Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 221 - Wala kang tiwala sa abilidad ko?

Chapter 221 - Wala kang tiwala sa abilidad ko?

Sa loob ng kwarto:

Hindi makaimik si Ye Wan Wan nang marinig niya ang ni SI Ye Han na "pupunta na 'ko dyan pag natapos ko na ang inaayos ko".

Bakit parang isa akong asawa na nag-aantay sa kanyang asawa na matapos sa trabaho?

Halata naman isa lang akong high school girl na 'di kayang bayaran ang matrikula!

Matapos niyang mag-aral sa math buong gabi, pagod na pagod si Ye Wan Wan. Nang makahiga na siya sa kanyang kama, agad agad din itong nakatulog.

Nang inaantok pa ito, nakarinig siya ng mga pamilyar na yapak papalapit at isang malamig na paghinga ang lumaganap sa kanyang katawan.

Kumunot ang kilay ni Ye Wan Wan at nag-umpisa na siyang magsalita habang antok na antok pa ito.

Tinitigan ni Si Ye Han ang kanyang mga labi. Marahan niyang hinakawan ito ng kanyang makalyong mga daliri pero ng makalapit ito, narinig niya ang pagbulong ni Ye Wan Wan, "x minus x in two series, the formula of a general term, sum to n terms... two of them has a limit, four arithmetic operations change sequentially..."

Matapos ang matagal na pagbubulong nito, nang makaramdam siya ng init sa tabi niya ay agad siyang yumakap dito at sabing, "Papa…"

Si Ye Han: "..."

Bigla siyang nanahimik na para bang ang himbing ng tulog niya. Maya-maya, nanginig bigla ang kanyang mga balikat at bumulong ito na puno ng pagkabalisa at takot, "Naging mabait po si Wan Wan… nag-aaral po si Wan Wan…'wag ka na pong magalit sa 'kin…'wag niyo po ako iwan… alright…"

Tulirong tinitigan ni Si Ye Han kanyang maliit na mukha. Maya-maya, hinawakan niya ang mukha ni Ye Wan Wan at pinunasan ang namumuong mga luha sa mata niya.

Kinabukasan, tumunog ang alarm ng saktong ala-sais ng umaga.

Agad na ibinaon ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo sa kobrekama para magtago sa tunog ng alarm. Maya-maya, nag-aatubili siyang pinatay ang alarm at bumangon na.

Nang halos makabangon na siya, isang pwersa ang humila sa kanya pababa mula sa kanyang bewang.

Napahiga siyang muli sa kama at nakaharap sa gwapong mukha ni Si Ye Han.

Nakaladlad ang mga kurtina sa kwarto at may mahinang sinag ng araw lang ang nakapasok sa kwarto. Sa malambot, komportable, at mainit na kama, ay may nakahigang napakagwapong lalaki sa tabi niya. Ang mga normal na tao ay gugustuhing matulog na lang habang buhay.

Hindi iyon naisip ni Ye Wan Wan matapos ang pag-aalala nito ng matagal, pagod na pagod na siya at nakatulog na hanggang mag-umaga. Hindi niya napagtanto kung kailan dumating si Si Ye Han.

Isang malaking braso ang nakayakap sa bewang ni Ye Wan Wan; na para bang isang unan ang katawan niya. Kumalabog ang puso siya sa posisyon nilang dalawa, "Huy, uh… kailangan ko ng tumayo para mag-aral…"

Hindi binuksan ng lalaki ang kanyang mga mata. Parang wala din siyang balak na patayuin si Ye Wan Wan at sabi niya sa mababa niyang boses, "May dalawang oras pa."

"Uh…" hindi maka-imik si Ye Wan Wan.

Kagabi, nakatulog siya ng alas-dose at ngayon ala-sais na ng umaga. May dalawang oras pa para sa buong walong oras ng tulog.

Talagang binilang niya yung oras! Kailangan bang tantiyahin niya ang lahat?

Sanay na si Ye Wan Wan na magising ng maaga. Kahit na pagod pa din siya, at para yayain siyang humiga at matulog ng mahimbing ng walong oras ay parang isang kasalanan sa kanya. Kaya naman, sinubukan niyang makipagsundo dito, "Um, Teacher Si, baka pwede tayong magkasundo--pwedeng humingi ng tawad? Pwede na ba yung anim na oras? Kahit na senior na ko sa high school, ang pangit pa din ng math ko kaya kailangan kong humabol sa mga natitira kong oras. Pano pag hindi ako naging magaling…?"

Dahan-dahang minulat ni Si Ye Han ang kanyang mga mata, kasing dilim ng isang basong lumubog sa malamig na sapa, "Wala kang tiwala sa abilidad ko?"

"..." walang masabi si Ye Wan Wan.

Pero paano kung hindi ako naging magaling? Pwede bang makakuha ng refund?