Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 1226 - Hindi siya nabibilang sa sarili niya

Chapter 1226 - Hindi siya nabibilang sa sarili niya

"May kandidato na ba tayo?" Tanong ng lalaki.

"Merong isa. Yung pinili mong tao kanina– si Ye Wan Wan. Pinag-aralan namin siya. Kahit na malaki ang pagkakaiba ng edad ng dalawang ito, halos 90% na mag-kamukha ito at si Ye Wan Wan. Maganda rin ang family background niya, at si Ye Wan Wan ay namatay noon dahil sa terrorist attack sa ibang bansa," sumagot yung lalaki na naka-puting damit.

"Sige, ano ba ang kailangan kong gawin?"

"9th Master, gawin mo ang lahat ng makakaya mo para itago ang pagkamatay ni Ye Wan Wan at itago mo ito sa kanyang pamilya. Sa pagkakataon na iyon, papalitan na niya talaga si Ye Wan Wan. Siya ay magiging si Ye Wan Wan at sa kanya mapupunta ang lahat ng memorya ni Ye Wan Wan noong buhay pa siya," sabi ng matandang lalaki.

Nag-iba ang eksena at ang backdrop ng video ay naging research facility.

May isang babae na nakahiga sa higaan at mukhang nahihirapan ito. Nakaluhod si Si Ye Han sa tabi nito at madalas ay hinahaplos niya ang buhok habang ang itsura niya ay mukhang hirap na hirap.

"Tinago na ang balita, at walang sino man ang nakakaalam ng pagkamatay ni Ye Wan Wan. Pwede mo nang simulan." Tiningnan ni Si Ye Han ang matandang lalaki.

"9th Master, sigurado ka ba? Masisira ang orihinal na memorya ng babaeng ito kapag sinimulan natin ang memory recombination. Hindi manunumbalik ang memorya ng babaeng ito kahit na anong gawin natin. Magiging panibago siyang indibidwal na may bagong memorya hanggang sa mamatay siya. Siya ang magiging si Ye Wan Wan na namatay na…" gustong kompirmahin ng matanda si Si Ye Han.

"Simulan niyo na," inulit ni Si Ye Han ang sinabi niya.

Pagkatapos matanggap ng matandang lalaki ang kompirmasyon ni Si Ye Han, tumango siya at sinimulan na niya at ng kanyang assistants ang deep hypnosis sa babae na nasa higaan.

Doon natapos ang video.

Sa loob ng study room, gulat na gulat si Ye Wan Wan sa nakita niya at hindi siya makapaniwala. Nanginig siya at basang basa siya ng pawis sa kanyang noo. Ang babae na nakahiga sa higaan ay walang iba kung hindi siya...

Nakakagulat ang mga impormasyon na pinakita sa video, kaya hindi kaagad ma-proseso at matanggap ni Ye Wan Wan ang nangyari.

Lumipas ang ilang minuto bago pinilit ni Ye Wan Wan na ibalik ang kanyang malay tao.

Ayon sa video, namatay si Ye Wan Wan dahil sa terrorist attack sa ibang bansa noong 16 taong gulang raw siya. Siya naman ay pilit na sinaksak ang orihinal na memorya ni Ye Wan Wan sa kanya gamit ang method ng deep hypnosis upang siya ay maging si Ye Wan Wan.

Tinago ni Si Ye Han ang pagkamatay ni Ye Wan Wan at walang sino man ang nakakaalam. Sinabi rin ng matandang lalaki na ang mukha niya at ang mukha ni Ye Wan Wan ay magkamukha ng halos 90%.

Sa madaling salita, hindi ako si Ye Wan Wan...

Pero kung hindi ako si Ye Wan Wan… sino pala ako?!

"Imposible… imposible…" huminga ng malalim si Ye Wan Wan habang siya ay binabalot ng pangangamba.

Ang mga magulang niya, ang pamilya… ang lahat ng memorya niya ay pilit na pinasak sa kanya… ngunit hindi niya pagmamay-ari ang mga ito...

Kung hindi siya si Ye Wan Wan, sino pala siya. Sino ang tatay niya, sino ang nanay niya… at tsaka, saan siya nanggaling?!

Bakit sinira ni Si Ye Han ang lahat ng memorya niya at pilit na pinalit ito sa memorya ng ibang tao upang siya ay maging si Ye Wan Wan?!

Hindi masyadong pinaniwalaan ni Ye Wan Wan ang video.

Dahil ang memorya niya ay parang totoo. Personal niyang naranasan ang buong buhay niya at dose-dosenang taon ng memorya! Paano napunta sa kanya ang memorya ng ibang tao?!

Gayunpaman, makatotohanan ang mga pangyayari sa video. Mukhang hindi peke ang tono ng pananalita at ugali ni Si Ye Han. Naniniwala rin si Ye Wan Wan na ang babae na nakahiga sa kama ng research facility ay siya...