Parang pinag-isipan ito ng maigi. Ang tsismis ay mabilis na kumalat sa internet na parang mga kuyog ng bubuyog. Nakapasok na rin ito sa ranggo ng mga sikat na searches at sa "What's Trending."
Ang mas malala pa doon ay may naglabas ng leak sa sikat na post, sinasabi niya na hindi lang bakla o may gusto sa lalaki si Ye Bai, pero siya rin ay isang manyak na mahilig magsuot ng damit na pangbabae sa pribado niyang buhay...
Ye Wanwan: "…"
Kung iisipin ng maigi, walang mali sa mga salitang iyon.
Mahilig siya sa lalaki at mahilig rin siyang magsuot ng pangbabae...
Marami siguro sa mga artista sa dinner banquet ay alam na ang tsismis na ito, kaya ang mga mata nila ay may nilalaman na.
"Steward Xu, naiintindihan ko. Maghahanap ako ng paraan para maayos ito."
Binaba ni Ye Wan Wan ang tawag nila ni Xu Yi at biglang sumugod sa kanya si Ye Mu Fan, "Wan Wan, nakita mo na ba ang tsismis na kumakalat sa internet?"
Tumango si Ye Wan Wan. "Oo, ngayon ko lang nakita."
Nagagalit si Ye Mu Fan. "Punyeta! Si Ye Yiyi at ang iba pa siguro ang gumawa niyan!"
Muntikan nang magwala si Gong Xu habang nakatitig siya sa kanyang phone. "P*tang*na, ano ito?! Sila ang mga manyak! Anong sinasabi nioa na mahilig ka raw magdamit na pangbabae? Siguro lumabas ang tsismis na ito galing sa company group chat noon, pero nakikipagpustahan lang tayo na magdadamit pang-babae ka kapag nanalo ako, okay? Paano naging tsismis iyon na pasikreto ka raw na mahilig ka magdamit pangbabae?"
"Huwag kang mag-alala, Brother Ye, gumawa na ako ng Weibo post na may screenshots ng buong usapan natin tungkol doon, para malinis ang pangalan mo!"
Naramdaman ni Ye Wan Wan na umiinit ang puso niya sa sobrang galit dahil sa sinabi ni Gong Xu. "Malinis ang pangalan nino?"
"Syempre para malinis ang pangalan mo sa tsismis na iyon at sabihin sa kanila na hindi mo gawain ang mga bagay na iyon!"
"Hindi na kailangan."
"Bakit hindi na kailangan?" Sumimangot si Gong Xu. Anong klaseng lalaki ang makakapagtimpi sa ganitong paninira?
Tiningnan siya ni Ye Wan Wan. "Paano kung hindi tsismis ang mga iyon?"
Nagulat si Gong Xu at tuliro niyang tiningnan si Ye Wan Wan. "Eh… Huh? Anong sinasabi mo diyan?"
"Paano kung lalaki talaga ang gusto ko at mahilig akong magdamit ng pangbabae?"
Nanigas si Gong Xu sa mga huling sinabi ni Ye Wan Wan. "Huh… Huh?!"
Alam niya na mahilig sa lalaki si Brother Ye, pero hindi niya alam na mahilig pala itong mag-damit na pangbabae...
Gulat na gulat si Gong Xu na nakatayo doon. Sinong makakaalam kung anong iniisip niya pero biglang namula ang buong mukha niya.
"Hin-hindi nga? Seryoso? Brother Ye, may… may hobby ka na ganoon…?" Hindi maipinta ang reaksyon ni Gong Xu.
Tinawanan ni Ye Wan Wan ang natatakot na si Gong Xu.
Kumalma si Gong Xu nang marinig niya iyon at malungkot niyang sinabi, "Niloloko mo lang ako, Brother Ye!"
Hindi na nagpaliwanag si Ye Wan Wan at seryoso lamang ang itsura niya. "Nanalo ka ng Best Actor, Gong Xu, kaya gagawin ko na ngayon ang unang kahilingan mo."
"Unang kahilingan…" naguluhan si Gong Xu bago siya maliwanagan. "Brother Ye, sinasabi mo ba na… papayagan mo akong makita si Little Candied Plum?"
"Yes."
"Oo."
Matagal na nagulat si Gong Xu, parang dumaan ang malakas na hangin sa lugar na iyon. "Se-seryoso? Brother Ye, huwag kang makipagbiruan sa akin! Kailan? Saan?"
Inayos ni Ye Wan Wan ang kanyang manggas nang sinabi niya, "Mga 15 minuto, dito."
Naglakad siya patungo sa pintuan.
Nagets siya ni Ye Mu Fan kaya bumulong ito sa kanya, "Wan Wan, hahayaan mong makita ng loko na yan si 'Little Candied Plum'?"
"Nangako ako sa kanya."