Chapter 12 - Ginutom ba kita?

"Tsaka, 'yong lawn sa kanluran ay sunog na, kaya bakit hindi natin bungkalin 'yon para magpalaki ng cabbage dahil mataba naman ang lupa."

Ca… Cabbage...

Walang masabi si Xu Yi at ang ekspresyon ni Si Ye Han ay hindi rin mabasa-basa. Hininaan ni Ye Wan Wan ang kanyang boses at nagtanong, "Anong problema?"

Tinapik ni Si Ye Han ang puting porcelain mug at tumingala, "Ginugutom ba kita dito?"

Nasamid si Ye Wan Wan, "Um… Hindi…"

Simula pa noong bata siya, hindi siya kinulang sa damit o pagkain. Sa bahay ni Si Ye Han, totoo rin ito. Ang mga kusinero sa Hin garden ay nakakaisip lagi ng iba't ibang malikhaing pagkain araw araw para lamang kumain siya dahil kapag kumain siya ng mas maunti kaysa sa itinakda ni Si Ye Han, matatanggal sa trabaho ang mga kusinero.

Ngunit hindi rin niya alam kung anong mali sa kanyang sarili--may habit siya na mangolekta ng pagkain tulad ng isang hamster. Mas maraming pagkain sa kanyang paligid, mas panatag ang kanyang kalooban.

Sa kanyang previous life, dahil sa walang palyang pagbabantay sa kanya ni Si Ye Han, naramdaman niya ang lungkot at nawalan siya ng gana.

Dahil napakabihira ng pagkakataon na ipanganak muli, bukod sa pagpapaganda, gusto niya ring kumain ng masasarap na luto, dahil kung hindi, sobrang sayang ng ikalawang pagkakataon na ito.

Pagkatapos ng matagal na panahon, tumingin si Si Ye Han kay Xu Yi, "Gawin niyo na ang mga pagbabago ayon sa sinabi niya."

Namumutlang sumagot si Xu Yi, "Opo…"

Mabilis siya talagang maloko, iniisip niya siguro na nagbago na talaga ang babaeng ito.

Gusto niyang palitan ang prestihiyoso at pribadong Jin garden sa isang gulayan, isa itong kalokohan.

Tumalon si Ye Wan Wan sa saya noong pumayag si Si Ye Han. Napatili siya sa kagalakan, "Mabuti! Dahil dito, pwede tayong magkaroon ng masarap na pagkain kapag dumating na ang autumn!"

Kapag dumating na ang autumn...

Sa pagkakarinig ng tatlong salitang ito, kaunting nagbago ang ekspresyon ni Si Ye Han, maging ang kanyang mga mata.

Ang dating Ye Wan Wan ay gusto lamang tumakas sa kanya, simula kailan niya inisip ang kinabukasan?

Buong araw, pinag-usapan nila Ye Wan Wan at Xu Yi maigi ang mga detalye tungkol sa mga tanim na kanilang palalakihin sa bawat lugar ng garden at nagtakda ng mga trabaho sa mga trabahador.

Noong dumating ang gabi, ang Jin garden na sinira ni Ye Wan Wan ay tuluyang naging bago muli.

Cabbage sa silangan, sunflowers sa kanluran, ang mga dingding ay may mga bagong grape shelves, ang mga mamahaling taniman ay napalitan ng gulay at prutas, ang tubig sa pond ay napalitan at ang magagandang carps at mga buhay na hipon ay lumalangoy nang masaya...

Ang bawat bulaklak at halaman sa lumang Jingarden ay natatangi at walang katumbas kaya maging ang mga trabahador ay kailangan maging napakaingat sa bawat hakbang. Dahil kung hindi, maari silang makapatay ng isang halaman na may halagang ilan daang libo ng dolyares. Ngayon, kahit na naging taniman ito ng gulay, kahit anong aksidente ay ayos lamang.

Siguro dahil sa dami ng trabaho na ginawa niya, bumalik na ang dati niyang sigla sa pagkain at kumain ng napakasarap noong hapunan.

Pagkatapos niya kumain at mag-ipon ng lakas, nag-isip isip siya ng mga ginawa niya noong araw na 'yon.

Hindi lamang ang issue tungkol sa pagbabalik niya sa eskwelahan ang nangyari kung hindi pati na rin ang magulong relasyon niya kay Si Ye Han.

Upang may mangyaring pagbabago, kinausap niya si Si Ye Han.

Ang kwarto ni Si Ye Han ay nasa taas, ang kwartong kailanman ay hindi niya pupuntahan dati.

"Dong dong dong--"

Kinakabahan si Ye Wan Wan habang nakatayo sa harap ng pinto, huminga siya ng malalim at kumatok.

*Squeak* bumukas ang pinto at isang pares ng malamig at malalim na mata ang sumalubong sa kanya.

"Hey, may gusto lang akong pag-usapan kasama ka. Okay lang ba sa oras na 'to?"

Mukhang inaasahan nito ang kanyang pagdating. Nang walang mukha ng pagkakabigla, tumalikod siya at naglakad pabalik sa bahay ng tahimik, nagpapahiwatig ng kanyang pagpayag.

Mabilis na humabol si Ye Wan Wan sa kanya.

Dapat maayos ko na ito ngayong gabi kahit na ano pa ang mangyari!