Chapter 1990: Malakas Ang Assasssin Na Ito
Sa Deer Town.
Madilim ang gabi, at wala sa langit ang mga bituwin at buwan.
Sa sofa, nakakumot si Ning Xi habang yakap siya ni Lu Tingxiao at naglalaro gamit ang game controller. Naglalaro siya ng video games kasama si Tang Lang.
Nakaiskwat si Han Xiao at kumakain ng pakwan, at natutulog ang puti niyang tigre sa tabi niya.
Dapat hinaharap nila ang mga atake ng maraming grupo ng mga assassins, pero sa huli, parang naging bakasyon na lang.
Natuwa si Ning Xi na nagkaroon siya ng maraming oras para makasama si Lu Tingxiao sa bahay.
Pagkatapos kainin ni Han Xiao ang pakwan, binato niya ang balat sa basurahan at tinitigan ang tatlo sa sofa.
Tumayo si Han Xiao at pinatay ang game console.
"Grandfather, ano ginagawa mo? Muntik ko nang mapatay si Ning Xiao Xi!" reklamo ni Tang Lang.
Hindi makaimik si Ning Xi. "Dream on! Niligtas ka ni Master!"