Chapter 132 - Masyadong nasabik

Tumunog na ang pito at nag-umpisa na ang laban.

Nilabas ni Ye Wan Wan ang popcorn, coke at fried chicken na inilagay niya sa kaniyang bag. Masaya siyang kumakain habang pinaanood ang laban.

Ang walang kabusugan niyang appetite ang isa sa mga rason kung bakit niya napagdesisyunan na maging isang manager at hindi artista. Kapag nilimitahan ang diet niya, at pag pinigilan siyang pakainin ang mga gusto niya pagkain, ano pa ang punto para mabuhay?

Naisip niya kung namunga na ba ang mga halaman sa Jin garden at kung ano ang itsura nito, kasama ang mga sisiw, maliliit na isda, at mga maliliit na ubas...

Nagambala ng saglit si Ye Wan Wan, habang ang iskor sa court ay nasa 11:0 na.

11 puntos na para sa Qing He at wala pa ding puntos para sa Jin Xiu.

"Anong nangyayari?" gulat na sabi ni Ye Wan Wan.

Umiling na lang si Jian Yan Ran, "Hindi ako sigurado, mukhang hindi maayos yung lagay ni Chu Feng ngayon."

Mabilis na tiningnan ni Ye Wan Wan si Chu Feng. Nakita niya na madami siyang pagkakamali at para bang lasing na gumegewang-gewang.

Masigla siya ngayon lang, anong nangyari? Nasa harap niya ang babaeng gusto niya, hindi ba magbibigay ito ng lakas ng loob para ipatumba ang kanyang karibal sa pag-ibig?

Itong lalaking 'to… Masyado ba siyang sabik?

Ang sakit ng ulo ko!

Umaasa ako sa kanya na papatumbahin niya si Song Zi Hang ngayon!

"Ah hindi dahil sa wine ang nagpapalasing kundi dahil ang umiinom na nilalasing ang sarili niya… Ugh, mali ako. Yan Ran, wag mo na siyang tignan…"

Nang marinig ni Jiang Yan Ran ang pang-aasar sa boses ni Ye Wan Wan, nahihiya itong naglihis ng tingin.

Gayunpaman, nang lumihis ang tingin ni Jiang Yan Ran, mas lumalala pa ang kondisyon ni Chu Feng. Medyo malayo si Ye Wan Wan pero rinig niya ang pagkainis galing sa coach ng Jin Xue na malapit nalang ay babagsak na ito.

"T*ngina mo Chu Feng, bastardo ka! Mali ba yung inimon mong gamot ngayon?! Naglalaro kang parang tae ng aso!"

"Bastard, halika dito! Pag-usapan natin ang buhay!"

Ginamit ng coach ang buong two minute break noong second half para pagalitan si Chu Feng.

Yumuko nalang ang lalaki at napakamot sa kanyang batok; wala siyang lakas ng loob para tignan ang mga manunuod.

Sa huli, hindi nakabawi ang Jin Xiu sa first half at natapos ang laban sa 23:6

Napapikit na lang madiin si Ye Wan Wan sa nakitang iskor.

Sumunod ay ang half-time break ng labinglimang minuto.

Lahat ng babae ng Qing He ay nagsiyahan at pumunta sa court para bigyan ang team ng mga tubig at tuwalya at pinaulanan sila ng pag-aalaga, habang sa Jin Xiu naman, madilim ang atmospera.

"P*ta! Anong problema ng Jin Xiu?! Ba't ganyan sila maglaro?! Hindi na ako makanood sa pagbugbog sa kanila!"

"Ganun talaga, malakas talaga ang basketball team ng Qing He!"

"Pero hindi tayo pwedeng matalo, 'di ba? Anong problema ni senior Chu Feng ngayon? May sakit ba siya?"

"Baka may sakit! Parang nawalan nga siya ng kaluluwa!"

Hind inaasahan ni Ye Wan Wan na magging masagwa si Chu Feng ngayon. Pag nagpatuloy pa 'to, masisira na ang plano niya ngayon.

"Kailangan na lang natin makipag laban sa lason gamit ang lason!" sabi ni Ye Wan Wan at kumitid ang kanyang mata.

"Makipag-laban sa lason gamit ang lason? Anong ibig mong sabihin?" gulong gulo na tanong ni Jian Yan Ran.

Walang nagawa si Ye Wan Wan kundi maglabas ang isang bote ng tubig at tuwalya galing sa kanyang bag, at ibinigay kay Jiang Yan Ran ang mga nilabas na gamit, "Ibigay mo dun sa ungas na 'yon!"

"Huh…?" Nalagay si Jiang Yan Ran on the spot, "Gagana ba 'to?"

Hindi inaasahan ni Jiang Yan Ran na maapektuhan si Chu Feng sa presensya niya at pakiramdam niya kasalanan niya ang lahat, "Hindi ba dapat bigyan ko siya ng space ngayon?"

Bumuntong-hininga si Ye Wan Wan, "Pag umalis ka, mas lalo siyang mawawasak. Ibigay mo na."

Nang sinabi niya kay Jiang Yan Ran na 'wag ng tumingin kay Chu Feng, nagmukha itong isang alaga na iniwan ng kanyang amo--hindi lang sa hindi siya naging maayos sa second half, sinira niya pa ang laro ng iba.

Wala ng nagawa si Jiang Yan Ran kundi tumango, "Sige."