Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 202 - Tawagin mo kong kuya at tuturuan kita

Chapter 202 - Tawagin mo kong kuya at tuturuan kita

Tumunog ang bell at sa wakas natapos na din ang mga klase.

Halos lahat ng guro na pumasok sa klase nila ay nagtanong kung sino siya at akala nila imposter siya na pumapasok sa klase para kay Ye Wan Wan.

Ha! Anong akala niyo, bobo ako? Kung maghahanap man ako ng kapalit ko, yun yung mas kahawig ko...

At sa bilis ng oras, sumapit na ang hapon. Sa mga oras na iyon, hindi lang kung ano ano ang pinagtatanong sa kanya ng mga guro, kundi pinagtitinginan rin siya kahit saan siya pumunta.

Nagsidatingan ang ibat-ibang mga tao na para bang maganda ang pinapanuod nila.

Kinamot ni Ye Wan Wan at bumulong, "Sige, panuorin niyo ko at mamaya mangongolekta na ko ng tickets!"

Kumindat sa kanya si Si Xia, "Gawin 'yon ng tayong dalawa! Sa tingin ko yayaman pag magkasama tayong magtatrabaho!"

Ye Wanwan: "..."

Tumingin sa labas ng bintana si Ye Wan Wan at nakita niyang nangingitim ang kalangitan, "Bakit bigla nalang lumamig?"

"Kasi may bagyo at mas lalamig ang panahon ngayon, hindi mo ba alam?" sagot ni Si Xia.

"Nasa ugali mo palang alamin ang weather forecast?!" Nagulat si Ye Wan Wan.

"Hindi noh!"

"Paano mo pala nalaman?"

Nilabas ni Si Xia ang kanyang phone at ipinakita kay Ye Wa Wan. Nakita niya ang naparaming message ng mga babae na nagpapaalala sa kanyang magdala ng jacket para hindi siya lamigin sa pagbao ng panahon.

Ye Wanwan: "..."

Oo na, marami siyang fangirls na nagpapaalala sa kanya!

Nagsimulang umulan sa labas kaya lumamig na ang panahon.

Pero hindi mainit ang kanilang pananamit, tulad niya, hindi nila inakala na magbabago ang panahon dahil kahapon ay kasing init ng summer, kaya umaga palang wala nang indikasyon na magbabago ang temperatura.

Ang suot niya lang ay bestida at ang mga damit niya sa dormitoryo ay pang summer outfits-- wala rin siyang jacket.

Tumingin sa kanya si Si Xia, "Malamig?"

Walang masabi si Ye Wan Wan, "Halata naman 'di ba?"

Nagbuntong hininga si Si Xia, "Hindi kita matutulungan kahit nilalamig ka na kasi isa lang ang dala kong jacket. Kapag hinubad ko ito at binigay sa iyo, hindi ko maitatago ang pagkabirhen ko."

Ye Wan Wan: Er, wag na, hindi na kailangan, salamat!"

Pagtapos magsalita ni Si Xia, huminto ang kanyang mata sa pintuan, "At saka, malapit naman nag dumating ang jacket delivery army mo!"

Anong jacket delivery army?

Nang sabihin ni Si Xia ang komento niya may medyo maputing junior na bata ang nakatayo sa may pintuan, diretsong tumingin kay Ye Wan Wan at pautal-utal na sinabi, "He...Hello senior, Ako po si Shang Rui galing sa junior class A. Malaming ang panahon ngayon at nakikita kong manipis ang damit mo; magkakasakit ka niyan! Bakit hindi mo subukang suotin ito?"

"Leche! San galing ang bratinelong ito? At sinubukan niya pang pumunta sa ating lungga para nakawin ang chicks natin! Sugurin natin! Nakakahiya kapag kinuha sa atin ng mga juniors ang pinakamagandang babae sa eskwelahan!"

Kaya...

Sa ilang saglit, may sangkaterbang mga damit ang nakatumpok para kay Ye Wan Wan.

"Wag na, hindi ako nilalamig."

"Paano ka hindi lalamigin? Senior naghahatsing ka na!"

"Babalik na lang ako sa dorm para kumuha ng jacket."

"Paano mo gagawin iyon kung umuulan sa labas!"

"Hindi, okay lang…"

"Kailangan mo nito, kailangan mo!"

Habang bawat isa kanila ay tinatanggihan ni Ye Wan Wan biglang dumating na rin ang jacket delivery army ni Si Xia.

May malambing na batang babae nakatayo sa harapan, hawak kanyang mga kamay ay may maitim na panlalaking coat, "Si Xia, bakit masyadong manipis ang suot mo?! Nagkasakit ka na noon, wag mong hayaan na magkasipon ka! Kung gusto mo, isuot mo ito! Hiniram ko ito sa aking kapatid sa kabilang klase!"

Simple ang sagot ni Si Xia. "Hindi kailangan, hindi ko nakasanayang magsuot ng damit ng iba."

"Ah… eto… parang ganito… sige pala…" nalulungkot na naglakad paalis ang batang babae hawak ang coat, sumabay na paalis ang ibang mga babae na nangangating makakuha ng tsansa kay Si Xia.

Nanuod si Ye Wa Wan sa gilid at namangha siya habang ang kaguluhan sa harap niya ay hindi matapos-tapos. Ang galing! Pinaalis niya silang lahat gamit ang isang komento lang?

Mukhang nabasa ni Si Xia ang iniisip ni Ye Wan Wan at umunat ang ngiti sa kanyang mukha, "Kamusta? Gusto mo bang turuan kita? Tawagin mo kong kuya at tuturuan kita!"

Ngumiwi ang labi ni Ye Wan Wan, "Tawagin kitang lolo!"

Sino ang gustong matuto ng ganitong mga bagay?!