Chapter 1065 - Tulungan akong magbago

Little House of Rose:

"Ah-Jiu, saan natin pwedeng dalhin si Tangtang sa susunod na linggo?" masayang tumakbo si Ye Wan Wan sa study para kitain si Si Ye Han.

Kinagabihan na, at walang ilaw ang study, kaya medyo madilim ang buong silid. Nakaupo si Si Ye Han sa upuan niya, nakatago ang mukha niya sa mga anino.

"Ah-Jiu… Ah-Jiu…" ilang beses na tinawag ni Ye Wan Wan si Si Ye Han bago siya makakuha ng sagot.

"Ano?"

Nakasimangot na lumapit si Ye Wan Wan at hinawakan ang noo ng lalaki, "Ayos ka lang ba? Mukhang hindi ka maayos… may sakit ka bang nararamdaman sa kahit saan?"

Hinila siya ni Si Ye Han para umupo sa kalungan nito, "Wala naman. Napahaba lang ang meeting."

"Bahagya ka pa lang gumaling, kaya kailangan mapanatili mo ito. Naibalik ko ang maganda mong kalusugan matapos ang malaking gulo, kaya hindi pwedeng bumalik ka agad doon, alright?! Dumadating ang sakit na parang isang guho pero mabagal mawala na parang umiikot na sutla. Sabi ni Dr. Sun kahit na walang masyadong malaking isyu sa kalusugan mo ngayon, masyadong nasira ang katawan mo noon, kaya hindi magiging madali ang paggaling mo…"

Niyakap siya ni Si Ye Han at tahimik na nakinig sa kanya. "Oo."

"Anong sinasabi mo kanina?" tanong ni Si Ye Han.

"Nagtatanong ako kung saan natin dadalhin si Tangtang sa susunod na linggo!" sagot ni Ye Wan Wan.

Gusto mong pumunta sa Sandalwood Villa?"

Agad na tumango-tango si Ye Wan Wan. "Oo oo oo! Sobrang high-class at matataas na mga tao ang bisita doon tulad mo. Narinig ko iyon nang binanggit ng mga tao pero hindi pa ako nakakapunta. Pwede tayong sumakay sa mga kabayo, race cars, mag-surf at magmaneho ng mga eroplano! Magugustuhan iyon ni Tangtang!"

Nang marinig ni Si Ye Han na sinabi ni Ye Wan Wan na "Magugustuhan iyon ni Tangtang," hindi niya ito nilantad tulad ng dati, "Ipapaayos ko na kay Xu Yi."

Naalala ni Ye Wan Wan na kailangan niyang dumalo sa engagement banquet. Una, maingat niyang sinilip si Si Ye Han saka nagsiyasat, "Um, may isa pang bagay… engagement banquet bukas ng pinsan ko, kaya kailangan kong dumalo. Baka gabi na ako makauwe." 

Si Ye Han: "Engagement banquet ng pinsan mo?"

Nagpanggap na kalmado si Ye Wan Wan. "Oo."

Makabuluhan siyang tinignan ni Si Ye Han, "Hindi ba 'yan ang engagement banquet ng ex-fiance mo?"

Ye Wan Wan: "…"

Sige, sinadya niyang palitan ang mga salita pero nalantad pa din...

Sandaling nahirinan si Ye Wan Wan bago walang alinlangang sinabi, "Anong ex-fiance?! Blah! Bata pa lang ako noon at hindi makita kung gaano siya kabasura! Ikaw ang asawa ko, baby!"

Si Ye Han: "…"

Ang babaeng ito… mas gumagaling siya sa panloloko...

Malinaw naman na hindi lang ako ang baby niya.

Pero, nagustuhan niya ang bawat salitang sinabi ni Ye Wan Wan at kung gaano din siya kalupit,

Puno ng panghihibo si Ye Wan Wan, "Baby, hindi ka naman magseselos sa ganitong bagay, 'di ba?"

Sumulyap si Si Ye Han sa kanya, "May business dinner ako ngayong gabi. Padala ng damit ko dito."

"Oh, okay! Ito na!" umalis si Ye Wan Wan sa kalungan ni Si Ye Han at pumunta sa damitan para kumuha ng damit niya.

"Nakuha ko na, nakuha ko na! Ano na ngayon?" masunurin na sumunod sa utos si Ye Wan Wan.

Sabi ni Si Ye Han, "Tulungan mo akong magbihis."

Saglit na nagulat si Ye Wan Wan bago siya taimtim na nag-umpisa sa kwelyo nito, kung saan maselan na nakaayos ang unang butones...

"Eh, pwede ba akong pumunta kung tutulungan kitang magpalit?"

Ito… ang pinakalulugod, 'di ba?

Ah, masyado akong nakakatanggap ng mga gantimpala nitong mga nakaraan… sumasakit na ang tiyan ko dito...