Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 1033 - Garantisadong matatapos ko ang misyon

Chapter 1033 - Garantisadong matatapos ko ang misyon

Dumating ang araw ng martial arts conference.

Galak na maagang nagising si Ye Wan Wan at nagsuot ng puting workout na damit.

Si Si Ye Han, na kasalukuyang papunta sa isang contract signing ceremony, ay nag-aalalang tumawag muli, "Naalala mo ba ang sinabi ko?"

Agad na pinangakuan siya ni Ye Wan Wan: "Naalala ko, naalala ko! 'Wag gumawa ng gulo! 'Wag mo na akong alalahanin at gawin mo lang ang gagawin mo! Ako nang bahala kay Mr. Mu. Garantisado na matatapos ko ang misyon at hindi lalaban!"

Sa sandaling matapos niyang paginhawain sa mga alaala ni Si Ye Han at inutusan si Old Jiang at ang iba para bantayan ang bahay, nag-aantay naman si Xu Yi sa labas kasama ang mga pinili niyang mga tao.

"Miss Wan Wan, ito po ang limang bagong gwardya at mahusay din sila. Dumaan na sila sa 

Tinignan ni Ye Wan Wan ang limang tao at babahagyang tumango. "Sige."

Pinakilala ni Xu Yi ang limang tao kay Ye Wan Wan. "Si Miss Ye ang inyong representant at lider. Susundin niyo ang lahat ng kanyang pagsasaayos at utos."

Nagkatinginan ang lima nang marinig ito; napakunot sa gulat ang kanilang mga kilay. Hindi nila inaasahan na ang lider nila ay isang maselang babae.

Gayunpaman, hindi na nagtangka pang pagdudahan ng lima si Xu Yi at pinigilan ang kanilang pagyayamot. Sabay silang sumagot, "Opo! Binabati po namin kayo, Miss Ye!"

Ye Wan Wan: "Sige, umalis na pala tayo kung wala na!"

Samanatala, sa lugar ng training ng mga Sun.

Maayos na ang arena para sa martial arts conference. Mayroong entablado sa loob ng walonsulok na alambreng hawla at mayroong hilera ng mga upuan sa iaba ng entablado.

Dumating na si Qin Ruo Xi kasama ang limang maselan na piniling tao mula sa kanyang angkan.

"Ruoxi, nandito ka na1" agad na lumapit si Sun Xuezhen at binati siya.

Magalang din si Sun Lizhong kay Qin Ruo Xi nang makita siya, "Ruoxi, salamat sa pagtulong sa amin ngayon!"

Walang bahalang sinabi ni Qin Ruo Xi, "Tito Sun, masyado ka pong mabait! Walang anuman iyon!"

Sabi ni Sun Lizhong, "Ang iyon 'walang anuman' ay talagang nakatulong sa akin!"

Magiliw na hinila ni Sun Xuezhen si Qin Ruo Xi sa isang upuan at umupo. "Hindi madali sa mga tao para kausapin si Mr. Mu. Kung hindi dahil sa tulong mo, paano pa natin siya maiimbitahan sa bahay?"

Sumulyap si Sun xuzhen sa limang tao na dinala ni Qin Ruo Xu. "Ruo Xi, maalalahanin ka talaga at nagdala ng grupo ng mga eksperto dito! Dinig ko na nag-imbita si Tito Qin ng ilang mga mahuhusay na tao. Matagal ko na silang gusto makita!"

Mapagkumbabang ngumiti si Qin Ruo Xi, "Paano naman sila maikukumpara kay Tito Sun? Si Tito Sun ang master ng martial arts sa China. Nagawa niyang naimbitahan ang bukod tanging bisita tulad ni Wolf King Senny! Oo nga, nasaan si Mr. Senny?"

"Dadating na siya mamaya…"

Sa pagkasabi ni Sun Xuezheng, isang matangkad, maitim, at kalbong maskuladong lalake ang naglakad patungo sa entablado-- si Wolf King Senny.

Limang taon noon, tinalo ni Senny si Abell at naging boxing champion sa WBC. Sa totoo lang, siya ang pinakabata na heavyweight boxing champion sa kasaysayan ng boxing. Kasunod nito, madami siyang tinalo na boxing champion at naging kilala sa tatlong matataas na antas ng boxing organization sa buong mundo—WBC, WBA, at IBF. Sa nakaraang taon, tinalo niya rin ang Brazilian Jiu-Jitsu champion at nagawang manalo sa MMA championship.

Hindi talaga sasali at lalaban si Senny sa mga magagaling na pinili ng kanilang mga angkan sa panahon ng martial arts conference. Sa halip, manonood lang siya sa kompetisyon bilang isang kilalang panauhin.

Ang tanging seseryosohin lang ni Senny ngayon sa martial arts conference ay si Sun Lizhong.

"Hello, Mr. Senny, Qin ang apelyido ko. Matagal ko ng hinihintay na makilala ka. Nagagalak ako na makilala ka!" Agad lumapit si Qin Ruoxi at binati siya matapos niyang makita ang mga bagong dating.

Gumawa lamang ng hindi magandang ingay si Senny bilang tugon.

Inaasahan na 'to sa isang bihasang tulad niya na magkaroon ng malamig at mapagmataas na kilos, kaya naman hindi na nasakatan si Qin Ruoxi.

"Mr. Senny, dito po ang daan!" Lumakad si Sun Lizhong at hinatid si Senny sa kanyang upuan.

Sa gilid, tumingin sa paligid ng arena si Sun Xuezhen at nagtanong, "Ruoxi, nasaan ang pamilya ng Si? Bakit wala pa rin sila dito?"