"Si Ye Han! Darating ang araw mo! Akala mo hindi ko alam! Pangalawa, pangatlo, pang-apat… kahit pa ang pang-anim at pang-pitong kapatid.. Pinapatay mo… Sasabihin ko ito kay lola… sa lahat ng nakakatanda ng Si family… hindi ka nila pakakawalan… hindi hindi ka nila tatantanan…"
Hindi na kayang maglakad pa ng lalaki. Sumisigaw-sigaw siya habang sinusubukang gumapang papalapit.
Hindi siya pinigilan ni Si Ye Han; tahimik lamang syang nanood habang nakikitang naghihirap ang lalaki sa mga huling hininga niya.
Nakalapit na ang lalaki sa pintuan at inangat ang kanyang kamay para buksan ito.
Sa isang iglap, may maputing anino na parang kidlat ang tumalon sa harap ng lalaki. Ang malisiyosong tigre ay mabilis na nilapang ang leeg ng lalaki.
Nasira na para saranggola ang leeg ng lalaki at ang kanyang dugo ay tumalsik sa buong salas na parang bulaklak na namumukadkad, sumama pa ang pumipitik na tunog ng mga buto ng lalaki na kinakain na ng tigre...
Nakakakilabot ang pangyayaring ito kahit pa kay Ye Wan Wan na dalawang beses nang nabuhay.
"Ah---" Hindi na kayang pigilan ni Ye Wan Wan kaya sumigaw siya galing sa pintuan ng garden.
Sa oras din na iyon, ang tinataguan niyang glass door ay biglang bumukas habang siya nanginginig sa pagkasindak.
Sumunod ang isang segundo at tinitigan siya ng mga matang punong-puno ng lamig na parang nag-yelo na ang dugo, habang ang salas ay nakita ni Ye Wan Wan na parang impyerno na.
Natanga nang makita ni Xu Yi si Ye Wan Wan habang katabi niya si Si Ye Han. Binalot ng takot ang kanyang mukha, "Ye… Ms Ye… Bakit andito ka…"
Patay ako ngayon!
Bakit andirito si Ye Wan Wan?! Hindi ba dapat nasa eskwelahan siya?
Nakakababang tiningnan ng binata sa tabi ni Si Ye Han ang walang kulay na si Ye Wan Wan. Kumunot ang kilay ng binata at mapahamak na tumingin kay Ye Wan Wan.
Umikot ang tiyan ni Ye Wan Wan sa nangyayari. Maayos naman na ang relasyon nila ni Si Ye Han at inakala niya na kakayanin pala magpakatao ng demonyong ito.
Ay, Si Ye Han… Paano ba siya magiging normal na tao…?
Kung normal lamang siya hindi siguro naghirap si Ye Wan Wan at iiwan lang pala niya si Si Ye Han sa buhay niya noon.
Mababaw pa nga ang sinabi ni Gu Yue Ze na mapanakit, walang kinakatakutan at uhaw sa dugo si Si Ye Han.
Hanggang ngayon natatandaan pa din ni Ye Wan Wan ang araw noong nakita niya si Si Ye Han na pumatay ng tao at hindi pa ganito kadugo ang pagpatay niya ng tao.
Noong panahong iyon, takot pa si Ye Wan Wan na tawagin siyang "demonyo" at nagmamakaawa pa siyang palayain na siya ni Si Ye Han. Sa sobrang baliw at sobrang galit niya pinagmumura niya si Si Ye Han. Lumipas ang kalahating buwan at bigla na lang siyang nagkasakit, wala na siyang mababago pa sa kanyang kondisyon noon at pinilit pa din siya ni Si Ye Han manood ng madugong niyang pagpatay hanggang sa mawalan na si Ye Wan Wan ng hininga at doon pa lang siya pinakawalan ni Si Ye Han.
Sumakit ang ulo ni Ye Wan Wan sa dami ng memorya na bumabalik sa kanya. Gayunpaman, isa hanggang dalawang segundo lang pala ang lumipas habang siya ay nag-iisip ng mga memorya niya noon, akala niya matagal siyang napatigil.
Pinakalma ni Ye Wan Wan ang kanyang sarili. Pinagpag niya ang alikabok sa kanyang katawan, tumayo at kinuha mula sa lapag ang kanyang school bag. Habang hawak niya ang plastic ng pagkain, paunt-unti siyang lumapit kay Si Ye Han at nakatitig lamang ang kanyang mata sa lalaki...
Kaharap niya ang natatakot na si Xu Yi, ang binatang nanlalamig ang emosyon, ang basa ng dugo na lapag sa ilalim ng kanyang paa at ang tunog ng nilalapang na mga buto ng puting tigre...
Sa wakas, nalapitan na niya si Si Ye Han.
Pinasa niya ang bag ng meatbuns kay Si Ye Han at sinabi, "Hey, nagugutom ka ba? Bumili ako ng masasarap na buns para dalhin sayo."