Chapter 205 - Ang magandang piyesta

Sa Class F:

Natakot si Si Xia nang makita ang naiinis na mukha ni Ye Wan Wan, "Nakita ko kasi na kanina ka pa umiiyak kaya sinakriprisyo ko ang aking kalinisan para hubarin ang t-shirt ko at ibalot sayo, tapos hindi ka pa nagpasalamat!"

Habang naririnig ni Ye Wan Wan ang hiyawan ng mga dalaga at mga nag-uunahan para makita si Si Xia biglang nalungkot ang puso niya.

Mas importante ba ang kalinisan niya? Muntikan nang mamatay ni Ye Wan Wan!

Mabagsik ang tingin ng mga dalaga kay Ye Wan Wan, kasing bagsik ng mga lobo at tigre.

Sa mga oras na iyon na binabalot ng tili ng kinikilig na mga dalaga, ma matinis na boses ang nangibabaw, "Walang hiyang pokpok! Ano naman kung maganda ka? Sa tingin mo may karapatan kang manlandi ng mga lalaki kasi maganda ka ha?"

"Tama! Para kay Little Xue namin si Si Xia!"

"Nakakahiyang kabit ka!"

Nanlamig ang loob ni Si Xia nang marinig niya ito, "Kelan pa ako naging pagmamay-ari ni Cheng Xue?"

Kagustuhan ng Cheng family na maging magkaibigan sa Si family; pero sa huli, hindi naging akma ang koneksyon nila at sinubukan nilang samantalahin ang walang kwenta ama ni Si Xia para magkaroon ng koneksyon ang dalawang pamilya gamit ang pagpapakasal kay Si Xia sa anak nilang si Cheng Xue.

Naisip niya na hindi naman ganoon ka pangit si Cheng Xue, baka kailangan niya ng mukhang maihaharap. Ngunit, inaangkin kaagad ng babaeng ito na pagmamay-ari niya si Si Xia?

Sinampal ni Si Xia sa mukha ang mga sidekick ni Cheng Xue at dahil doon hindi na sila makapagsalita pa.

Nang makita ni Cheng Xue na protektadong-protektado ni Si Xia si Ye Wan Wan, umapoy siya sa sobrang galit at nangutya kay Ye Wna Wan, "Masyado kitang minaliit Ye Wan Wan. Sobran husay mo na kahit si Si Xia sumusunod sayo!"

Masamng binulong ni Ye Wan Wan sa kanyang puso--- anong mali kung nirerespeto ng pamangkin ang nakakatanda at sumusunod sa utos ng kanyang tita (ako) ha?

Napupuno na si Si Xia, "Manahimik ka kung ayaw mo pang mamatay!"

Malapit nang sumabog si Cheng Xue sa sobrang galit. Ngumiwi ang kanyang mukha at matinis niyang sinigaw, "Manahimik… BAKIT AKO MANANAHIMIK?! May sinabi ba akong mali? Walang hiya niyang ninakaw ang pagmamay-ari ko, si Si Xia!"

Matigas ang ekspresyon ni Ye Wan Wan, "Nagkamali ka yata Cheng Xue. Sinabi ko naman na noon na may boyfriend ako at sa ugali pa lang niya, hindi ko na kailangan magnakaw pa ng pagmamay-ari mo."

Dumilim ang mukha ni Si Xia na parang pwet ng kawali, pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Ye Wan Wan--- Hindi mo naman ako kailangang saksakin sa likod habang pinapatunayan mong inosente ka!

Ngumisi si Cheng Xue, "Ha! Mas magaling pa ang boyfriend mo kaysa kay Si Xia? Masyado kang mayabang magsalita! Kilala mo ba talaga kung sino si Si Xia?"

Umentra pa ang sidekicks niya, "Kalokohan! Hindi siya natatakot na makidlatan ang dila niya dahil sa kanyang kasinungalingan! Anong tingin niy sa atin, bobo? Ang mga pokpok na tulad niya ay bagay sa matandang mayaman!"

Hindi makapagsalita ang mga tao na nakapalibot sa kanila, nang marinig nila ang sinabi ni Ye Wan Wan. Gayunpaman, pangit man ang sinabi ng mga sidekicks ni Cheng Xue pero may kabuluhan ito. Ngayon lang kasi naging prinsesa si Ye Wan Wan sa mga mata nila---at magandang mukha lang ang meron siya kaya wala itong halaga kumpara sa family background ni Cheng Xue.

"Masyadong pinagmamayabang ni Ye Wan Wan ang maliit niyang torotot!"

"Pinagmamayabang niya ang kanyang boyfriend na isan-daang beses na mas gwapo kay Si Xia!"

"Malaking kalokohan yan!"

Pinag-uusapan ng lahat ang boyfriend ni Ye Wan Wan, nang biglang napa-hanga ang tao sa may bintana sa kanyang nakita---- "Wow! Sobra… Sobrang gwapo---"

"Ano 'yon, ano 'yon? Ano naman ito ngayon?"

"Dali, tingnan niyo yung lalaki! Dalian niyo, dali!"

Nakita nila nila ang lalaking naglalakad sa may overhead bridge--- lalaking nakasuot ng plain black suit na may matangos na ilong at mapulang mga labi. Kasing kinis ng snow ang kanyang noo at ang kanyang anino na makinis na pangangatawan ay kasing perpekto ng isang diyos sa Greek myth.

Merong siyang katabi, hawak ang itim na payong para isilong siya sa ulan at ang nagpapayong ay naglalakad sa ulan na parang sa isang painting na hampas ng inta.

Hindi pa nabawi ng mga tao ang kanilang atensyon sa muscles ni Si Xia, ngunit nabigla sila sa naglalakad na piyesta ng kanilang mga mata. Hindi nila sinubukang gumawa ng kahit anong ingay dahil natatakot silang mawala ang eksenang ito na mala-panaginip kung mag-iingay sila.