Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 134 - Ano ‘tong lugar na ‘to, sino ako?

Chapter 134 - Ano ‘tong lugar na ‘to, sino ako?

Lumingon si Song Zi Hang kay Shen Meng Qi, at halatang natutuwa siya sa kanya.

Itong babae na 'to, mabait at matino ang nararapat talaga para sa akin, pero ang selosang tulad ni Jiang Yan Ran ay cute din minsan...

Napagtanto ni Song Zi Hang na masyado siya naging malupit sa kanya noon, kaya siya na mismo ang lumapit kay Jiang Yan Ran, mukhang magiliw pero may superyor pa din na sinabi, "Yan Ran, alam ko yung nararamdaman mo sa 'kin pero 'di natin pwedeng pilitin ang pag-ibig. Nakakabalisa yung ginawa mong panggulo sa 'kin noon, pero dahil sa matagal na tayong magkakilala, at hangga't hindi ka na gumawa ng mga drastikong bagay at ititigil mo na ang pananakit mo kay Meng Qi, pwede ba tayo maging magkaibigan."

Blangko ang mukha ni Jiang Yan Ran habang nakatayo sa harap nina Shen Meng Qi at Song Zi Hang, at may inis na sinabi, "Ang mabait na aso hindi hinaharangan yung daanan, pwede bang makiraan?"

Nanigas pareho sina Shen Meng Qi at Song Zi Hang.

Hindi na sila pinansin ni Jiang Yan Ran at pasimple na lang itong umalis. Patuloy siyang naglakad na may hawak pa ding bote ng tubig sa kamay niya.

Nagulat ang lahat sa nakita at nagkatinginan na lang sila na para bang walang masabi.

"Eh? Saan papunta si Jiang Yan Ran?"

"Baka hindi si Song Zi Hang yung hinahanap niya?"

"Sino pa ba ang hahanapin niya kundi si Song Zi Hang? Eh? Papunta ba siya sa team ng Jin Xiu?"

Kahit nakatingin ang mga usiserong tao sa kanya, patuloy lang naglakad si Jiang Yan Ran sa team ng Jin Xiu.

Bukod sa mga tao galing sa Qing He, ang mga tahimik na basketball players ng Jin Xiu ay gulat din, nang makita nila ang isang magandang babae na papunta sa kanila.

"Wah! Ang gandang babae! Sino 'yon?"

"Hindi ako sigurado!"

"Mukhang galing sa Qing He!"

Isa sa mga lalaki na may blond na buhok ang nakipagsiksiksan sa mga tao, at buong tapang na lumapit kay Jiang Yan Ran at sabing, "Sino hanap mo, ganda?"

"Hindi ba si Jiang Yan Ran yun? Anong ginagawa niya dito?" tanong ng basketball captain na pinapayuhan pa din si Chu Feng.

Nang kumalma ang lahat, narinig nila ang sagot ni Jiang Yan Ran, "Hinahanap ko si Chu Feng."

"Chu Feng…"

Sino?! Si Chu Feng?

Gulat na tinignan ng captain si Chu Feng habang si Chu Feng naman ay tila 'di maipinta ang mukha. Namula ang kanyang mga tenga at hinihingal ito na parang bang tatlong kilometro ang tinakbo niya.

Biglang nadismaya ang lalaking may blond na buhok ng marinig niya ang sagot ni Jiang Yan Ran, "Huh, 'di nga! Hinahanap niya si Chu Feng, yung sakit sa team natin! Aray-- sinong nanipa sa 'kin?!"

Sinipa siya ni Chu Feng sa likod matapos siyang magsalita.

Sa sobrang kaba ni Chu Feng ay muntik na siyang matapilok ulit, at nagpanggap pang kalmado at malakas ito nang papalapit siya kay Jiang Yan Ran, "Yan Ran… Ikaw… Hinahanap mo ba ako…"

Tumango si Jiang Yan Ran.

"Anong problema?" Akala ni Chu Feng ay katapusan niya na. Inisip niya na baka dahil sa panget niyang performance ngayon kaya kailangan niya ng mamatay bago pa siya manalo!

Maya-maya, nang hindi na mabilang ang paulit-ulit na pagsabi ni Chu Feng sa sarili ang salitang "patay", binigay na ni Jiang Yan Ran ang bote ng tubig sa kanya, "Para sayo."

"..." walang masabi si Chu Feng; para ba siyang lumipat mula sa matinding taglamig papunta sa tagsibol kung saan namumulaklak ang mga bulaklak.

Tinanggap ng lalaki ang bote ng tubig na para bang tinatanggap niya ang imperial seal ng China. Punong-puno siya ng iba't ibang klase ng emosyon, "Sala… Salamat…"

Matapos na ibinigay ni Jiang Yan Ran ang tubig, pinasadahan niya ng tingin ang pwesto ng mga manunuod at nakita niya ang pagkukumpas ni Ye Wan Wan para paalalahin ang kanyang susunod na gagawin.

Walang nagawa si Jiang Yan Ran; dahil naisip niya kung paano siya naging responsable dahil sa paglaro ni Chu Feng ngayon, kaya sinunod niya na lang ang sabi ni Ye Wan Wan.

Kinuha ni Jiang Yan Ran ang tuwalya at marahan niyang pinunasan ang pawis ng nasa noo ng lalaki at sabing, "Galingan mo."

Chu Feng: "..."

Sino ako, anong lugar 'to, at bakit ang daming maliliit na bulaklak sa harap ko?