Tinitigan mula ulo hanggang paa ni Mrs Song ang kanyang anak at nagaatubiling nagtanong, "Zi Hang, tatanungin kita, may ideya ka ba na gagawin nila ito? May ginawa ka ba na hindi mo dapat ginawa?"
Nang marinig niya ang nanghihinayang na boses ng kanyang ina, walang dalawang isip niyang sinabi, "Mom! Ano namang ibig sabihin mo? Paano ko malalaman 'di ba? Ano namang gagawin ko? At, dad, hindi ba sinabi mo sa akin na wala namang problema? Bakit biglang nagka-ganto na? Talo na ba talaga tayo sa deal na iyon?
Malakas na hinampas ni Mr Song ang lamesa at sumigaw, "Hindi mo alam? Kung hindi mo alam, bakit sasabihin ni Jiang Hai Chao na umuwi ako at tangunin ko ang minamahal kong anak?! Sinong may ksalanan nito kundi ikaw?!
Hindi mo ba alam na napakaraming manpower, resources at finances ang inilaan ng kumpanya natin para sa bid na ito? Kumuha pa tayo ng malaking loan. Inalagay lahat ng pera sa mga equipment para sa machine factory. Ngayon na hindi natin nakuha ang deal, napunta na lang sa mambobote ang lahat ng meron tayo!"
Ano? Sinabi ni Jiang Hai Chao kay dad na umuwi siya para tanungin ako?
Mabilis ang tibok ng puso ni Song Zi Hang, makikita ang malamig na pawis ay nalalaglag sa kanyang likuran, "Tanungin...tanungin ako…"
Mrs Song, "Oo, Zi Hang, bilisan mong mag-isip kung anong nagawa mo, para kahit papaano maayos pa natin ito. Kung hindi, wala na ang ating kumpanya at matutulog sa kalsado ang pamilya natin!
Sa panahong dinelay ng Jiang Family ang loan, nakaramdam na ko na parang may mali. Ngayon na naisip ko ang ginawa niyang iyon, nagsimula na palang magplano si Jiang Hai Chao. Kung nalaman lang agad natin, hindi rin makukuha ang mga pera sa proyekto natin na kasama sila at hindi rin maaayon sa plano nilang manalo sa bid, paniguradong nahuli sana natin sila!
Matagal naming pinag-isipan ito ng tatay mo at sigurado kami na walang kakaibang nangyayari sa panahon na iyon. Iisa lang naman ang ugali ni Jiang Hai Chao at wala namang pinagtatalunan ang dalawang pamilya natin, kaya hindi talaga namin maisip kung ano ang nangyari para biglang magawa iyon ni Jiang Hai Chao sa atin.
Kaya mag-isip kang mabuti, ano ang pinagagawa mo sa mga nakaraan araw?"
Tinitigan ng masama ni Mr. Song ang kanyang anak, "Noong araw na iyon, sinabi ko naman sayo na maging mabait ka kay Yan Ran---umayon ba ang kilos mo sa sinabi ko? Tatanungin kita ngayon, pinagalit mo ba si Jiang Yan Ran?"
Mabilis na namutla ang mukha ni Song Zi Hang. Sa harap ng umaalab sa galit na kanyang ama, nilagok niya ang knyang laway at sinabi sa sarili na maging kalmado lang. Tapos, tinanggihan niya ito ng walang halong pag-aatubili, "Paano naman mangyayari iyon? Dad, mom, hindi niyo pa din ba ako kilala? Kelan ba ako nagsawang maghintay sa mayamang prinsesa na si Jiang Yan Ran? Ang ginawa ko lang ay magtiis sa pagiging mainitin ng ulo niya, paano ko naman siya mapapagalit? Hindi niyo ba alam ang lahat ng pinagdaanan ko ng ilang taon?
Hindi ko inaasahan na pagkatapos kong maghirap sa pahamak na si Jiang Yan Ran ng hindi ako nagrereklamo, hindi pa din natuwa si Jiang Hai Chao sa ginagawa ko para sa anak niya!
Obvious naman, mga inggrata ang mga Jiang at itinapon tayo matapos na malugod natin silang tulungan!"
Mahigpit ang titig ni Mr Song sa kanyang anak, nakita niyang binigay ng kanyang anak ang kanyang buong pagkatao sa apirmatibong pananalita at naniwala naman siya kay Song Zi Hang.
Narinig ito ni Mrs Song at biglang kumampi sa kaniyang anak, "Old Song! Nalinawan natayo sa pagtrato ng anak natin kay Jiang Yan Ran. Binigay niya na ang sakripisyong handog kay Yan Ran-- paano naman ito magiging kasalanan ni Song Zi Hang!"
Namumula sa galit si Mr Song, hindi na sa kanyang anak, kundi sa Jiang family, "Sige, Ikaw Jiang Hai Chao! Tinrato natin siya ng parang pamilya; tinaksil pa tayo sa pag-deal niya laban sa atin at sinampal tayo ng paninira sa ating anak!"