Chapter 172 - Ako ay dalisay at totoo

Hehehe…

Nasiyahan si Ye Wan Wan ng marinig niya na siya ang pinili ni Si Ye Han ng walang pag-aalinlangan.

Hinahawakan ni Si Ye Han ang kaniyang balakang upang hindi siya mahulog at marahan niyang sinabi, "Tapos kana ba makipagkulitan?"

Nahuli ba ako na gumawa ng gulo...

"Sino ba nagsabi kay Liu Ying na tignan ako na para ba akong gumagawa ng gulo? Totoo ako at inosente…" Maamong angal ni Ye Wan Wan.

Totoo at inosente?

Napatingin sa kanya si Si Ye Han… Sinabi niya bang siya ay totoo at inosente?

Bahagyang napa ubo si Ye Wan Wan, na para bang siya ay napahiya. Sabay ngumuso, "Hindi niya ako gusto, Ayoko sa kaniya!"

"Wag mo siyang galitin," may bahid ng babala ang boses ni Si Ye Han.

"Napaka biased mo!" bakas sa mukha ni Ye Wan Wan ang sakit sa kaniyang mukha.

Dahan dahan tinignan ni Si Ye Han ng kaniyang malamig na mga mata si Ye Wan Wan, "Ang katotohanan, ako ay, biased."

Ye Wan Wan: "..."

Oo na, oo na, Aaminin ko na mapagbigay sa akin si Si Ye Han.

"Gayon pa man, mata sa mata--kung sakaling tignan niya ulit ako ng masama, sasaktan ko ang kaniyang master! Para mamatay siya sa galit!" Ang sabi ni Ye Wan Wan.

Si Ye Han: "..."

Bilang master ni Liu Ying, Hindi inasahan ni Si Ye Han na mapapasama siya sa gulo ni Liu Ying kahit na wala naman itong ginagawa.

Hm, dapat ko bang bigyan ng mataas na sweldo si Liu Ying?

Hindi nag tagal, dumating na ang kotse sa lumang bahay.

Nang makalabas na sila, nakita ni Ye Wan Wan ang masamang tingin ni Liu Ying. Katulad ng inaasahan, ang kaniyang mga tingin ay nababalot ng lamig at nakamamatay na balak.

Alam ni Ye Wan Wan na hindi totoo ang matindi nilang away.

Ano naman ngayon? Sa harapan ni Qin Ruo Xi, kahit ano ang gawin ko, hindi ako magugustuhan ng lalaking iyon.

Ano ngayon? Isa akong basag-ulera at prinsesang laki sa layaw.

Takot siya kay Si Ye Han, sa dati niyang buhay. Ngunit maliban sa kay Si Ye Han, takot din siya sa katabi na dalawang pumapatay na makina.

Oras oras tinitignan ni Liu Ying ng masama si Ye Wan Wan, pakiramdam niya na parang hinihiwa ang kaniyang mga laman. Dalawa hanggang tatlong araw din siyang tinatakot at binabalaan at laging may mga naka paligid na gwardya na para bang isa siyang mag nanakaw.

Kahit na matagal na panahon ng wala siya sa Jin garden, kahit na ibinigay na ni Si Ye Han ang lahat, kahit kailan hindi niya naramdaman na kabilang siya.

Sa mga pagkakamaling pinagdusahan niya ng matagal na panahon--kailangan niyang gantihan lahat sila sa ganitong buhay.

Ano naman ang masama kung aarte akong demonyo ngayon? Dahil hindi naman na ako makakabalik sa pagiging isang inosenteng teenager kahit kailan.

Matapos nilang makapasok, Malaking ngiti ang bumalot sa mukha ng matandang babae ng makita niyang dumating na si Si Ye Han at Ye Wan Wan, "Bumalik kayo!"

Si Ye Han: "Mhm."

"Wan Wan, Halika dito dali! Hayaan mong si grandma ang balaha sayo!" Tumingin ang matandang babae sa kaniyang mahal na apo at magalak na hinila si Ye Wan Wan papunta sa kaniya.

"Grandma!" Ang malabing na pagkakasabi ni Ye Wan Wan sa kaniya.

Hindi na nakapagtataka kung bakit maganda ang pakikitungo sa kaniya ng matandang babae; maliban sa katotohanan na hindi siya nagkakamali, ang itsura ni Ye Wan Wan ay kaaya-aya-- dahil parehas kagusto-gusto ang kaniyang itsura at pag uugali.

Mukha siyang simple at inosente, mabait at hindi maka-basag pinggan - inaakit niya ang lahat na huwag magpakatigas sa kaniya at mahalin siya.

Hinila siya at sinuri mula ulo hanggang paa ng matandang babae, at tumango, "Hindi na masama, salamat naman at hindi ka naging sobrang payat, mukhang tumaba ka ng kaunti! Masyado ka padin mapayat; kailangan mong kumain ng madami!"

Sobrang payat ni Ye Wan Wan noon, na tila para bang kaya siyang tangayin ng hangin. Nitong mga nakaraang araw madami naman siyang kinakain, ngunit napakapayat padin niya.

Maaari siyang tumaba katulad dati kung patuloy siyang kakain ng madami, ngunit walang duda na siya ay tataba ng wala sa oras, dahil sa kaniyang appetite.

"Alam kona, grandma. Kakain na ako ng madami."

"Mabait na bata! Oh, tama, muntikan ng makalimutan ng grandma. Wan Wan, halika, May gustong ipakilala sayo ang grandma!" Dinala ng matandang babae si Ye Wan Wan papasok sa kanilang bahay ng may malaking ngiti sa kaniyang mukha.