Kahit nahihirapan na siyang pigilan ang gumagapang na kamatayan sa isip niya, patuloy pa rin na nagsalita si Ye Wan Wan. Sabay pinaghuhugot niya ang love letters, candies at tsokolate at tinulak sa kinauupuan ni Si Xia.
"Galing sa kanya ang lahat ng ito, sa kanya ito! Wala akong kinalaman dito!" *pilit na tawa*
Napansin ni Si Xia na tinutulak ni Ye Wan Wan ang mga ito sa kanya kaya nandilim ang kanyang mukha sa sobrang inis. Tumaas ang kanyang kilay nang huhugutin niya ang isa sa mga love letters--- aiyayay, sa harap ng love letter ay may nakasulat "PARA SA DIYOSA NA SI WAN WAN, SARANGHAEYO" at naka-malaking mga letra pa!"
Ye Wan Wan: "..." Gusto ko talagang sakalin ang mokong na'to hanggang sa mamatay eh!
May gumagapang na lamig sa labas ng classroom na galing sa katawan ni Si Ye Han. Ang mala-demonyo niyang mukha ay namantsahan ay binabalot ng lamig at parang winawarak ng matalim na lamig ang damit ni Ye Wan Wan.
Naramdaman ni Ye Wan Wan na unti-unting maninigas ang kanyang laman loob.
At sa mga oras na iyon, may malamig na hangin ang umihip sa looban.
"Ahhhhhchoo——"
Ang mental at pisikal na lamig ang nag udyok sa kanya na humatsing ng tatlong beses.
At naging malinaw sa kanya na ang awra sa paligid ni Si Ye Han ay nabalot ng katakot-takot na pakiramdam.
Mamatay na ako-- hindi lang si Si Xia ang nandirito, kundi may sampong milya ng manliligaw ang naghihintay sa akin!
"Yan… Dar… Darling… Ang nangyari kasi ay…"
Kahit na alam niyang walang kwenta kung magpapaliwanag pa siya, sinubukan pa rin itong gawin ni Ye Wan Wan.
Habang niyayanig ni Ye Wan Wan ang kanyang utak kapapaliwanag, biglang tumingin si Si Ye Han kay Xu Yi.
Nang makuha ni Xu Yi ang ibig sabihin ng titig ng kanyang master, mabilis niyang kinuha ang bag at sa loob nito, inilabas niya ang nakarolyong kulay puti.
Yan yata ay isang… coat?
Ilang saglit lang, uminit na ang nilalamig na balikat ni Ye Wan Wan.
Pinatong ni Si Ye Han ang coat kay Ye Wan Wan habang ni-isang ekspresyon ay wala sa kanyang mukha.
Nang makita niyang tulirong nakatayo si Ye Wan Wan, tumaas ang kanyang kilay habang nakatingin sa babae. Tulad ng pag-alaga sa isang bata, tinulungan niyang ipasok ang kamay ng babae sa manggas ng coat at ang manipis niyang mga daliri ay isa-isang nagbutones para maisara ang damit.
Ito ay malambot, mabalbon at cloak-style na jacket; nakalinya ang bawat gilid ng puting fur kaya mabilis na pinainit nito ang katawan ni Ye Wan Wan, palayo sa malamig na mundo.
Mahigpit na nakabalot si Ye Wan Wan hanggang sa nakasilip na lamang ang kasing-laki ng palad na mukha niya. Naging mas charming ang kanyang itsura habang nakabalot sa puting fur at mga mata niyang nakatitig sa lalaki ay kasing ganda ng mga bitun pagkatapos ng snowfall, inaakit ni Ye Wan Wan na lumapit siya.
Tumingin siya sa babaeng kaharap niya at dumilim ang emosyon ng mukha niya, nanlilisik na katakot takot na alon ang umaagos sa kanyang mga mata.
Akala ni Ye Wan Wan na papalapit na siya sa kanyang kamatayan, ngunit nagkamali siya; ang naghihintay lang pala sa kanya ay ang mainit… at malambot.. na coat.
Habang nadarama niya ang init at lambot na parang bang mga ulap sa kalangitan, ang lamig na nanunuot sa kanyang mga buto ay dahan-dahang naglaho sa kanyang katawan habang may isang kakaibang init na dumadaloy papunta sa kanyang puso...
Parang tumatangos ang ilong ko sa coat na ito na hindi ko inasahang darating.
Nagdala talaga si Si Ye Han… ng coat para sa akin?
Binalot ng dilim ang walang emosyon na itsura ni Si Ye Han nang makita niyang may mali sa ekspresyon ni Ye Wan Wan, "Ano iyon?"
Mahirap ba talagang paniwalaan na dinalhan ko siya ng coat?
Sa wakas, mabilis na bumalik sa katinuan si Ye Wan Wan at inangat niya ang kanyang ulo at gulat niyang sinabi, "Wa...Wala… nilalamig lang ulit ako… tsaka naninigas ang mga kamay ko…"
Tiningnan muli ni Si Ye Han si Xu Yi nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan.
Mabilis na naintindihan ni Xu Yi ang senyas at naglabas siya ng isang pares ng gloves.
Preparadong-preparado talaga!
Ngunit nabugnot si Ye Wan Wan nang makita niya ang gloves.
Nyemas, sinabi ko lang iyon para maasar siya ng konti!
Ang dapat na reaksyon ng normal na lalaki sa sinabi ko ay hahawakan ang aking kamay sabay papainitin ang katawan ko sa init ng pagyakap, 'di ba?
Para saan pa yung punyetang gloves?