Pagkababa ng tawag, tiningnan muli ni Ye Wan Wan ang post at tulad ng hula niya, niligtas na naman ni Song Zi Hang ang prinsesa.
Si Shen Meng Qi ay niligtas at si Jiang Yan Ran ay naging katatawanan sa buong eskwelahan. Alam na tuloy ng buong paaralan na hindi niya napanalunan ang puso ng kanyang secret crush at inaway niya pa ang kanyang bestfriend dahil sa selos...
Tsk tsk, talagang lumaban siya para sa sweetheart niya at tinigil pa ang engagement na inayos ng dalawang pamilya.
May mabilis na kumatok sa pintuan.
"Bubuksan ko na!" Tumayo si Ye Wan Wan at naglakad para buksan ang pintuan.
"Ye…" nang makita niya ang tao na pinagbuksan siya, hindi na maituloy ni Jiang Yan Ran ang kanyang sasabihin.
"Pasok ka!"
Pamilyar ang boses ng babaeng nasa harapan niya, at hindi sya makapaniwala sa nakita niya, "Ikaw… Ikaw si… Ikaw si Ye Wan Wan?"
Natandan niya na nakatira mag-isa si Ye Wan Wan at walang ibang tao sa dormitoryo.
Pero.. pero nakakapagtaka kung bakit kakaiba ang ganda nito kumpara sa mga babae sa paaralan, Cheng Xue, paano siya naging ugly freak si Ye Wanwan?
Sabi-sabi noon na bago pa nagsimulang mag make up si Ye Wanwan, pangit na at mataba pa siya. Kahit na nagpapayat pa raw siya ay pangit pa rin.
Alam ng lahat ng tao at ang kanyang sarili ang dahilan kung bakit nag make up ng makapal si Ye Wanwan ay para maitago ang kapangitan niya dahil may inferiority complex si Ye Wan Wan. Kung hindi siya nag make up, di na niya siguro kakayanin ang pangangasar ng iba.
Ang Qing He ay kilala na kagalang-galang at magandang paaralan sa Imperial City. Mahigpit man ang pamamaraan nila ng pagtuturo, di naman sila strikto sa lahat ng bagay-- tulad ng international schools, tinataguyod nila ang indibidwalismo at pagkakaiba-iba ng style ng pananamit at kahit makeup. Kaya naman prinepresenta ng mga estudyante ang sarili nila na kagalang-galang para bigyang integridad ang family backgrounds nila. Natatanging si Ye Wan Wan ang nananadyang maging kahihiyan.
Pinapasok ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran at binigyan siya ng isang basong tubig, "Upo ka kahit saan mo gusto."
Dahil nagkakaintindihan sila at babae silang dalawa, hindi na siya naglagay ng make up.
"Ikaw ba talaga si Ye Wan Wan?" parang nananaginip si Jiang Yan Ran.
"Gusto mo bang ipakita ko sayo ang itsura ko kapag nasa labas, para alam mo na ako talaga ito?" Kinuha ni Ye Wan Wan ang green wig.
"Hindi.. Hindi mo kailangang gawin iyon" mabilis siyang humindi gamit ang kanyang kamay, "Pero… Bakit ginagawa mong ganun ang itsura mo araw araw?"
Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan, "Anong problema sa itsura ko araw araw? Di ba ako maganda?"
"..." Asthetic taste ang style ni Ye Wan Wan, nanahimik na lamang si Jiang Yan Ran.
Karapatan ni Ye Wan Wan na manamit kung paano niya gugustuhin. Ngunit gulat na gulat pa rin si Jiang Yan Ranna makitang maganda pala si Ye Wan Wan kahit walang make up, pero di iyon ang pakay niya. Matapos titigan si Ye Wan Wan, kahit na di niya mapigilan, iniba niya ang usapan sa kaniyang tunay na pakay, "May plano ka ba talaga?"
Habang nag-iisip, hinimas ni Ye Wan Wan ang kaniyang baba, ayaw niya ng manghula pa si Jiang Yan Ran. Diretso niyang sinabi "Kung may tiwala ka sa akin, sabihin mo agad sa magulang mo na itigil ang kasalan sa Song family!"
Gayundin, kailangang magawa ito agad!
Natandaan ni Ye Wan Wan sa buhay niya noon, inubos ng Jiang family ang kanilang pera para suportahan ang Song family at tinulungan nilang makuha ang malaking proyekto nila ng gobyerno. Sa pamamagitan ng tulong ng Jiang family, ang maliit na kumpanya nila ay lumaki, para bang ilaw na pumapasok sa pintuan ng isang dragon. Simula noon, mas lumaki ang kumpanya ng Song family at di na nila pinansin ang Jiang family nung taong iyon..
Namutla si Jiang Yan Ran, "Ano? Itigil ang kasal…"
Tumaas muli ang kilay ni Ye Wan Wan, "Huwag mong sabihin sa akin na di ka pa rin sumusuko sa kaniya? Gusto mo pa rin siyang pakasalan?"
"Bakit naman ititigil? Gusto ko lang na magsisi siya!" Ang hitsura ni Jiang Yan Ran ay litong lito, "Ye Wanwan, hindi ganun kasimple iyon. Maraming business dealings at projects ang kumpanya ng mga pamilya namin, pag sinabi ko sa magulang ko na itigil ang kasal, masama ang epekto nun sa amin! Pag isipan muna natin ng maigi ito…"