Puro kalokohan ang mga sinabi niya pero maibubuod ang lahat sa: "wala akong alam, kaya basta na lang ako nagtetrain." Pero, nagawa ni Ye Wan Wan na gumawa ng mystical na istorya at magpanggap na kasindak-sindak.
Halos hindi niya na mapigilan na purihin ang sarili niya!
Marahang umubo si Ye Wan Wan at tinapos na ang usapan, "*cough cough* Tama na, tama na. Tapusin na natin ito!"
Labis-labis na ang sinabi niya ngayon at hindi na kayang magpatuloy pa.
"Magiging abala ako sa lalong madaling panahon, at hindi ako uuwi bukas, kaya kailangan ng bahay ang atensyon niyo. Bantayan niyo si Little Master!" utos ni Ye Wan Wan.
Kahit na sinabi ni Si Ye Han na lumipad na patungo ng ibang bansa si Si Ming Li at hindi na magpapakita pa, gusto pa din niya maging maingat.
"Opo…" sa sandaling narinig ito ng grupo, agad silang nalanta, pero hindi naglakas-loob na ngumawa.
Sa sandaling magiging abala si Master para umuwi ng bahay, isang bangungot ang mananaog sa kanila, at mag-uumpisa muli ang training nila...
"Ah, oo nga pala, tapos na ba ang duyan ko?" sabik na tanong ni Ye Wan Wan.
Napakamot sa ulo si Heidi at atubiling sinabi, "Tapos na po…"
"Dalhin niyo na ako doon dali!" pag-udyok ni Ye Wan Wan.
Wala nang magawa si Heidi kundi dalhin si Ye Wan Wan sa malalim na parte ng gubat, kung saan mayroong matibay na duyan sa pagitan ng dalawang matangkad at matibay na puno.
Gayunpaman, ang nagpaiba sa duyan na ito mula sa mga normal na duyan ay masyadong mahaba ito. Nang nag-umpisa ito dumuyan, halos abot langit ang pag-ugoy nito...
"Uh, Master, sigurado ka gusto mo… na sakyan ito?"
Sinuri ito ni Ye Wan Wan at nakita na gawa ito base sa kanyang disenyo. Matibay ito na may mga safety belt at gawa ang upuan sa malambot na kawad habang ang mga lubid naman ay ginayakan ng mga bulakak. Halatang maingat itong ginawa.
Masayang tumango si Ye Wan Wan, "Oo! Tignan mo kung gaano ito kaganda! Pakiramdam ko lang na hindi ito uugoy ng mataas! Ay, hayaan mo na, ayos na ito! Heidi, subukan mo!"
"Eh? Ako?" takot na tinuro ni Heidi ang mukha niya.
"Pffft--" pagsinhal ni Tang Bin. "Syempre ikaw ang dapat na sumubok kahit na matibay o hindi! Ikaw ang pinakamabigat!"
"Pero takot ako sa matataas na lugar!" mas lalong natakot si Heidi.
"Bakit hindi mo kayang malupig ang maliit na takot para kay Master?"
Nagkatinginan sila Tang Bin at Song Qiang bago magkampihan at itulak si Heidi patungo sa duyan. Maigi nang siya kaysa sila!
Matapos ang isang sandali, rinig ang tila masamang espiritu na alulong ni Heidi.
Tumingala si Ye Wan Wan para manuod. "Hindi na masama! Tatawagin ko si Tangtang para maglaro!"
Matapos ang isa pang sulyap sa matabang lumilipad sa hangin, masayang lumukso papaalis si Ye Wan Wan.
Ang grupo ng mercenary: "..."
Ang galing ng Master! Maski ang duyan ay kakaiba mula sa normal na tao--dumuduyan hanggang sa lumipad...
"Tangtang! Tangtang! Anong ginagawa mo?" tumakbo papasok ng bahay si Ye Wan Wan para hanapin ang bata.
"Mommy, nagbabasa si Tangtang," sabi ng bata sabay tingala mua sa kanyang libro.
Mabilis na lumapit si Ye Wan Wan at hinila ang kamay ng bata. "Ah, 'wag ka nang magbasa ng libro. Anong masaya sa libro? Dali, halika! Ilalabas ka ni Mommy para maglaro!"
"Hindi ko pa po natatapos ito…" alinlangang sinabi ni Tangtang.
Hindi ba gusto ng mga magulang ang mga mababait na bata na masisipag at nagbabasa ng libro? Kailangan niya mas maging masunurin at mahiligan ang pa-aaral
"Hindi, 'wag ka ng magbasa! Kalahating oras ka ng nagbabasa! Dapat nagsasaya at naglalaro ang mga bata! Bakit ka nagbabasa?" agad na hinila ni Ye Wan Wan ang bata patungo sa gubat.
"Baby, tignan mo ito!" turo ni Ye Wan Wan sa napakalaking duyan.
"Mommy, ano ito?" mapaghinalang tanong bata ang kiniling ang kanyang ulo.