"Patawad, hindi ko talaga sinasadyang gawin iyon… halos ikamatay ko din ang takot ngayon…" Malungkot na sinabi ni Ye Wan Wan.
Hindi niya talaga inaasahan na magalit ng sobra si Han Xian Yu na pinagmulan ng away nila ni Si Ye Han sa shopping center...
Habang sinasabi iyon ni Ye Wan Wan, isang tunog ng mensahe ang nagmula sa kanyang telepono.
Hindi nakakagulat, si Si Ye Han ang nagpadala.
Pinapaalalahanan niya siya na lumagpas siya ng isang minuto...
Ng makita iyon, tumingin si Han Xian Yu sa gown ni Ye Wan Wan at mabilis na sinabi, "may plano ka ngayon gabi, tama ba? Sige na puntahan mo na!
"Um, oo, napaka-abala ko ngayong araw. Usap na lang tayo sa ibang araw!" paumanhing sinabi ni Ye Wan Wan.
"Huwag mo alalahanin iyon. Pumunta kana!" Tumayo si Han Xian Yu at umalis upang magbayad.
"Isuot mo ang iyong mask at salamin ng maayos," paalala ni Ye Wan Wan.
"Sige." sagot ni Han Xian Yu.
Dagdag ni Ye Wan Wan, "tama, kapag nagtanong si Brother Yang, pwede mong sabihin sa kanya."
Ng marinig iyon ni Han Xian Yu, gumawa siya ng kaswal na ingay sa pagsagot.
…
Ng magbabayad na si Han Xian Yu sa counter, ang bata, maiksing buhok na babae ang sumilip kay Han Xian Yu ng madaming beses.
"Tapos na. Ingat ka! Abangan ka namin sa susunod mong pagbisita!"
Hindi alam ni Han Xian Yu at Ye Wan Wan na ang miksing buhok na nasa cashier ay kinuha ang kanyang telepono at patagong kinuhanan ng litrato ang kanilang likuran habang sila ay paalis.
"Xiao-Qin, bakit mo sila kinukuhanan ng litrato?" isang waitress ang lumapit at nagtanong ng makita niya iyon.
Ang cashier na maiksi ang buhok ay galak na galak habang sinasabi niya, "Ahhhh! Oh diyos ko! Hindi ka maniniwla sa nakita ko ngayon!"
"Anong nakita mo at sobrang sabik mo?" nagtatakang tanong ng waitress.
"Han Xian Yu! Si Han Xian Yu at ang isang babae na magkasamang nag shopping.
Alam ng waitress na baliw na baliw si Xian-Qin kay Han Xian Yu, kaya natawa siya ng marinig niya ang cashier. "Han Xian Yu? Sa tingin ko nawawala kana sa sarili kakaisip mo diyan sa Han Xian Yu na iyon. Paano mo naman nasabi na si Han Xiang Yu ang isang estranghero?"
Kahit na high class ang kanyang shopping center at madalang ang mga sikat na bumisita, hindi mo pwedeng bsata-basta na lang sabihin na si Han Xian Yu iyon dahil nakasuot siya ng salamin at maskara!
"Hoy, ang balita sa entertainment ngayon ay patungkol kay Han Xian Yu at sinabi na may shooting siya sa Imperial Films. May mga ilang litrato na pinakita na suot niya itong damit na ito ng umalis siya matapos ang shooting. Pati na, napansin mo ba ang kanyang manggas sa litrato ko? Mayroong isang maliit na balahibo na nakaburda doon. Ang jacket na ito ay binigay sa kanya ng isang fan! Hindi nagkakamali ito…"
Ng sabihin niya iyon, inilabas niya ang litrato mula sa article upang ipakita sa waitress...
Ng marinig ng waitress ang mga rason ni Xiao-Qin at nakita ang pagkakapareho ng dalawang litrato, siya ay nagulat din. "Totoo ba ito? Hindi talaga ito si Han Xian Yu, diba? Simula ng traydorin siya ng kanyang girlfriend na pinagbintangan siya bilang isang pedophile, wala ng ibang usapan tungkol sa kanyang lovelife, hinayaan ang kahit anong iskandalo! Maaaring mayroon siyang bagong iniibig?"
"P*ta p*ta p*ta p*ta!" May kawalan ng pag-asa sa mukha ni Xiao-Qin. "Hindi! Kung totoo man iyon, ang labanan ng pag-ibig na ito ay masyadong malakas, ang babaeng iyon ngayon ngayon lang ay talagang napaka-ganda! Ang nakakalungkot ay hindi ko nakuhanan ang kanyang mukha, hindi msyadong gaano kilala ang kaniyang mukha kaya malamang hindi siya galing sa industriya…"
Tinapik siya ng waiter sakanyang balikat at pinagaan ang kaniyang loob, " siguro mali lang ang nakita mo!"
" hindi ako nagkakamali sa aking idol, sige! Sandali, ipapadala ko lang litratong ito sa grupo at ipakita sa ibang tao…"
Merong social group si Xiao-Qin para sa mga fans ni Han Xian Yu dali dali niyang pinost ang litrato sa grupo para sa pagpapatunay.
Matapos marinig ng mga tao sa grupo ang istorya ni Xiao-Qin, nagkalat ang mga luha kung saan saan, at inupload ng ilang mga tao ang litrato sa Weibo.