Maaga pa. Nagliliwanag pa lang ang langit, at mamasa-masa pa ang mga bintana dahil sa ambon at hambog, at wala pang tao sa paligid ng eskwelahan.
Gayunpaman, Sinundan ni Jiang Yan Ran ang tingin ni Ye Wan Wan, at nakita niya ang isang pamilyar na pigura sa ibaba.
Isang lalaki ang nasa baba ng dormitoryo ng babae na para bang nagbabantay ito.
Napansin din ni Jiang Yan Ran na suot niya pa din ang damit niya kagabi.
Nang tumawag si Ye Wan Wan kagabi kay Chu Feng, nasa kama na ito at dahil nagmadali siyang pumunta don, wala na siyang oras para magbihis pa.
Pero umaga na ngayon at nakabihid pa din siya sa damit niya kagabi...
Hindi ba siya bumalik sa kanila at tumayo dyan magdamag?
Nang mapagtanto ito, parang natamaan ang puso ni Jiang Yan Ran sa nakita. Agad naman siyang tumakbo pababa.
Pinanood ni Ye Wan Wan magmadali si Jiang Yan Ran at naging emosyonal ito na para bang lumalaki na ang kanyang batang babae.
Sa ibaba.
Si Chu Feng, na tulala pa din, biglang nakita si Jiang Yan Ran na tumatakbo papunta sa kanya at nagulat ito. Biglang namula ito at hindi alam ang gagawin sa mga binti niya at kamay. "Yan.. Yan Ran…"
"Ikaw…" hindi sigurado si Jiang Yan Ran sa sasabihin at nag-aalangan siyang nagtanong, "Hindi ka natulog buong gabi?"
Napakamot sa ulo si Chu Fen at hindi na sinubukang magsinungaling, para siyang batang nagpasaway at tapat na sumagot, "Hindi… Hindi ko na sinubukang matulog…"
"Bakit naman?" litong tanong ni Jiang Yan Ran.
Tinikom ni Chu Feng ang mga labi niya at napatahimik siya sandali bago marahang sumagot, "Natakot ako na baka panaginip lang ang lahat; natakot ako na baka paggising ko…" (Wala na akong asawa)
Kahit na hindi natapos ni Chu Feng ang sasabihin, naintindihan ni Jiang Yan Ran ang ibig niyang sabihin.
Matapos ang ilang taong paghahabol kay Song Zi Hang, muntik niya ng makalimutang babae siya, muntik niya ng makalimutan ang pakiramdam ng may nag-iingat sa kanya.
Kahit na maasiwa si Chu Feng at medyo hangal, totoo siya at pinaramdam niyang ligtas si Jiang Yan Ran pag kasama ito.
Tahimik na pinagmasdan ni Jiang Yan Ran si Chu Feng, unti-unting nawala ang pagkalito nito. Habang nakatayo si Chu Feng na kabado at balisa, "Bumalik ka na at magpahinga!" sabi ni Jiang Yan Ran.
Humakbang siya papalapit kay Chu Feng, tumingkayad, at marahang hinalikan ang pisngi nito sabay bulong, "Hindi ka nananaginip."
"Oh, balik na pala ako…" paulit-ulit na kumurap si Chu Feng, at masunuring naglakad papalayo, dahan-dahan.
"Hm, kalmado lang siya ah?"
Sa taas, nakita ni Ye Wan Wan ang nangyari at huminga ng malalim sa progreso ng bata. Pero sa sumunod na segundo, napansin niya ang nakakahiyang paglakad nito papalayo.
Natawa si Ye Wan Wan sa nakita at hinaplos ay kanyang baba na nakaramdam ng kaunting pagseselos. Ang saya din maging bata--pwede kang magmahal ng dalisay.
Matapos panoorin ang nakakakilig na eksena, bumalik si Ye Wan Wan sa kanyang kama at natulog utli.
Pagkagising niya, oras na para pumunta sa maliit na bulwagan para sa ensayo nila.
Nakaligo na si Jiang Yan Ran at nagdala ng almusal pabalik. Alam niyang kailangan pumunta ni Ye Wan Wan sa ensayo nila, kaya tinignan na ito na may bahid ng pag-aalala sa mukha, "Maloko ang mga personal na gwardya ni Si Xiz, lalo na ang background ni Cheng Xue. Mag-iingat ka!"
Totoong mapusok nga si Cheng Xue. Para lang mapalapit kay Si Xia, inagaw niya ang role ng isang babae bilang evil stepmother.
Pinagduruhan ni Ye Wan Wan ang pagkain niya habang kausap niya si Jiang Yan Ran na puno ang bibig, "'Wag kang mag-alala, ang malala lang pwedeng mangyari ay masabuyan lang ako ng makeup remover sa mukha, yun lang!"
Jiang Yan Ran: "..."