Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 190 - Hindi ko magagawa ang inuutos mo

Chapter 190 - Hindi ko magagawa ang inuutos mo

"Ay…" *umuubo* nabilaukan at nag-uubo sa sobrang gulat si Xu Yi na nasa pintuan, kaunti na lang at malapit na niyang ilabas ang kanyang lungs.

Leche! Wala talagang takot si Ye Wan Wan na ibulgar ang lahat!

Walang takot at kinaya niya pang sabihin na mag-sex sila ng master sa harap pa ni Si Xia!

Hindi na sinubukan ni Xu Yi na tingnan ang ekspresyon ng kanyang master!

Para mapigilan si Ye Wan Wan sa walang pigil niyang pananalita, itinulak pabukas ni Xu Yi ang pintuan habang nagaganap iyon. "Young master Si Xia, Ye… Ms Ye…"

Nanigas ang likod ni Ye Wan Wan nang marinig niyang bumukas ang pintuan.

Pagkatapos, napalingon siya at nakita sila Xu Yi at ni Si Ye Han rin..

diyos ko!!!

Bakit andirito ang dalawang ito?!

Naramdaman ni Ye Wan Wan na siya ang Titanic dahil nasiraan siya ng bait nang makita niya ang nanlalamig na ekspresyon ni Si Ye Han.

Her mind was filled with the comment she'd just blurted out boldly, "Get Si Ye Han over now and have sex right in front of you" …

Binubulabog ang kanyang isip ng pinagmalaki sinabi niya kanina, "Papuntahin ko si Si Ye Han ngayon para makipag-sex kami sa harapan mo"...

Malamang narinig ni Si Ye Han ang pinagsasabi ko dahil malakas kong pinagsigawan ang mga ito!

Integridad ko! Malinis kong imahe! Nawala na ang lahat!

Magulo ang isip ni Ye Wan Wan at lumalabo ang kanyang paningin. Matagal bago siya bumalik sa tamang katinuan dahil nabigla siya na narinig nila ang pinagsasabi niya, nabubulol siya sa sobrang kaba, "Si… Si Ye Han… bakit andito ka… para ba makita si Si Xia… hehehe.. ni… niloloko ko lang yung bata… kaya 'wag mong seryosohin yung sinabi ko… hinding, hindi talaga marumi ang intensyon ko ah…"

Normal na tiningnan ni Si Ye Han si Ye Wan Wan at nanahimik lamang siya.

Nagsitaasan ang mga buhok sa likod ni Ye Wan Wan dahil tahimik siyang tinititigan ng seryosong mga mata ni Si Ye Han at kasi hindi niya alam kung ano ang iniisip ng lalaking ito.

Luluhod na dapat si Ye Wan Wan sa templo(Si Ye Han) at manghihingi ng tawad sa mga kasalanan niya at magpapakamadre na sana, ngunit bumukas ang labi Si Ye Han at sinabi, "Bata pa si Xia Xia,"

Hindi naintindihan ni Ye Wan Wan, "Huh? Ano… anong meron doon?"

Hindi talaga naintindihan ni Ye Wan Wan ang ibig sabihin ng kaunti at kakaibang komento ni Si Ye Han.

Yumuko si Si Ye Han at inayos ang kanyang kwelyo sabay tumingin kay Ye Wan Wan habang kalmado niyang sinabi, "Ang ibig sabihin ko, hindi ko magagawa ang iniuutos mo ngayon."

Ye Wanwan: "...!!!"

Pfffff——

Muntikan nang dumura ng dugo si Ye Wan Wan sa harap nila!

What the h***! Hindi kami pwedeng makipagtalik dahil bata pa si Si Xia?

Kapag tumanda na si Si Xia, gagawin na namin iyon sa harap niya?! Baka naman!

Gusto niyang lumuhod sa katwiran ni Si Ye Han!

At seryoso pa ang tono ng pananalita ni Si Ye Han habang sinasabi iyon...

Si Si Xia naman na nakahiga sa kama, nakita ni Ye Wan Wan na halos masuka ang binata sa kanyang narinig sabay mabilis nitong kinuha sa gilid ng kama ang kanyang inhaler.

Kawawang bata...

"Anong pakiramdam mo?" Sa wakas, tinuon na ni Si Ye Han ang kanyang atensyon sa binata na nasa kama.

Malamig na sagot ni Si Xia, "Hipokrito."

Hindi pinansin ni Si Ye Han ang sagot niya at iniba na lang niya ang sagot sa binata, "Pagkatapos mong mag-inhaler, Magpasama ka kay Xu Yi para maiuwi ka sa bahay at makapagpahinga ka ng ilang araw."

Sumabat si Ye Wan Wan, "Tama, Tama! Masyado ka pang mahina Xia Xia. Nag-aalala si tita sa iyo--umuwi ka na lang at magpahinga ng maayos!"

"..."

Napahawak si Si Xia sa kanyang dibdib dahil hindi siya makahinga ng maayos at halos mamatay dahil sa kanilang dalawa.

Sino kaya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganto?

Tapos ngayon nag-aalala sila sa akin? Bakit sila nag-aalala sa nanghihina kong katawan kung sila ang dahilan kaya naghihirap ako ngayon??!!!

Related Books

Popular novel hashtag