Chapter 127 - Transpormasyon

"Tapos ka na ba? Kailangan mo ba ng tulong?"

Naiinip na tanong ni Ye Wan Wan habang hinihintay ng halos sampung minuto si Jiang Yan Ran, Nasa looban pa din siya at hindi pa lumalabas.

"Wanwan, sa tingin ko tapos na ako magpalit. Ang weird ng pakiramdam ko!" Maririnig ang nag-aalangan na boses ni Jiang Yan Ran galing sa banyo.

Hindi na nakapaghintay ng matagal si Ye Wan Wan, kaya pasimple niyang itinulak ang pintuan at pumasok sa loob.

Nagulat si Ye Wan Wan ng makita niya na suot na ni Jiang Yan Ran ang bestida.

Kahit sigurado na siyang babagay ang damit kay Jiang Yan Ran, na supresa parin ito, "Shit! Sabi ko na nga ba na lalabas sa damit na ito ang magandang hubog ng katawan mo! Ngunit hindi ko inaasahan na magiging ganito pala ito kaganda!"

Madalas na mas gusto ni Jiang Yan Ran ang magsuot ng mga artsy clothes at maluluwag na damit na hindi bumabagay sa kaniyang hubog. Gayun pa man, lalong nakita ang katangian ni Jiang Yan Ran sa istilo ng bistidang suot niya.

Napag-isipan ni Ye Wan Wan na bagay na bagay ang bestidang ito bilang regalo ni Mrs. Jiang para sa birthday ng kanyang labing walong taong gulang na anak.

Habang tinitignan ni Jiang Yan Ran ang sarili sa salamin, Nakaramdam si Ye Wan Wan na para ba itong batang babae na lumabas sa kaniyang kukun upang maging paru-paro.

"Inaasar mo na naman ako!" Sigaw ni Jiang Yan Ran.

"Nagsasabi ako ng totoo, okay?" natutuwang sinabi ni Ye Wan Wan Habang pinapanuod si Jiang Yan Ran na naiinis at nahihiya.

Simula ng bata palang si Jiang Yan Ran, maaga na siyang nakitaan ng may pagka dominanteng reyna. Ngunit ngayon, para siyang umusbong na bulaklak, at inilantad ang kagandahan ng isang babae sa katayuan ng isang inosenteng dalaga. Kaya mas nakakadala ito ng emosyon.

"Wag ka mag alala, magtiwala ka, hindi naman weird. Hindi ka lang talaga sanay dito! Gusto mo bang malaman kung ano ang weird, yun ay hindi bumabagay ang iyong hairstyle at ang iyong pag-uugali. Mag ayos kana at puntahan na natin ang hairdresser!"

"Sigurado kaba?"

"Siguradong-sigurado ako. Gusto mo bang paulit-ulit ko pang sabihin sayo ito?"

"Ayos kung ganon…"

"Tara na, Tara na!"

At sila ay mabilis na nag-impake, sabik namang hinila ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran palabas ng pintuan.

Maraming mga tao ang nag titipon-tipon sa basketball court ng school upang manuod ng laban, at karamihan sa mga pampublikong lugar ay walang katao-tao.

Sa hair salon:

Striktong inutusan ni Ye Wan Wan ang hairdresser na sundin ang kaniyang gustong baguhin sa buhok ni Jiang Yan Ran.

Kahit na medyo inis ang hairdresser dahil sa pagiging palautos at pagmamarunong ni Ye Wan Wan na may alam ito sa pag-aayos ng buhok. Sa bandang huli, hindi ito nakapagsalita ng makita ang resulta.

Ang dating mukhang pagod at matamlay na tuwid na buhok ng babae ay napalitan ng kulay honey at ang kulot na buhok na umaabot sa kaniyang collarbone, lalong nagliwanag ang kaniyang itsura at nag iba ang dating ng kaniyang pananamit.

Ang akala niya noong una ay hindi magiging akma ang haba at hindi niya rin malaman ang gustong gawin ni Ye Wan Wan "Unawakened curl". Sinong mag-aakala na magiging maganda pala ang resulta nito?

Nang dahil sa pagbabago ng buhok nito, tila bang nag-iba ng katauhan ang babae sa kaniyang harapan, na agaw pansin sa mga dumadaan.

"Miss, ang galing mo! Saan mo nakita ang ganiyang hairstyle? Nakapaka-ganda!" at wala ng ibang masabi ang hairdresser. Nagtataka siya kung bakit ang isang babae na may aesthetic taste ay sinasadyang papangitin ang kaniyang sarili?

Nang makita ang kaniyang sarili sa salamin, sa mga sandaling iyon si Jiang Yan Ran ay tila ba nawala sa kaniyang sarili.

Maliit lang ang tiwala ni Jiang Yan Ran sa kaniyang sarili at mas lalo pa itong naging conscious matapos niyang malaman ang tungkol kay Song Zi Hang at Shen Meng Qi. Iniisip lang niya na kaya lamang siya pinupuri ni Ye Wan Wan ay para pagaanin ang kaniyang loob. Hindi ako alam na meron pala akong tinatagong ganito...

"Ano yan? Nabigla ka din sa sarili mong ganda?" patawang sabi ni Ye Wan Wan.

"Napakagandang tignan," Walang halong birong sabi ni Jiang Yan Ran. Kung sabagay, bilang isang babae, nakakagaan sa pakiramdam ng makita ang sarili na gumaganda.

"Higit pa sa nakabibighaning kagandahan, diba?" Tapos na ang malaking transpormasyon! Kaya tara na sa basketball court para maka hanap ng magandang pwesto!" Pasikretong natutuwa si Ye Wanwan.