Chapter 196 - Masaya ka na sa nakita mo?

Habang nakatitig sa kanya ang mga tao, tinanggal niya ang mabigat na costume, ang kanyang wig at inalis niya rin ang kanyang makapal na makeup, pati na rin ang dumi sa kanyang mukha.

Sa sandaling iyon, para siyang perlas na nabalot sa alikabok na ngayon lang nakakita ng ilaw at napakaliwanag nito na para bang mabubulag ang kanilang mga mata kung titingnan nila si Ye Wan Wan; parang apoy ang kanyang arogante at mabangis na tingin, sinusunog ang kanyang pagtatago at mabilis na pinapakita ang napakagara niyang pamumulaklak.

Nang marinig ni Si Xia ang balita, nagmadali siya at nabighani siyang nakatayo habang nakatingin kay Ye Wan Wan.

Ang mga taong pinag-aasar at pinanuod lamang siya kanina ay nabigla dahil hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita.

Isa lamang ang kalmado--- ang nag-iisang tao na nakakaalam ng katotohanan--si Ling Dong.

Matapos ang ilang sandali, may malakas na "clang" ang nambulabog sa katahimikan sa malaking hall--may aksidenteng nakalaglag ng isa sa mga prop.

Pagkatapos nito, bumalik na sa katinuan ang mga tao. Napuno ng ngumangawang mga usapan at diskusyon ang buong hall.

"Le…..Leche! Ang ganda niya!!!"

"Ansarap niyang tingnan! Sobrang ganda niya! Siya… ha? Anong nangyayari? Siya si Ye Wan Wan?"

"Imposible! Nananaginip lamang ako! Paano naging maganda ang ugly freak na si Ye Wan Wan?! Hawakan mo ang puso ko, mabilis ang tibok nito, na-inlove na ako! Siya ang diyosa na hinahangad ko!"

"Ay, diyosko! Eto ba ang sinasabi mong pinakapangit na babae sa Qing He? Niloloko niyo kaming mga juniors! Nakakabighani si ate mo!"

"Hoy hoy hoy, maliit na bata, hindi ka pa nga nakakatubo ng balbas at sinusubukan mo na labanan ang mga seniors mo! First come, first serve, naintindihan?"

...

Sa gitna ng entablado, nagugulahan na tiningnan ni Ye Wan Wan ang mga tao at napakunot na siya habang pinapanood sila.

Lalo na ang mga lalaking inaasar at pinapahiya siya kanina, ngayon sino na ang tinatawag nilang diyosa?

Ang plano niya ay magpatuloy siya sa nakakatakot na itsura hanggang graduation, ngunit naudlot na ito ng isang biro. Natapos ang plano niya ng mabilis kahit pa matagal siyang nagtimpi.

Kinukuha ng isang manliligaw ang kalahati ng buhay ng isang babae. Sa malaking grupo na ito, hindi sapat ang buhay niya para sa lahat!

Umugong ang ulo ni Ye Wan Wan nang makita niyang nakatayo si Jiang Yan Ran kasama ang maraming tao.

Pinagtutulak si Jiang Yan Ran ng mga tao hanggang sa nasaktan siyang nalaglag sa lapag.

Lahat ng atensyon ay nakay Ye Wan Wan; may mga tao pang nakikipagsiksikan sa harap para makita siya ng mabuti. Isa itong malaking kaguluhan at wala man lang nakapansin kay Jiang Yan Ran.

Mabilis na bumaba ng entablado si Ye Wan Wan nang makita niyang nagtutulakan at nagkakasakitan na ang mga tao.

At nang makita nilang naglalakad papunta sa kanila si Ye Wan Wan, natutuwa sila at automatic silang gumawa ng daanan para sa kanya, parang isang tide.

"Eh? Saan pupunta ang diyosa?"

"Hindi ko alam!"

"Hinahanap niya ba si Si Xia?"

...

Tinunghayan ni Si Xia na papunta sa kanya si Ye Wan Wan at biglang nanlaki ang kanyang mga mata.

Gayunpaman, nakita ng lahat na nilampasan ni Ye Wan Wan si Si Xia at huminto siya kay Jiang Yan Ran sabay sinabi, "Napilay ka?"

Nanigas ang ulo ni Jiang Yan Ran dahil sa pagkagulat. Hindi niya inaasahang mapapansin siya ni Ye Wan Wan kahit ganito ang sitwasyon, "Okay… okay lang ako…"

Nalungkot si Ye Wan Wan at tinulungan siyang tumayo, "Dalhin na kita sa sickbay."

Oh… hinanap talaga ng diyosa si Jiang Yan Ran...

Ang nagtsitsismisan mga tao ay nabigo sa nakita nila ngunit hindi pa rin nila matanggal ang mga mata nila kay Ye Wan Wan.

Paalis na dapat si Ye Wan Wan ngunit napahinto siya dahil may natandaan siya, bumaling ang tingin niya kay Cheng Xue, kumulot ang mga labi at sinabi, "Dakilang diyosa Cheng, Ito ang gusto mo 'di ba? Masaya ka ba sa nakita mo?"

At pagkatapos, kinuha ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran at tahimik silang umalis.