"Aakuhin ko na ang responsibilidad; ako ang bumunot para kay Snow White," sabi ni Si Xia.
Tahimik ang kabuuan ng bulwagan. Ang lahat ay gulat sa mga hindi inaasahang pagbabago.
"Dahil si Si Xia na ang nagsalita, iiwan ko na lang ito sayo simula ngayon. Maari mo akong puntahan kung meron mang problema."
Sino pa ang may pakialam sa petisyon? Sa huli, likas na nilagay ni Liang Li Hua ang opinyon ni Si Xia bilang pinakaimportante importantenga lahat, kaya sa pagalis nito, masayang nakuntento si Si Xia.
Pagtapos umalis ni Liang Li Hua, nagmamadaling pumunta si Cheng Xue kay Si Xia at sinigawan ito, "Si Xia, bakit mo ba ipinagtatanggol ang panget na iyan?!"
Hindi sumagot si Si Xia; na para bang wala itong narinig na sinabi galing kay Cheng Xue. Sa mga sandaling ito, ang kaniyang atensyon at tingin at naka tututok lamang kay Ye Wanwan.
Ang tututok ng tingin nito ay nagbigay sa kaninay ng mabait at nahuhumaling na itsura, parang anyo ng taong taong paghihintay….
Mas lalong naglit si Cheng Xue dahil sa tingin nito. Nagdadabog na humarap papunta kay Ye Wanwan at galit na galit na itinaas nito ang kaniyang kamay, " Ye Wanwan! Walang hiya kang malandi ka, ano ang ginawa mo kay Si Xia?"
Hindi na nagantay ng reaksyon mula kay Ye Wanwan, biglaang, may mabilis na anyo na lumitaw sa harapan niya.
Matapos iyon sumunod naman ang maingay tunog ng sampal-- "Pa!"
Ang sampal ay hindi tumama sa kaniya bagkus kay Si Xia
Dahil sa matangkad ito, ang sampal ni Cheng Xue ay tumama malapit sa baba ni Si Xia; ang kaniyang matalim at matulis na kuko ay nag iwan ng dugo sa kaniyang makinis na mukha.
Nagulat si Cheng Xue ng mapagtanto niya na aksidente niyang nasampal si Si Xia, " Si Xia… Hindi… hindi ko sinasadya… patawad…"
Ang bakas ng nakakamatay na tingin ay biglang namuo sa ilalim ng mga mata ni Si Xia, "Bawiin mo ang sinabi mo. Pagnaulit pa ito, wag kang lumapit sakin para umiyak."
Nawalan ng pag-asa si Ye Wanwan: "..."
Ano ang sama ng loob ang ibinigay ko sa lalaking ito?! Sa maikling segundo, diretso sa akin ang lahat ng kaniyang galit! At ang sama ng loob ng mga babaeng ito ay may pag ka pisikal na!
Gayon man, hindi ito sapat. Nang humarap si Si Xia ang kaniyang malamig na tingin ay biglang natunaw at walang bahid ng pagiingat at pambobola, "Ayos ka lang ba? Takot kaba?"
Ye Wanwan; "..."
Oo! Takot ako! Malapit na akong mamatay sa takot ng dahil sayo, Kuya!
Sino ba naman ang makakapag paliwanag sa nangyari?
Kahit na ito ay mabagal, masasabi niya parin na inaasar lamang siya ni Si Xia buong araw.
Ngunit hindi niya lubo maisip na paanong nasaktan nito na nagdulot sa kaniya ng paghihiganti.
Tumingin si Cheng Xue sa kaniya ng galit, at tumakbong umiiyak. At umalis na din ang iba sa bulwagan, sunod sunod, dahil sa takot.
Nang tanging si Ye Wanwan at Si Xia na lamang ang natira, hindi maiwasang hindi mag tanong, "Maaari mo bang sabihin sakin, kagalang galang na ginoo, kamahalan, nasaktan ko ba ang iyong damdamin? Dahil ba sa sinabi ko na ang kasintahan ko ay mas gwapo pa sayo kaya meron kang sama ng loob sa akin? Erm, hindi ka man lang ba nagaalanagan na isaalang alang ang iyong mukha; hindi pa ito ay malaking sakripisyo para sa iyo?"
"mukha…" Habang dahan dahang hinahawakan ni Si Xia ang namumulang mukha nito dahil sa sampal, " itong mukhang ito, gusto mo? Ikinararanagal ko ito."
Ye Wanwan: "...: Ang reaksyon ng lalaking ito ay sobrang kakaiba!
Habang siya ay naka tayo at hindi makapag salita, nakita niya na naglalakad ito papalapit sa kaniya!
Umatras si Ye Wanwan ng hindi nito namamalayan, ngunit ito ay biglaang akmang lumuhod ito sa kaniyang harapan, inabot niya ang kaniyang kamay upang tulungan na itali ang kaniyang sintas na nataggal sa pagkakatali….