Sa ngayon, umarte ang production crew na magkagulo ang buong mundo at sinadya nilang hinarap ang kamera kay Ye Wan Wan, parang gusto nilang ipakita ang pagkatalo ni Ya Bai.
Sa kasamaang palad, hindi nagbago ang kalmado at malumanay na itsura ni Ye Wan Wan habang kalmado niyang tiningnan ang camera lens na nasa harapan niya at ngumiti pa siya dito.
Nagulat ang lahat noong nakita ang ngiti niya sa harap ng malaking screen.
"Ang… ang gwapo…" pabulong na sinabi ng isang babaeng artista.
"Iyon si Ye Bai? Sayang manager siya kung ganyan ang itsura niya!"
Tiningnan ni Cai Yong Sheng kung paano nagkunwaring walang pakialam si Ye Bai sa harapan ng screen kaya bigla siyang napangisi.
Ito na ang huling yugto ng buhay ni Ye Bai, pero nagagawa niya pang magkunwari!
Loko, wala ka nang kawala, gagapang ka pa rin sa lapag at magmamakaawa ka ng nakaluhod sa akin!
Nagpatuloy ang award ceremony.
Sumunod na ang ilang mga importanteng awards na iaanunsyo tulad ng Best Supporting Actor at Best Supporting Actress.
Ang dalawang sikat na major awards na ito ay napunta sa mga kamay ng Worldwide Entertainment. Pagkatapos ay nakuha rin ng Worldwide Entertainment ang Best Cinematography at Best Original Score...
Patuloy na nakakuha ng mga awards ang Worldwide noong una at makikita ang malaking ngiti sa mukha ni Chi Hong Guang. Halata na nalulugod siya.
Malakas ang loob at mapanatag si Ye Yiyi para naman sa Emperor Sky Entertainment.
Hindi pa naman kasi inaanunsyo ang mga major awards.
Sa entablado, inaansyo na ng host ang nanalo sa kategoryang Best Adapted Screenplay–
"Ang nakakuha ng Best Adapted Screenplay ay si… Rong Jun Wei!!!"
Nagpalakpakan ang lahat at binati ng cast at crew si Rong Jun Wei. Ang imahe sa malaking screen ay nakaharap kayla Ye Yiyi at Ling Shao Zhe.
Isang tanyag na producer si Rong Jun Wei. Ang pelikula kung saan nakilala ang pangalan niya ay ang That Summer, na sumikat sa buong China. Sa oras na ito, inimbitahan siya ni Ye Yiyi na tanggalin siya sa kanyang semi-retirement gamit ang mga koneksyon ni Gu Yue Ze.
Hindi maiiwasan ang kasikatan ni Ling Shao Zhe dahil kaakibat niya ang isang tanyag na producer at crew.
Nakakatawa 'di ba? Nagkaroon ng kaguluhan ang Emperor Sky sa kanilang screenwriter dahil sa mga problema nila sa screenplay, pero sila ang nakakuha ng Best Adapted Screenplay?
Halata naman na gustong linisin ng Emperor Sky Entertainment ang kanilang pangalan gamit ang Golden Orchid Awards, at naging matagumpay sila doon.
Kumalma na ang mga kaibigan ni Liu Qing at si Liu Qing nang makita nila na nakakuha ng karangalan ang pelikulang That Summer.
Inasar sila ni Gong Xu. "Screenplay award lang! Anong magaling doon?! Hindi nga nakakuha ng nomination si Ling Shao Zhe, eh!"
Gayunpaman, malinaw kay Ye Wan Awan na hindi naman kailangang makakuha ni Ling Shao Zhe. Sumama lang siya sa buntot ng tagumpay ng pelikulang That Summer.
"Ang nanalo… ng Golden Orchid Award Best Director ng taong ito… ay ang direktor ng Luo Shen's Legend, si Ren Zi An! Director Ren, congratulations!"
Pagkatapos, isa pang pelikula galing sa Emperor Sky Entertainment na Luo Shen's Legend, ay tinalo ang kanyang mga kalaban at nakakuha ito ng Best Director Award...
Ang Luo Shen's Legend ay ang pelikuka na ginamit ng Emperor Sky Entertainment para makakuha ng major award sa taon na ito. Nominated ito sa maraming mga awards, tulad ng Best Film at Best Director. Nominated rin anh male lead na si Pei Heng para sa Best Actor.
Nagsimula na ang sayaw at kantahan na performance sa entablado. Nagsimula kaagad ang seremonya pagkatapos ng panandaliang break.
Namumutla na si Ye Mu Fan sa oras na ito. "Ang susunod na award ay ang Best Film…"
Sa entablado, nag-anunsyo na kaagad ang guest presenter, "Ang nanalo ng Best Film ay… Luo Shen's Legend!!!"
Luo Shen na naman...
Nalunod ang puso ni Ye Mu Fan noong makita niya ang pangalan ng pelikula.
Best Novice, Best Director, Best Film, Best Actor at Best Actress– ang limang ito ay ang importanteng mga awards ng gabing iyon.
Ngayon, nakakuha ng Best Novice ang Worldwide Entertainment habang ang Emperor Sky ay nakakuha ng Best Director at Best Film.