Chapter 1218 - Matagal nang pangarap

Pagkaalis ng lahat, si Ye Wan Wan at si Si Ye Han na lamang ang natira sa may bakuran.

Nanatili ang ngiti ni Ye Wan Wan sa kanyang mukha noong namaalam siya kanina kay Tang Tang.

Nagbuntong hininga si Si Ye Han bago niya niyakap si Ye Wan Wan.

Agad na bumuhos ang tinatago na mga emosyon ni Ye Wan Wan nang yakapin siya nito. Mangiyak-ngiyak ang boses niya nang kanyang sinabi, "Ah-Jiu, gusto ko na sa akin lang si Tang Tang. Pwede ko ba maging anak si Tang Tang?"

Hinaplos ni Si Ye Han ang kanyang buhok. "Hindi natin anak si Tang Tang. Hinihintay siya ng tunay niyang mga magulang."

"Wala akong pakialam! Gusto ko si Tang Tang! Ako ang nanay ni Tang Tang! Nangako ako na parati akong nasa tabi ni Tang Tang!"

"Kung gusto mo… pwede tayong gumawa ng bata mamaya."

"Ayoko ng anak! Si Tang Tang lang ang gusto ko!"

Sa may kwarto:

Napagod at napuno ng emosyon si Ye Wan Wan sa buong araw na iyon, kaya mabilis siyang nakatulog nang humiga lamang siya sa may unan.

Kinumutan siya ni Si Ye Han at lumapit ito para halikan ang gilid ng mangiyak-ngiyak niyang mga mata.

Biglang nag-vibrate ang phone ni Si Ye Han.

May mga kakibnag mga phone number na tumawag sa kanya.

Pinalibutan ng nanlilisik na lamig ang kaninang malumanay na mata ni Si Ye Han nang makita niya ang mga numero na ito. Mabilis na naging Asura's inferno ang kanyang mga mata na kanina'y pinapalibutan pa ng kapayapaan at katahimikan, parang nahulog siya sa isang abyss na walang sinag ng araw...

Matagal na nakatulog si Ye Wan Wan. Umaga na noong nagising siya kinabukasan.

Kagigising lang ni Ye Wan Wan nang makita niya ang nanonood na mga mata ni Si Ye Han.

Ang mga mata niya ay mapayap, kalmado at kuntento, makikita na parang nagbabalik tanaw siya. Gayunpaman, may bahid ito ng kadiliman na parang may tinatago siyang poot sa kanyang puso. Ang emosyon niya ay parang kakawala sa mga posas at sisirain nito ang bahid ng kapayapaan hanggang sa lamunin nito ang nararamdaman ni Ye Wan Wan na parang lava na nanggaling sa pagsabog ng bulkan...

Biglang nautal ang pananalita ni Ye Wan Wan nang makatagpo niya ang mga mata ni Si Ye Han. Sa isang saglit, biglang umangat sa kanyang puso ang poot at sakit dahil sa mga nagbabalik tanaw na mga mata ni Si Ye Han.

"Ah-Jiu…"

"Gising ka na pala." Mabilis na nalinawan ang mga mata ni Si Ye Han, parang mabilis na lumisan ang kanyang mga emosyon sa ere.

Biglang napakunot si Ye Wan Wan. Kahit na naalimpungatan siya sa kanyang pagkakagising, siguradong-sigurado naman siya na hindi niya lamang imahinasyon ito.

"Hindi ka… natulog kagabi?" Nagtataka si Ye Wan Wan nang magtanong siya.

Naramdaman niya na parang pinanood lamang siya ni Si Ye Han buong gabi...

Ordinaryo lamang at walang pagkakaiba ang itsura ni Si Ye Han. "Kakagising ko lang. Pupunta na din ako sa may opisina."

"Ah…" Tumango si Ye Wan Wan bago niya tingnan si Si Ye Han. "Si Ye Han… nagkita na ba tayo noon? Gusto ko lang sabihin na… magkakilala na ba tayo noon pa man… pero nakalimutan ko lang?"

Biglang naging manhid ang itsura ni Si Ye Han ng panandalian ngunit bigla itong nawala ng isang saglit lamang. "Hindi."

Tumango si Ye Wan Wan. "Totoo. Sa itsura mong 'yan… imposible na makakalimutan kita kung magkakilala man tayo noon…"

"…"

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang oras sa kanyang phone. "Kailangan ko na rin pumunta ng opisina."

Tinanong siya ni Si Ye Han, "Hindi ka magpapahinga ng ilang araw?"

Umiling si Ye Wan Wan. Natatakot siya na baka isipin niya lang ng isipin si Tang Tang kapag wala siyang ginagawa.

Ang bahay nila ay tila naging malamig at walang buhay simula noong nawala si Tang Tang...

Umunat si Ye Wan Wan at kumuha siya ng enerhiya. Nagsalita siya habang natatawa. "Kahit na nagtagumpay ako sa pagkakataon na ito, hindi ako pwedeng magpakampante! Malayo pa rin ako sa pagiging sobrang makapangyarihan at yung tipo na kaya kong takpan ang langit gamit ang isang kamay sa estado ko ngayon! Natatandaan mo ba yung matagal ko nang pinapangarap?"

Related Books

Popular novel hashtag