Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 136 - Uminom ka ba ng dugo ng manok?!

Chapter 136 - Uminom ka ba ng dugo ng manok?!

Halos mahimatay si Jiang Yan Ran pagka-upo niya.

Nalulugod si Ye Wan Wan na para bang nasilayan niya ang paglaki ng kanyang anak. "Magaling! Napakahusay mo!"

"Salamat, syempre dahil ito sa mga tinuro mo sa akin," Pangiwi na ngumiti si Jiang Yan Ran. Gulat na gulat si Jiang Yan Ran, hindi niya kahit kailang inakala na aangasan niya at makakapagsalita siya ng pabalang kay Song Zi Hang.

Sa isang saglit, natapos na ang fifteen-minute break at nagsimula na ang next half ng laban.

Tumunog na ang pito, nag-iba at biglang tumindi ang paligid ng court.

Naramdaman na ng lahat ang kakaibang simoy na dinadala ng laban-- malakas ang amoy ng usok at kumikislap ang apoy ng galit sa buong lugar.

Naiinis na tumingin si Song Zi Hang sa direksyon kung saan andoon si Chu Feng.

Minamata din siya ng mga teammates ni Song Zi Hang, "Madami pa naman siyang maaalipustang pera sa bahay nila 'di ba? Walang kwenta!"

"Totoo iyon! Para siyang g*go maglaro! Magnanakaw pa ng syota ni boss!"

Walang pakialam si Chu Feng sa mga nangangasar sa kanya at tiningnan niya na lamang ang kanyang teammates at sinabi, "Mamaya, ipasa niyong lahat sa akin ang bola."

May lalaki na blond ang buhok ang umungol sa kanyang reklamo, "Hindi ba lalo tayong matatalo niyan?!"

"Pag natalo tayo dahil sakin, aalis ako sa team ng isang buwan."

"Punyeta, isang buong buwan! Isalalay ninyo ang inyong buhay sa bayani ng katipunan! Makinig ang lahat, mamaya, ibigay niyo sa kanya ang bola!"

"Haha, walang problema!"

...

Nalalapit na, mabilis na nagsisitakbuhan ang magkalaban na team sa court. Nakuha ng kapitan ng Jin Xui ang bola galing sa manlalaro ng Qing He, agad niyang ipinasa ang bola kay Chu Feg ng mabilis.

Kinabahan talaga siya na baka hindi ito masalo ni Chu Feng, salamat na lang at nasalo niya ang bola sa tamang oras.

Ngunit, nagsitakbuhan palapit ang manlalaro ng Qing He kay Chu Feng at sapilitan siyang napunta sa dulo ng three-point line.

Kakila-kilabot na sinubukang nakawin ni Song Zi Hang ang bola galing kay Chu Feng habang binabantayan siya ng kanyang teammates. Kapag nakuha niya ang bola, paniguradong mapapasok niya na ito sa basketball hoop.

Nang sinubukan niyang hilahin ang bola, mabilis na naka-atras si Chu Feng at malakas niyang hinagis ang bola.

Lahat ng mga mata nila ay nakatutok sa bola na nasa ere at makalipas ang ilang segundo----

"Wow--- Nakapasok ang bola at three-point shot pa!" nabalot ng pagkahanga ang buong court.

Tatlong minuto pa lang ang lumipas at sinong mag-aakala na makaka-score sila at ito ay three-pointer pa. Hindi inasahan ng karamihan ang nangyari at hindi nila masyadong nakita ang ginawa ni Chu Feng dahil masyadong mabilis ang pangyayari.

"Ang ganda!"

"Napakahusay ni Senior Chu Feng!"

"Sinwerte lang siya, wala naman kailangang ipagsaya!" masama ang loob ng manlalaro ng Qing He.

May labing pito putos na lamang ang Qing He, kaya naman hindi sila masyadong nababahala.

Ngunit simula non, hindi na sila pwedeng huminahon sa kanilang paglalaro ...

Pinasa ng lahat sa team ng Jin Xui ang bola sa nakakapanibagong si Chu Feng, hindi siya nakamintis ni-isang puntos sa pagpasok ng bola. Laging pumapasok ang bola basta't siya ang may hawak ng bola.

Para bang ang kanyang katumpakan ay dahil sa pagsipsip ng basketball hoop sa bola.

Sa dulo ng laban, natalo ang Qing He dahil wala na silang enerhiya para makipaglaban pa.

Nagulat ang mga manonood at doon lang nila nalaman na may tinatagong talento pala si Chu Feng.

Lumapit ang kapitan ng Jin Xiu basketball team at pinalupot ang kanyang braso sa leeg ni Chu Feng, "G*gong mokong ka, umiinom ka ba ngayon ng dugo ng manok imbis na tubig?"

Tumingin si Chu Feng sa mga manunuod, "Anong alam niyo ngayon?!"

Lumakas ako dahil sa tubig ni Yan Ran! Ang imortal niyang tubig!

Sa isang kurap, ang score ay naging 0:17.

Walang nakuhang puntos ang Qing He. Dahil sa laki ng puwang ng kanilang puntos laban sa Jin Xui, naging tie ang mga puntos at natapos na ang kalahating oras sa second half ng laro.