Chapter 1114 - Kaninong little sister

Tumawa si Ye Wan Wan. "Hindi mo kailangang magmadali, hindi pa ako tapos magsalita!"

Nagreklamo si Jiang Yan Ran, "Ipagpatuloy mo ang sasabihin mo pagkatapos kong pirmahan ito!"

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran at ang kanyang mga magulang bago siya magpatuloy, "Yan Ran, hindi simple ang mga bagay. Pasimple tayong ti-na-target ng Worldwide Entertainment ay ng Emperor Sky, lalo na ang Emperor Sky Entertainment. Gagawin nila ang lahat para pahirapan tayo. Alam mo rin ang sitwasyon ng pamilya ko."

"Mahirap na laban ito at hindi ako sigurado kung mananalo tayo. Kaya para maka seguro tayo, ibibigay ko na sayo ang kontrata. Pero hindi mo ito kailangang pirmahan ngayon. Hintayin mong matapos ang Golden Orchid Awards at kapag lumabas na ang mga resulta, pwede mo na itong pirmahan. Mas ligtas ito para sayo dahil hindi ka madadawit kung may mangyaring masama sa Age of Immortals."

Hindi niya pa kinuha si Jiang Yan Ran bilang artista dahil sa pinagdadaanan ngayon ng kanilang kumpanya.

Biglang nanahimik si Jiang Yan Ran at nawala ang ngiti sa kanyang mukha. "Bakit? Ano ba ang tingin mo sa akin? Hindi ba kita pwedeng tulungan sa mga problema mo?"

"Paano mangyayari iyon?" Sinuyo siya ni Ye Wan Wan. "Para sa kapakanan mo rin ito pero dahil kasi ito sa akin. Hindi ba't mas malaki ang mawawala sa akin kapag sinama pa kita sa gulo? Ikaw ang pamato ko, Yan Ran!"

Huminahon si Jiang Yan Ran nang marinig niya iyon. Tumango rin si Mr. at Mrs. Jiang sa sinabi ni Ye Wan Wan at tiningnan nila ang babae ng may pagsa-sang-ayon.

Nag-alala ang magulang ni Jiang Yan Ran nang marinig nila na gustong gawing manager ng anak nila si Ye Wan Wan, dahil ang dalawang taon lamang ang tanda ni Ye Wan Wan sa kanilang anak.

Ngunit ngayon, matapos nilang maranasan ang lahat ng ito, nag-iba ang opinyon ng mag-asawa kay Ye Wan Wan.

Mas matanda at malawak ang isip ni Ye Wan Wan kaysa kay Yan Ran, kahit na bata pa siya. Nakikita nila na buong pusong tinuturing na kaibigan ni Wan Wan si Yan Ran.

"Tama ang sinasabi ni Ye Wan Wan, Yan Ran. Para sa kabutihan niyong dalawa ang desisyon niya," sabi ni Mr. Jiang.

Tinitigan ni Jiang Yan Ran ang kontrata sa kanyang kamay at unti-unting humigpit ang pagkakahawak nang sinabi niya, "Sige, hihintayin ko munang matapos ang Golden Orchids Awards bago ako pumirma."

Noon pa man, si Ye Wan Wan na ang tumutulong sa kanya at hanggang ngayon, si Yan Ran pa rin ang iniisip niya.

Sa pagkakataon na ito, kailangan niyang magtrabaho ng maigi upang matulungan si Ye Wan Wan.

Kailangan niyang husayan dahil darating ang araw na tatayo siya sa entablado at maipagmamalaki niya na si Ye Bai ang kanyang manager.

Hindi na nanatili pa ng matagal si Ye Wan Wan dahil may kailangan pa siyang asikasuhin ng hapon sa hiring staff.

Nagbihis muna si Ye Wan Wan bago siya makarating sa kumpanya.

Pinaliwanag na ni Ye Wan Wan kay Ye Mu Fan ang tungkol kay Jiang Yan Ran.

Nagulat si Ye Mu Fan nang malaman niya ito. "P*ta, may tinatago ka palang pamato? Kaya ang ibig sabihin nito ay magkakaroon na ng mga babaeng artista ang kumpanya natin?"

Ye Wan Wan: "Huwag mo nang subukan, Ye Mu Fan. May boyfriend na siya at ako mismo ang nag-reto sa kanilang dalawa."

Dumilim ang mukha ni Ye Mu Fan. "Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?! Walang kontrol ba ang kapatid mo sa iyong mga mata? Wan Wan… ang ibig sabihin ba niyo ay… simula noong third year high school ka… pinaghahandaan mo na ito…"

Noon, ang tingin niya kay Ye Wan Wan ay isang rebeldeng dalaga na pangit ang mga kasuotan at handang mamatay para kay Gu Yue Ze.

Hindi niya naisip na sa puntong iyon, nagpa-plano na pala ang kanyang kapatid...

Sumimangot si Ye Wan Wan nang makita niyang nakatitig sa kanya si Ye Mu Fan. "Anong tinitingin-tingin mo diyan?"

Hinaplos ni Ye Mu Fan ang kanyang baba. "Wan Wan, little sister pa rin ba kita?"

Inirapan siya ni Ye Wan Wan. "Kaninong little sister pala ako kung hindi sayo?"

Nagalak si Ye Mu Fan. "Haha, syempre ako ang kuya mo. Sino pa ba ang may magaling na kapatid kung hindi ako?!"

Related Books

Popular novel hashtag