Chapter 1037 - Ako ang dapat magpaumanhin

"Ruo Xi, maaari ba na pareho ang reklamo ng mga Si laban sa aming mga Sun?" naiiinis na tanong ni Sun Xuzhen habang nakatingin kay Qin Ruo Xi.

Sumagot si Qin Ruo Xi, "Hindi, Xuezhen. Bakit mo sinabi 'yan?"

"Hindi?" pagsinghal ni Sin Xuezhen. "Kung wala silang reklamo, bakit nila hinahayaan ang taong tulad niya para pandirian at pahiyain ang mga Si?"

"Malinaw na alam ng mga Si kung gaano kaimportante sa mga Sun ang martial arts conference na ito at ang nga Sun ang naghost nito. Gayunpaman, walang alam sa martial arts ang babaeng ito at hindi makapagdesisyon! Kung hindi niyo pinapahiya ang mga Sun, ano ang ibig sabihin nito?!" sa una, titiisin sana ito ni Sun Xuezhen, perl hindi niya nagawang pigilan ang galit niya bandang huli.

Ang totoo, ang relasyon sa pagitan ni Ye Wan Wan at Si Ye Han o ang lagay niya sa mga Si ay hindi mahalaga para ss mga Sun.

Laging nirerespeto ng mga Sun ang malalaks. Kung talagang nagtanghal si Ye Wan Wan ng ilang mga galaw sa martial arts at naintindihan ang martial arts, hindi magsasalita ng kung ano ang mga Sun at magalang ta tatratuhin ang kanilang bisita.

Gayunpaman, para sa mga Sun, umasa lang si Ye Wan Wan sa kanyang itsura para mapaboran ng mga lalaki, kaya bakit may malalaman siya tungkol sa martial arts?

Pero, nagpakita siya sa kompetisyon ng martial arts na ang mga Sun ang naghost, kaya naging kahihiyan ito para sa mga Sun.

Hindi sumagot si Ye Wan Wan sa mga Sun o kay Sun Xuezhen.

Nangako siya kay Si Ye Han na hindi siya gagawa ng gulo. Tsaka, pumunta siya dito para lang may matutunan. Hindi niya plano ang pumunta sa entablado at nagkukumpara ng mga tala.

Sa kabilang banda, ang desisyon ni Ye Wan Wan sa limang bagong gwardya mula sa mga Si na gawin ang kanilang nais ay isang gantimpala mula sa langit 

Matapos ang usapab, napagdeisyunan nkla ang ang binata, na nasa dalawampu, para subukan ang mga Sun..

Ang lalaki na pinadala ng mga Sun ay ang pinakamahina sa kanilang grupo, kaya kailangan din nila ilaban ang kanilang pinakamahina na niyembro.

Maya-maya, pumunta sa entablado ang binatang gwardya at tinignan ang kanyang kalaban at binati Ito: "Gwardya ng mga Si, Liu Cen!"

"Bing Xin," walabg bahalang sabi ng lalaki na tila bang hindi niya pinahahalagahan ang gwardya ng mga Si.

"Heh… Ang arogante mo" pagsinghal ni Liu Cen bago hinawakan ng kanyang kamao. "Paumanhin!"

Sa sandaling natapos magsalita so Liu Cen, naabot niya si Bing Xin ng isang hakbang lang at inumpisahang isagawa ang kanyang pakikipaglaban na technique.

Gayunpaman, hindi umalis si Bing Xin sa kinatatayuan na parang walang intensyon na iwasan ito.

Ganito ba talaga kahina ang miyembro ng mga Sun?

Hindi mapigilang maghinala ni Liu Cen nang makita niya ang walang kibo na si Bing Xin habang manununtok siya.

Nang umabot sa tatlong pulgada ang kamao ni Liu Cen mula sa mukha ni Bing Xi, isang malakas na hangin ang narinig.

Bago pa mapagtanto ni Liy Cen ang nangyari, isang malakas na sipa ang natamo ng kanyang tiyan mula kay Bing Xin.

Agad na napasigaw si Liu Cen sa sakit at lumipad sa entablado na parang isang saranggola na nawala ang talo nito, at malakas na tumama sa madla.

"Ako ang dapat magpaumanhin," malamig na sabi ni Bing Xin at walang bahalang tinignan ang kanyang kalaban.

"Si Bing Xin ng mga Sun ang panalo! Sa loob ng dalamapung minuto, patuloy na kakalabanin ng nanalo ang natalong partido!" pag-anunsyo ng referee.

"Ganoon kalakas?"

Takot na nagkatinginan ang natirang apat na miyembro ng mga Si at tinulungan si Liu Cen. Halos perpekto ang lakas at bilis ng sipa na iyon--magandang timing din! Isang eksperto sa pagsipa ang Bing Xin ng mga Sun.

Higit pa dito, hindi nagawang isalo ni Liu Cen ang sipa bago siya matamaan, lumipad sa stage at na disqualified.

"Mga referee, 'wag na kayo mag-aksaya ps ng oras. Kaya kong magpatuloy," walang bahalang sabi ni Bing Xin habang nakatingin sa mga referee.

Nagkaroon ng maiksing pag-uusap ang mga referee bago pumayag sa gusto ni Bing Xin.

Tutal, ang pagpahinga matapos ang laban ay isang pribilehiyo sa mananalong kalaban. Walang karapatang tumutol ang referee kung ayaw magpahinga ng kalaban.

Related Books

Popular novel hashtag