Sabik na pina-ikutan ni Ye Wan Wan ang Great White. Mukhang wala namang pake ang Great White pero kalahating araw din nakipagkwentuhan si Ye Wan Wan sa tigre at ginawan pa ng koronang bulaklak. Paminsan-minsan, ang inis na dagundong ng Great White ang dinig sa bakuran, kasama na ang pagyayamot ni Ye Wan Wan.
Nang namalayan na ni Ye Wan Wan ang oras, nagdilim na ang langit. Nag-aautubili niyang iniwan na ang Great White at ang mga repolyo, at taimtim siyang naglakad sa bahay na puno ng math at Si Ye Han.
Matapos na kinawayan niya ang Great White, malungkot na binitbit ni Ye Wan Wan ang kanyang schoolbag.
Nang makita si Xu Yi na lumabas sa study, madaling nagtanong si Ye Wan Wan, "May inaabala ba si Si Ye Han ngayon?"
Halos mapaiyak na si Xu Yi nang makita si Ye Wan Wan. Tapos na din sa wakas maglaro ang ale.
Nang makapasok, nakita niya ang lalaking nakaupo sa upuan sa may balkonahe na may libro na ibang lenggwahe sa kamay niya. Natakpan ng anino ang kanyang mukha kaya hindi makita ni Ye Wan Wan ang itsura nito.
"May kailangan ka?" nang makita ni Si Ye Han na papalapit si Ye Wan Wan, dahan dahan itong tumingala, na ang mata'y kasing lamig ng buwan sa kanyang ulo.
Hindi sigurado si Ye Wan Wan kung mali ang pagkakaintindi niya, pero pakiramdam niyang hinukayan siya ni Xu Yi sa kanyang kamatayan.
Sinong may sabing maganda ang mood ni Si Ye Han ngayon?
Matagal pinag-isipan ni Ye Wan Wan ito pero hindi niya pa din malaman kung bakit nga ba masama ang mood ni Si Ye Han, kaya pinabayaan niya na lang ito.
"Kasi, ganito 'yon… sa loob ng isang buwan, mayroon ng mga college entrance examinations pero sobrang hina ko sa math---kailangan ko ng tulong! Madami ka bang gagawin sa mga araw na 'to? Pwede mo 'kong turuan? Bigyan mo 'ko ng dalawang oras, hindi, isang oras lang kada gabi!"
Hindi na nag-abala si Ye Wan Wan na manghingi pa ng sobra-sobra--tutal, abalang tao naman si Si Ye Han.
Pero tulad nga ng mga sabi-sabi, ang pakikinig sa isang kumento na galing sa matalinong lalaki ay mas mahalaga pa sa sampung taon na pagbabasa ng libro-- kahit may isang oras lang siya, sapat na 'yon sa kanya.
Siguro dahil sa madaling intindihin ang mga paliwanag ni Si Ye Han o sa mga takot ni Ye Wan Wan sa paggawa ng mali sa harap niya, pero pakiramdam niya na ang pagtaas ng pagkaunawa niya at pagpokus niya kapag nag-aaral kasama si SI Ye Han, na para bang sobrang husay niya.
Kabadong inantay ni Ye Wan Wan ang sagot niya.
Maya-maya, inilapag ni Si Ye Han ang libro at sabing, "Pwede kitang bigyan ng dalawang oras."
"Dalawang oras!" kumislap ang mga mata ni Ye Wan Wan "Talaga?"
"Pero, may kondisyon ako," Bahgyang nagdilim ang mga mata ni Si Ye Han.
Sa sobrang kaba ni Ye Wan Wan ay parang sasabog na ito, "Kon… kondisyon… anong kondisyon?"
Si Ye Han: "Kailangan mong magbayad katapat ng serbisyo ko."
Ye Wan Wan: "At ang bayad ay ano?"
Si Ye Han: "Bigyan mo 'ko ng walong oras."
Gulat si Ye Wan Wan, "Ah…?"
Bigyan siya ng walong oras para saan?
Sa sumunod na segundo, naalala ni Ye Wan Wan ang nangyari noon sa kanyang dorm-- nung mga oras na 'yon, ang kondisyon ni Si Ye Han ay anim na oras, tama, gusto niyang samahan siya ni Ye Wan Wan matulog sa anim na oras...
Bale, ang walong oras na ibig sabihin ni Si Ye Han ay malamang-----
"Gusto mong matulog kasama ako sa buong gabi!?"
Sa sobrang mangha, dilat na dilat ang mga mata ni Ye Wan Wan.
Nang marinig ang sagot ni Ye Wan Wan, sumulyap si Si Ye Han sa kanya at sabing, "Kailangan mo ng turo ko sa isang gabi lang?"
Agad namang umiling si Ye Wan Wan, "Hindi sapat ang isang gabi lang; kailangan hanggang sa matapos ang mga entrance exams. Hanggang sa tapos na ang exams, baka kailangan ko ng tulong mo sa mga gabing pwede ka…"
Inangat ni Si Ye Han ang tasa niya at humigop, "Edi, gabi-gabi mo akong samahan matulog."
Ye Wanwan: "..."