Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 1110 - Tama ang lahat ng sinasabi mo

Chapter 1110 - Tama ang lahat ng sinasabi mo

Pumunta sa isang hotpot restaurant ang pamilya para sa selebrasyon.

"Hehe, nakuha ko na ang diploma ko at nakapasa sa audition si Yan Ran, kaya ngayong ang pinakamasayang tatlong pangyayari sa buhat ko! Cheers!" Masayang tinaas ni Ye Wan Wan ang orang juice niya.

Tiningnan siya ni Si Ye Han. "Tatlong masayang pangyayari?"

Nagtanong at napa-kurap rin si Tang Tang, "Mommy, dalawang pangyayari ba ang ibig mong sabihin?"

Inangat ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo at sinulyapan niya si Si Ye Han. "Tatlong masasayang pangyayari ang ibig kong sabihin. Naka-graduate ako, nakapasa sa auditions si Yan Ran, at nag-improve ang EQ ni daddy mo. Tama lang naman ang pagkakabilang ko!"

Si Yehan: "…"

Tiningnan siya ni Si Ye Han. "Mababa ba talaga ang EQ ko?"

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan. "Sa totoo lang, sa itsura mong 'yan at kung mataas ang EQ mo, na-love at first sight siguro ako sayo noon pa!"

Wala siguro siyang paghihirap na tinahak...

Sa totoo lang, hindi niya maintindihan kung anong pinag-iisip niya noon. Gaano siya ka-desperado para hindi niya magustuhan si Si Ye Han at mas tumupi pa ang puso niya sa mokong na si Gu Yue Ze?

Mahilig talaga siya sa magagandang mga mukha, kaya dapat nagustuhan niya si Si Ye Han kahit na nakakatakot siya noon, tama?

Sa isang tao na nakatingin lamang sa itsura ng ibang tao, ang pinaka-importanteng prinsipyo ay "Gwapo ka kaya tama ang kahit anong sasabihin mo."

Kung ang inayos niya ang ugali niya noong una pa lamang, hindi sana magiging bayolente si Si Ye Han sa kanya, at hindi sana mauuulit ang lahat ng pangyayari. Ang kanyang kapalaran ay magiging maayos sana noon pa man...

Si Si Ye Han na nasaktan sa kanyang asawa: "..."

Nanaig ang galit kay Si Ye Han nang marinig niya ang mga sinabi ni Ye Wan Wan. Tinitigan niya si Ye Wan Wan gamit ang madidilim niyang mga mata at sinabi, "Paano mo nasabi na hindi mo ako minahal noong unang beses na nagkita tayo?"

Naguluhan si Ye Wan Wan. "Huh? Nagustuhan ba kita noon? Parang hindi ko matandaan?"

Malinaw niyang natatandaan na dinala siya sa Jin Garden ng mga tauhan ni Si Ye Han. Kakakilala lamang nila ng unang pagkakataon noon at sinabi agad ni Si Ye Han na dito na siya titira at wala na siyang kawala; hindi siya pwedeng tumutol sa sinabi ni Si Ye Han noon. Kaya masasabi niya na hindi kaaya-aya ang unang pagkikita nila...

Lalong binalot ng kadiliman ang mga mata ni Si Ye Han ngunit tinago niya ito. "Hiwain na natin ang cake. Mabilis kasi matunaw ang mousse cake."

"Ah, okay! Tang Tang, dalhin mo dito anv cake!" Naisip ni Ye Wan Wan na ang love at first sight na katanungan ni Si Ye Han ay napadaan lamang na katanungan kaya hindi na niya ito masyadong inisip pa kaya masaya niyang hiniwa ang cake.

Sa oras na iyon, sa Emperor Sky Entertainment:

Sila Ye Yiyi, Liang Shi Han at ang assistant niya ay nasa loob ng conference room.

Dahan-dahan na nagsalita ang assistant, "Sister Yiyi, nakatanggap ako ng mensahe sa film crew na hindi nakuha si Shi Han sa cast. At tsaka, nakakuha na sila ng female lead…"

Hindi nagulat si Ye Yiyi na hindi nakapasa sa auditions ni Liang Shi Han dahil kilala sa industriya ang pagiging strikto ni Peng Yuan Hu. Maraming mga kilalang artista ang hindi nakapasa sa auditions.

Gayunpaman, mga baguhan sa college auditions ang mga ito, kaya hindi niya naiwasang magulat noong nalaman niya na nakakuha na sila kaagad ng bagay na female lead para sa pelikula.

Mabilis na nagtanong si Liang Shi Han bago pa makapagsalita si Ye Yiyi, "May nakuha na kaagad silang kandidato? Saang kumpanya nanaggaling ang nakuhang artista? Nanggaling kaya siya sa Global?"

Siya lang sa Emperor Sky ang pumunta sa auditions, kaya kaninong kumpanya kaya nanggaling ang napiling female lead, kung hindi sa kanya?

Sumagot ang assistant, "Nagtanong-tanong ako. Nabalitaan ko na ang nakuha nila ay isang first year student ng Imperial Films na hindi pa nakakapasok sa kahit anong kumoanya. Siya mismo ang pumirma ng kontrata. Mukhang sinwerte siya!"

Hindi natuwa si Liang Shi Han nang marinig niya iyon. "Tulad ko? Estudyante rin siya ng Imperial Films? Sino? Kilala ko ba siya?"

Related Books

Popular novel hashtag