"Baby…" maingat na lumapit habang nakangiti si Nameless Nie.
Biglang sumimangot si little devil.
Gusto sanang maging pamilyar si Nameless Nie kay Tang Tang, ngunit nang makita niya ang mababala na itsura ni Tang Tang, bigla niyang iniba ang pananalita, "Ahem… Tang Tang… may magandang balita ako sayo… at may isang masamang balita… ano ba ang una mong gustong mapakinggan?"
Tiningnan siya ng bata. "Bibigyan kita ng limang minuto."
Dito nabigo ang pakikipag-hulaan niya sa bata.
Walang nagawa si Nameless Nie kundi magpaliwanag sa kanya. "Sabihin ko na muna ang masamang balita…"
Mas mainam nang mamatay na ako kaagad para mabilis rin akong mabubuhay...
Matagal na nagpasikot-sikot ng sasabihin si Nameless Nie bago niya sinabi, "Um, sa totoo lang, nagkamali kami… ang babae na kasama mo ngayon… hindi siya ang tunay mong ina…"
Biglang naging manhid ang itsura ni Tang Tang nang marinig niya ang "Hindi ang tunay mong ina."
Hindi kumukurap ang madilim na mga mata ni Tang Tang habang nakatitig siya kay Nameless Nie. "Sinabi ni tito na nagkamali siya?"
Ang mga mata ni little devil ay biglang lumisik nang sinabi niya na "Nagkamali si tito."
Hindi na nagpadalos-dalos pa si Nameless Nie kaya sinabi niya ang katotohanan. "Okay, sige… hindi ako nagkamali… intensyon ko talaga na magsinungaling sayo… pero kasi wala akong choice! Nag-aalala kasi ako na baka pumunga ka kung saan saan at malagay pa sa panganib ang buhay mo, kaya naghanap ako ng tao na magkukunwaring nanay mo at nanghingi ako ng pabor sa kanya para alagaan ka ng pansamantala bago ko mahanap ang tunay mong mga magulang…"
Sumabad na kaagad si Nameless Nie bago pa magwala si Tang Tang. "Pero huwag kang mag-alala! Nahanap na namin ang tunay mong mga nanay! Kalalabas lang ng resulta ng DNA noong lumipas na isang oras, kaya nandito ako para kunin ka!"
Nanatiling manhid ang itsura ni Tang Tang. Nag-iba lamang ang reaksyon niya nang marinig niya ang sinabi ni Nameless Nie na "Nahanap na namin ang tunay mong nanay!" Gayunpaman, nakatago ang kanyang mga mata sa mahaba niyang mga pilikmata.
Pwedeng nananahimik siya dahil marami siyang nararamdaman na emosyon o nananahimik siya dahil unti-unti niyang sinisira ang mundo...
Biglang nangamba si Nameless Nie nang biglang magsalita ang tahimik na bata, "Anong sinabi ni Mommy sayo?"
Agad naman na sumagot si Nameless Nie. "Mommy mo? Hindi ko alam kung anong sinabi niya. Hindi ko pa kasi siya nakikita, kaya kailangan nating maghintay hanggang sa makabalik tayo…"
Makikita ang galit sa mukha ni Tang Tang. "Ang tinutukoy ko ay ang Mommy *ko*."
"Tinutukoy ko nga ang tunay mong Mommy…" sabi ni Nameless Nie bago siya maliwanagan kung sino ang tinutukoy ni Tang Tang. Bigla siyang napatanong, "Eh, si Ye Wan Wan ba ang tinutukoy mo? Sinabi ko na sa kanya na nahanap na ang tunay mong nanay… pero wala siya masyadong sinabi… sinabi niya lang sa akin na ipaliwanag ko raw sayo…"
"Um, Tang Tang, nilinlang kita nung una, oo, pero hindi ko ito sinasadya. At tsaka, nahanap ko naman na ang tunay mong nanay 'di ba? Inayos ko na ang problema mo, tama? Hindi mo ba ako mapapatawad?"
Walang reaksyon si Tang Tang habang tinititigan niya ang mapanlinlang niyang tito. "Tito, sa tingin mo ba ay marunong ka manlinlang ng tao?"
Nagulat si Nameless Nie. "Um… anong pinaparating mo?"
Hindi siya sinagot ni Tang Tang, ang bata ay umupo lamang habang manhid ang itsura nito. "Gusto mo akong bumalik? Sige. Pero may hiling ako sayo."
Simula pa lamang ay hindi na niya pinapaniwalaan ang tito niya. Hindi niya kasi pinansin ang mga suspetya niya dito.
Gusto ko si Mommy.
Walang kinalaman ang pagkatao niya dito.
Nakahinga na ng maayos si Nameless Nie. Pakakawalan na ba ako ng buhay ni Little Devil?
Agad naman na sumagot si Nameless Nie, "Syempre! Kahit anong kahilingan mo ay magagawan ng paraan! Ano ba iyon?"
Sumagot si Tang Tang, "Gusto kong sumama sa akin pabalik si Mommy."
Nameless Nie: "…"