Chapter 1152 - Wala nang sapat na oras

Malapit sa kanila ang mga sikat na artistang naglalakad sa red carpet. Makikita ang kadakilaan sa mga superstars na magkakasama doon.

Maraming nakuhang mga sikat at kilalang mga artista ang Worldwide Entertainment sa taong ito. Nominated ang mga pelikula ng artista nila sa Best Film, Best Actor, Best Director, Best Screenplay, at marami pa.

Kahit si Cai Yong Sheng at nominated bilang Best Novice.

Kakaiba ang nakaraang taon na Golden Orchid Awards at kakaunting mga pelikula lamang ay pinasa para sa Best Novice. Ilang mga pelikula pa ay ipinagbawal sa bansa dahil sa sensitibong mga nilalaman nito. Kaya, walang kompetisyon para sa Best Novice, at ang lahat ng pelikula na may requirements para dito ay nominated.

Mas iba naman ang itong taon. Mahirap na ang kompetisyon para sa major awards, kaya mahirap nang ma-nominate.

Base sa pagsusuri ni Ye Wan Wan, ang mga baguhan na hawak ni Cai Yong Sheng ay galing sa grupo ng mga talentadong bagong mga artsita na sinanay ni Chu Hong Guang. Maraming mapagkukuhanan ang mga baguhan at maraming pera ang nakasuporta sa kanila.

Masayang-masaya si Cai Yong Sheng habang pinapangunahan niya ang mga hawak niyang artista. Mapanlait na tiningnan ni Cai Yong Sheng si Ye Wan Wan nang makita niya ito. "Uy, hindi ba't ito si Ye Bai, ang Great Manager Ye? Nabalitaan ko na nominated ang hawak mong artista! Congratulations!"

Kakaiba ang mga ngiti sa mukha ng mga artista ng Global na nakapalibot kay Cai Yong Sheng. "Lahat sila ay nominated sa Best Companion, hindi ba…"

"Pft, kung hindi sana nahuling nag-do-droga ang artista ng Red Lotus, wala siguro silang tsansa dahil na-ban na ang pelikulang ito."

"Ang swerte talaga nila!"

Ang pelikula na Red Lotus, ang ang pelikula na naging sikat na nominee ng Best Actor. Gayunpaman, isa sa mga artista dito at nahuling nado-droga, kaya ipinagbawal ang pelikula. Kaya sinwerte ang A Life and Death Struggle dahil sila ang nakakuha ng pwesto ng pelikulang iyon sa nomination.

Malisyoso na tiningnan ni Cai Yong Sheng sila Gong Xu at Luo Chen, at bigla niyang kinausap ang babaeng artista na katabi niya, "Ang babaw talaga ng mga kabataan. Nagsisisi siguro sila dahil nalugi sila. Huli na ang lahat. Binigyan ko sila ng tsansa pero hindi nila ito pinahalagahan. Tapos gusto nilang manumbalik? Maligo muna sila bago sila bumalik sa linya…"

Mayabang siyang naglakad sa red carpet pagkatapos niyang sinabi iyon.

Hindi malakas ang boses ni Cai Yong Sheng, ngunit malakas ito para marinig ni Ye Wan Wan at ang grupo niya.

Inangat ni Gong Xu ang manggas niya at galit siyang sumigaw, "Ang dami niyang sinayang na resources tapos Best Novice Nominee Award lang ang nakuha niya, anong pinagmamalaki niya? Kung meron ka lang ng parehong resources sa kanya, Brother Ye, sapat na ito para mahakot mo ang lahat ng parangal ng Golden Orchid Awards!"

Sumagot si Ye Wan Wan, "Ibaba mo ang manggas mo."

"Oh…"

Pagkaalis ng mga artista ng Worldwide Entertainment, sumunod na ang mga artista ng Emperor Sky Entertainment.

Halos kalahati ng mga parangal ay na-nominate ang Emperor Sky Entertainment. Ilan sa mga importanteng parangal ay napunta sa mga artista nila tulad ng Best Director, Best Film, Best Actor, at Best Actress, kaya masasabi na sila ang panalo sa taong ito.

Malakas na sigawan ang maririnig sa paligid habang naglalakad ang mga kilalang mga pangalan, sikat at may potensyal na mga artista.

Ang pinaka inaasahan ng lahat ay noong naglakad si Ye Yiyi kasama ang sikat na artista ng Emperor Sky na si Ling Shao Zhe.

Hindi maikakaila ang kasikatan ni Ling Shao Zhe dahil nominates ang mga pelikulang kinabilangan niya sa 7-8 major awards at sila ang best box office performance sa taong ito, kahit na hindi siya na-nominate mismo.

Ganito talaga ang entertainment industry. Kahit na hindi kayo talentado o marunong, kung may kilalang sumusuporta sayo, kaya mong sumikat hanggang sa langit gamit ang tulong nila.

"Miss Yiyi, alam ng lahat na ang Emperor Sky Entertainment ay matagumpay dahil sa maraming awards na natamo nila. Kaya pala ikaw ang lider ng entertainment industry…"

Sa entablado, lubos na pinuri ng host ang Emperor Sky Entertainment kaya medyo napatagal ang oras niya sa entablado.

Isang staff member ang pumunta kay Ye Mu Fan at sinabi, "Wala nang oras. Sabay-sabay nang lalakad ang buong grupo niyo mamaya!"