Chapter 164 - Girlfriend ko

Pagkatapos niyang tawagan si Zheng Bin, nakita ni Ye Wan Wan ang dumog ng mga tao at na-realize niya na dumarami ang mga dumedepensa say Shen Meng Qi--- halos lahat sa mga iyon ay mga tagahanga niya.

Masakit sa mga tagahanga ni Sheng Meng Qi ang makitang pinapagalitan at sinasaktan ang kanilang diyosa, kaya pinagaaway nila sina Song Zi Hang at ang kanyang nanay. Isinama pa nga nila si Jiang Yan Ran at pinagaaway at ininsulto din siya ng mga tagahanga. Para bang si Shen Meng Qi ang pinaka-inosente sa kanilang lahat.

Nanlalamig ang titg ni Jiang Yan Ran kay Sheng Meng Qi na puno ng luha ang maliit at magandang mukha niya; ang itsura niya ay kaawa-awa at nagmamakaawa pa siya ng pagpapatawad. Tumingin naman siya kay Song Zi Hang na walang awa siyang patuloy na pinupuna. Pagod na ang kanyang mga mata kaya ipinikit niya ang mga ito, gusto niya na talagang umalis.

Lumapit si Ye Wan Wan sa gilid ni JIang Yan Ran at binulong niya, "Natutuwa ka ba sa nangyayari? Wag kang mag-alala, marami pang mangyayari."

Blangko ang mga mata ni Jiang Yan Ran habang nakatingin kay Ye Wan Wan.

Medyo natawa si Ye Wan Wan, "Natandaan mo yung pinangako ko sa iyo noon?"

Tinandaan ni Jiang Yan Ran ang sinabi ni Ye Wan Wan noong nasa lawa o sapa sila.

Sabi niya, "Big Missy Jiang, gusto mo bang mahalin ka ng sobra ni Song Zi Hang? Isiwalat ang totoong kulay ni Shen Meng Qi sa harap ng lahat para masira ang tingin sa kanya? Gusto mong bang makita ni Song Zi Hang ang totoong kulay ni Shen Meng Qi at magsisi siya na di ikaw ang pinili niya?"

Ito ang mga salitang nagpalakas sa kanya na magpatuloy sa buhay kahit pa nasa mababang posisyon siya ng kanyang buhay.

Hindi man siya sigurado sa pinaplano si Ye Wan Wan pero alam niyang gagampanan ni Ye Wan Wan ang kanyang pangako.

Sa mga oras na iyon, pinaghihila ni Mrs. Song ang buhok ni Shen Meng Qi habang galit na galit siyang sinisigawan. Nahihirapang protektahan si Song Zi Hang si Shen Meng Qi sa galit niyang nanay, biglang tinanaw ni Song Zi Hang si Jiang Yan Ran ng puno ng kamuhian, "Jiang Yan Ran, wala na ang reputasyon ko salamat sa iyo. Masaya ka na ba? Kuntento ka na sa ginawa mo?"

Halos hindi makahinga si Shen Meng Qi sa kakaiyak, "Yan Ran… Patawarin mo ako…"

"Meng Qi! Wala kang ginawang mali! Wag kang manghingi ng tawad sa halimaw na babaeng yan! Kasalanan ko ito dahil hindi kita naprotektahan ng maayos! Masaya ko at nakita ko agad ang totoong kulay ng babaeng ito bago pa mahuli ang lahat!"

Humahanga si Ye Wan Wan habang nanunuod sa gilid. Kahit sa ganitong pangyayari umaasa pa rin si Shen Meng Qi sa kanyang kasinungalingan at acting skills upang baliktarin ang hindi na maaayos na sitwasyon, nanunbalik pa ang tingin sa kanya na inosenteng persona.

Dinepensahan at nagsalita pa rin Si Song Zi Hang para kay Shen Meng Qi, kahit pa noong una pa lamang ay pinaglalaruan na siya. Binaling pa rin niya ang lahat ng sisi sa sarili niya.

"Mom! Mamamatay na lang ako kaysa manghingi ako ng tawad sa malanding ito! Si Sheng Meng Qi ang mamahalin ko hanggang sa kadulo-dulohan na ng buhay ko!" Naudyok ang umaapoy na galit sa puso ni Song Zi Hang dahil sa pag-iyak ni Shen Meng Qi. Bilang isang mayabang na lalaki, hinding hindi siya manghihingi ng tawad kay Jiang Yan Ran sa harap ng babaeng mahal niya, kahit ano pang mangyari.

At habang makatuwirang pinoprotekatan ni Song Zi Hang ang kanyang sweetheart at ang lahat ay na-touch dahil dito, may isang binata ang tumatakbo papunta sa kanila at tinulak si Song Zi Hang sa gilid, niyakap ng binata si Sheng Meng Qi sa kanyang mga braso---

"Bastardo ka Song Zi Hang! Puro katarantaduhan ang pinagsasabi mo! Si Meng Qi ang girlfriend ko at wala siyang kinalaman sayo! Manyak kang tarantado ka, walang hiya mong sinasaktan si Meng Qi parati!"

Nahilo si Song Zi Hang sa pagkatulak sa kanya, nakita niyang hawak ng ibang lalaki si Sheng Meng Qi at mabilis na kumulo ang kanyang dugo, "sinaktan ko si Meng Qi? G*go ka! Sino ka ba sa tingin mo?! Umalis ka sa kanya!"

Hindi pumayag na iwan ni Zheng Bin si Shen Meng Qi at arogante siyang sumagot, "Ako?! Ako lang naman ang tunay na minamahal ni Meng Qi!"

"Zheng… Zheng Bin, bakit andirito ka?" Natataranta si Shen Meng Qi. Parang sinasabi ng kanyang kalamnan na may mali sa nangyayari kaya sinubukan niyang paalisin ang lalaki, "Wala kang kailangan ayusin dito, umalis ka na!"