Chapter 103 - Taga kalat ng tsismis

"Kailan pa kayo nagkaroon nang magandang kaugnayan ni Si Xia? Nabalitaan ko na hindi ka lang niya pinagtanggol sa harap nang guro natin pero sinalag niya pa ang sampal galing kay Cheng Xue para sayo!" usisa ni Shen Meng Qi.

Nung una, ang ginawa ni Ling Dong ay walang epekto kay Si Ye Han. At dahil sa espesiyal na pag trato ni Si Xia kay Ye Wanwan, hindi nito sigurado kung magkakaroon ba ito ng malaking impak kapag ibinalita niya eh kay Si Ye Han.

Hindi niya akalain na nagiging mas maluwag ang si Si Ye Han kay Ye Wanwan. Siguro hindi niya itinuturing na mapapahamak ito sa iba maliban kay Gu Yue Ze?

Siguro…

Si Shen Meng Qi ay nawala sa kaniyang tamang pag iisip. Bilang king of jealousy ng East Asia, kahit na amuhin lamang ni Ye Wanwan ang aso, Kukuha na agad si Si Xia ng pamalo para paalisin ang aso, hindi niya sinabi ang gagawin niya sa lalaki na katulad ni Ling Dong.

"Dahil halata namang mabait na tao si Si Xia!" Sagot ni Ye Wanwan.

Muntikan ng masamid si Shen Meng Qi. Pinaalalahanan siya nito, "Gayon pa man, mag-iingat ka ng mabuti. Maraming magagarbong babae dito na maaaring ipalit sayo, Lalo na si Cheng Xue! Eighty percent ng post na ito ay galing kay Cheng Xue upang maka ganti sayo!"

May pagdududa sa puso ni Ye Wanwan. Umaarteng mabait na tao si Shen Meng Qi sa iba, at idinadagan ang sisi sa ibang tao: siya ay napaka tuso.

"Nakuha ko, Mag iingat ako. Babalik na din ako sa aking dorm ngayon, paalam~"

Pinapanuod na umalis ni Shen Meng Qi si Ye Wanwan, ang kaniyang mukha ay nababalot ng kabiguan.

Dati, masaya ito na hindi mahal ni Si Ye Han si Ye Wanwan kaya wala na itong karapatan na tumira pa sa Jin garden , ngunit ngayon nagaalala na ito kay Ye Wanwan simula ng hindi na ito nakatira dito, at wala din siyang pagkakataon na mapalapit kay Si Ye Han kahit kailan.

Si Si Ye Han ay marahil abala para sagutin ang kaniyang mga tawag. Sinubukan na rin niya itong itext dati, ngunit para itong bato, para bang lumubog sa dagat ang kaniyang mga mensahe. Minsan, pakiramdam nito na para ba siyang robot na nagbibigay ng update kay Ye Wanwan, simula ng tumugon ito sa balita tungkol sa kaniya.

Nakakakilabot ito!

Matapos ayusin ni Shen Meng Qi ang mga bagay-bagay, Si Ye Wanwan ay umalis gamit ang likurang pintuan at pumasok sa internet cafe ng school entrance.

Nakakita ito ng isang puwesto at umupo, at pumasok sa school forum ng Qing He,

Nang siya ay mag sign in, naalala nito na ang kaniyang original na ID ay mas nakakadiri, kung kay Shen Meng Qi ay "Love the Winter Nights", Ito naman ay " Love Ze for Hundred Decades"

Kaya naman, gumawa ng bagong account si Ye Wanwan ng iba ang pangalan: Gossip Porter.

Matapos niyang gumawa ng account, ginagawa na mag post si Ye Wanwan.

Ang pamagat ng post ay: Nag-aalab na balita! Qing He's beauty, si Shen Meng Qi, ay kabit at inagaw nito ang lalaki ng kaniyang matalik na kaibigan!!!

Ang nilalaman ay pareho lang ng pamagat, at meron lang itong dagdag na mga salita. At basta-basta na lamang itong ipost matapos niyang i-edit ito.

Katulad ng inaasahan, itong kapansin-pansing pamagat ay agad agad naka akit ng madaming kumumento.

Cute and Handsome Guy: "Damn! Si Shen Meng Qi, ang aking diyosa? Siya ay sangkot dito?"

Crayon Without Shin Chan: " Ang may-ari na gumawa ng kasinungalingan ito ay iblocked!"

Most Handsome: "Ito ay hindi totoo; hindi ako maniniwalang ang simple at mabait na babaeng katulad ni Shen Meng Qi ay paparatanagn ng hindi totoo ng mga tao!!"

Love the Winter Nights: "Sa tingin ko nag seselos lamang ang taong ito!"

Dazed Little Cutie: "Ang tinutukoy ba ng taong ito ay ang insidenteng sangkot si Shen Meng Qi, Jiang Yan Ran at Song Zi Hang? Sa tingin ko narinig ko ang patungkol rito…"

Love the Winter Nights: "Saan mo narinig ang walang saysay na balibalitang iyan; nakita mo ba ito mismo?"

Dazed Little Cutie: "Oh, Hindi, narinig ko lamang sa iba!"

Springkling z to empty some avoided memories: "Dahil sa merong taong gustong paratanagan si Shen Meng Qi, malamang na gagawa sila ng hindi totoong balita tungkol sa kaniya! Ang tsismis na kagaya nito ay hindi dapat pinaniniwalaan!"

Crayon without sHin Chan: " Kung sigurado nga ang taong ito, pakitaan mo kami ng ebidensya! Bakit nagtatago ka sa likod ng iyong computer at nagaagalit? Tingin mo ba mga bobo kami? Ha, sa iyong panaginip!"

...