unti-unting nawala ang magandang itsura ng dalaga..
Sa mga oras na iyon, binalot ng mga galit na reporters at magulong mga tao ang Worldwide Entertainment.
May mga sirang bintana, ang entrance ay puno ng kalat, basura at bulok na mga gulay at itlog, meron ring nakakasukang amoy ng ihi dito. Walang oras sa isang araw na hindi binalot ang Worlwide Entertainment ng mga nagpoprotestang sumisigaw na may hawak na mga karatula---
"Tanggalin na si Han Xian Yu sa entertainment industry!"
"Protektado ng Worldwide Entertainment ang manloloko!"
"Bigyang hustisya ang mga biktima!"
...
Sa loob ng meeting room ng Worldwide Entertainment:
Malamig at mabigat ang simoy ng kwarto; ni-isa sa kanila ay walang nagtangkang magsalita at pare-parehas silang nakayuko.
"Umabot na sa ganitong punto ang insidenteng ito; may mga grupo ng tao nag pinagmumura tayo sa ating offices, pero ngayon.. ngayon pipi kayong lahat! Paano natin maaayos ang problemang ito? Bigyan niyo ako ng solusyon ngayon din!" Ang chairman ng Worldwide Entertainment na si Chu Hong Guang ay nagtapon ng maraming dyaryo sa meeting table, umungol siya sa sobrang galit habang ang mataba niyang katawan ay nanginginig sa pagkainis. Huminga siya ng malalim at tinago ay kanyang bangis ng panandalian. Tiningnan niya ang lawyer na katapat niya.
"Tatanungin kita, gaano ka nagtitiwala na mananalo tayo sa kaso na ito?"
Namutla ang mukha ng lawyer nang mabilis siyang sumagot, "Sa ngayon, ang opinyon ng publiko ay panig sa batang babae. Maaaring maapektuhan ng publiko ang opinyon ng korte dahil laman ito ng pampublikong diskusyon. Kung ipaglalaban natin ang kasong ito, kailangan natin ng kongkretong ebidensya para baguhin ang opinyon ng publiko tungkol sa kaso… sa tingin ko, tatagal ito ng ilang panahon pa…"
"Matagal na panahon? Gaano katagal?!" Nanlalata ang mukha ni Chu Hing Guang. Unti-unti mamamatay ang pangalan na Han Xian Yu kapag pinatagal ang kasong ito. Sa ngayon, nasa pinaka tuktok si Han Xian Yu ng kanyang career. Mabilis na mawawala ang daan niya papunta sa kasikatan dahil sa negatibong epekto niya sa publiko. Sinong direktor o brand ang pipili sa aristang pangit ang imahe?
Napalunok ang lawyer at nagbigay ng sapat na estimasyon.
"Best case na ang dalawa hanggang tatlong taon…"