Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 107 - Ikaw pala ang gumawa ng post?

Chapter 107 - Ikaw pala ang gumawa ng post?

Sinubaybayan ni Ye Wan Wan ang mga pangyayari kaya patuloy pa rin siyang nagtatago.

Delikado! May nangyari na kay Jiang Yan Ran!

Di kaya dahil sa pangingialam ko, iniisip na ni Jiang Yan Ran na magpakamatay? Hinayaan ko na lang sana na matauhan sya.

Sa puntong iyon napaisip na si Ye Wan Wan na di pa ganoon kalalim ang pagmamahal ni Jiang Yan Ran kay Song Zi Hang at maaayos lang ito kung matatauhan sya, ngunit isang pagkakamali pala ito.

Sabay silang dalawa lumaki. Ang pangarap ni Jiang Yan Ran noon pa ay maging asawa nya si Song Zi Hang. Ngunit, dahil wala na ang pangarap na iyon, masasabi nang parang gumuho na rin ang buong mundo niya.

Gayon din, nilinlang din sya ng pinagkakatiwalaan nyang kaibigan.

Personal ring pinahirapan si Ye Wanwan ng kakayanan ni Shen Meng Qi. Noon pa man malapit na din sila sa isa't-isa at magkasama kahit saan pumunta. Nakikipaglaro, nakikipag-away, mag-iyakan, magtawanan at kahit sa pag-cutting sa school ginagawa nila. Hinahabol pa nilang dalawa si Gu Yue Ze, at magkasama pa silang umulit ng grado.

Di lang nya tinuring ito na bestfriend, nakita nya itong hipag sa mga darating na panahon at itinatrato na pamilya na rin.

Ang di nya alam meron nang nabubuong plano para sirain siya..

Kapag nga naman sobra kang nagmamalasakit, sobra ka ring masasaktan pag nalaman mo ang katotohanan.

Nakita nya na kalahating hakbang na lamang at mapupunta na si Jiang Yan Ran sa sapa, kinurot ni Ye Wan Wan ang kanyang nosebridge dahil naguluhan sya sa nakita nya. Dali-dali siyang lumabas galing sa dilim, habang tahimik na sinasabi, "Ah! Sino kaya ito? Diba ito ang aming Miss High and Mighty Jiang Yan Ran? Andito ng hating-gabi, huwag mong sabihin sakin na magpapakamatay ka dahil lang iniwan ka!"

Nanigas ang likod ni Jiang Yan Ran. Ang kanyang matamlay at malungkot na mata ay nawala at mabangis na nakatingin kay Ye Wan Wan. Lumangutngot ito at sinabing "Ye Wan Wan! Masaya ka bang nakikita akong nagkakaganto? Masaya ka na ba?"

Nairitang ngumiti si Ye Wan Wan at naiinis na sinabing, "Oo naman, lalo akong sasaya kapag tumalon ka ngayon. Eh, bat di mo na lang ituloy at tuluyan ka na?" 

"Ikaw…" Namula ng sa galit ang mukha ni Jiang Yan Ran, "You wish!"

Naglakad palayo si Jiang Yan Ran noong sinabi nya iyon, "Si Song Zi Hang lang iyon, bat naman ako magkaka-pake? Sa background ng pamilya ko, kahit sinong lalaki makukuha ko. Ayoko lang talaga na may nagsisinungaling sa akin!"

Oh, not bad, akalain mong gumana iyon..

Paulit-ulit na tumango si Ye Wan Wan, "Tama, tama yun. Natural na di naman nag aalala si Big missy Jiang sa kasalan! Kawalan niya iyon!"

Nakikitang agresibo sya na parang manok na isinasabong at kaya niyang makipaglaban ng eight hundred rounds, mukang sinusuko niya na ang pagpapakamatay. Maluwag na nakahinga si Ye Wanwan at umupo sa damuhan, patuloy lang sa pag-scroll sa post.

Di nahihinto si Jiang Yan Ran kapag hinamon sa away; handa na sya sa malalang away na nabubuo sa kanila ni Ye Wan Wan, ngunit di niya inasahang naglalaro na lang ng phone si Ye Wan Wan kalahating oras na nagaaway sila, Para bang sasapakin nya ang taong nagpapatalo at walang pinsalang magagawa kahit sa dami ng suntok na ibigay nya dito.

Pagtapos maging sobrang emosyonal ni Jiang Yan Ram, naramdaman niya na naubos ang enerhiya ng buong katawan niya. Napa-upo siya sa lapag at niyakap ang kanyang tuhod na may mukhang walang pakiramdam. "Ye Wan Wan, sobra mo ba akong ikinaiinisan… Ako ba ay… ang taong di matitimpi…"

Hindi sumasabat si Ye Wan Wan at nakatitig sa kanyang phone. Sa pagtataka sumilip si Jiang Yan Ran

Pagkatapos nito, nakita niya na magre-reply pa lamang si Ye Wan Wan sa kanyang post, nag-iba ang emosyon sa mukha nito.

Sa reply box in Ye Wan Wan, ang ID niya ay nagngangalang "Gossip Porter!"

" Ikaw… Ikaw si Gossip Porter?! Ikaw yung nagsusulat ng post tungkol kay Shen Meng QI?" gulat na gulat na tinanong ni Jian Yan Ran.