Chapter 1039 - Hindi magiging mabait

Magkaiba ang saklaw ng martial arts na aristokratong angkan at negosyna aristokratong angkan. Pinatibay ng mga Sun ang mga tradisyon sa martial arts at mayroong matinding atmospera sa martial arts kasama ang hindi mabilang na mga eksperto sa angkan.

Sa madla, kalmado si Sun Xuezhen sa tagumpay ng mga Sun. Ang mga gwardya na pinangungunahan ni Ye Wan Wan ay hindi magiging matagumpay sa lugar ng martial arts, kaya bakit nila ikukumpara ang sarili nila sa mga Sun?

"Susunod, ang pamilya ng Sun laban sa pamilya ng Qin!" pag-anunsyo ng isa sa mga referee.

Natanggal na ang mga Si, kaya ang natitirang dalawang grupo ay pinangungunahan nila Qin Ruo Xi at Sun Xuezhen.

Sa madla, ipinatong ni Ye Wan Wan ang kanyang baba sa kanyang mga kamay habang pinanood ang laban sa pagitan ng mga Qin at mga Sun. Palihim siyang humikab. Kung alam niya hindi ito magiging masaya, hindi na sana siya pumunta.

Ang dahilan sa kanyang pagkabagot ay nakapalagay sa mababang kwalidad ng conference. Para sa kanya, ang mga ekaperto ay katulad dapat nila Nameless Nie at Spray of Flowers.

Gayunpaman, ang mga kalahok ng kompetisyon na ito ay malayong-malayo sa lebel ni Nameless Nie.

Base sa lakas ng martial arts, ang limang miyembro ng MLM na grupo ay maaasahan.

Para bang naging pabaya siya; paano magkakaroon ng mga abnormal na eksperto sa mundo? Ang mga eksperto tulad ni Nameless Nie ay nasa minorya. 

Sinilip ni Sun Xuezhen si Ye Wan Wan sa gilid ng kanyang mga mata at hindi mapigilang suminghal nang makita ang nababagot na itsura ni Ye Wan Wan.

Ang mga babaeng katulad niya ay dapat nasa mansyon lang. Paano niya maiintindihan ang martial arts? Ilang beses na ba nakanood ng laban ang babaeng ito? Kaya naman, hindi pa din maintindihan ni Sun Zuezhen kung anong naisip ng patriyarka ng mga Si at pinayagan ang babaeng ito na maging representante niya!

Nang natapos ang kompetisyon ng mga eksperto, kailangan pumunta sa entablado ng mga representante ng bawat pamilya para maglaban. Hindi siya magiging mabait kapag dadating ang oras na iyon…!

Ang katotohanang nandito ang babaeng ito bilang representante at nakaupo kasama sa madla at nakakaimbi sa conference.

"Si Qin Feng ng mga Qin ang nanalo!"

Bigla na lang naliglig si Sun Xuezhen sa anunsyo ng referee at tumingin sa entablado.

Pinaalis si Bing Xi sa entablado ng binata mula sa mga Qin dahil sa natalo niya ang laban.

"Brother Bing Xin, maayos ang mga pagsipa mo, pero bahagyang pumapangalawa sila sa paghinga kong technique." walang siglang nakatayo ang binatang nakatayo sa entablado na nagngangalang Qin Feng.

"Si Qin Feng, ang pangunahing eksperto ng mas batang henerasyon ng mga Qin…"

Manilay-nilay na lumihis ng tingin si Sun Xuezhen.

Narinig niya na pinag-aaralan ni Qing Feng ang martial arts kasama ang kanyang lolo mula nang siya'y apat na taong gulang palang. Hindi lang iyon, napilitan siyang magtanggal ng saplot sa nagyeyelo at nagniniyebeng lugar, alang-alang sa training ng kanyang katawan. Hindi naman nangbigo si Qin Feng ngayon.

Isang sandali ang nakalipas, nagpatuloy ang kompetisyon.

Walang kapantay at matagumpay na natalo ni Qin Feng ang dalawang tao mula sa mga Sun.

Iyon ay hanggang sa lumabas ang pinakamalakas na eksperto mula sa mga Sun at sinira ang walang talong rekord ni Qin Feng.

"Zhou Hen… ang pangunahing panalo sa National Martial Arts Competition sa edad na 16…"

Nag-usap ang mga madla habang pinanood nila ang taimtim na lalaki sa entablado.

Si Qin Fen--na ang siya ang dapat nangunguna sa mga Qin--ay naihagis muka sa entablado sa isang sila ni Zhoe Hen.

"Hindi henyo si Zhou Hen ng mga Sun at masipag siyang magtrabaho… rinig ko na sa mga normal na tao ang magsanay ng technique na paninipa, pero itong si Zhle Hen ay nag-ensayo ng daan-daan at libo-libong beses. Patuloy siyang nag-eensayo sa galaw na iyon araw-araw, taon-taon, dahil diyan kaya niyang isagawa ng galaw na iyon sampung beses naas malakas kaysa sa mga normal na tao!"

"Totoo nga. Ang ilang mga tao ay nag-eensayo ng 10 o 100 beses, pero libo ang kanyang pag-ensayo dito. Talagang umasa siya sa pagsusumikap niya para malagpasan ang mga tinatawag na henyo ng martial arts."