Chapter 992: Nahulog Si Ning Xi!
Wala nang gustong sabihin si Ning Xi habang tinitignan ang babaeng walang muwang at matigas ang ulo. Pero dahil pinsan ito ni Lu Tingxiao, mayroon pa rin siyang sinabi sa huli. "Hoy, babae, grabe ka makapagtanggol para sa ibang tao pero naisip mo na ba kung ano ang iniisip at nararamdaman ng mismong kadugo mo?
"Gusto ba niya talaga noon si Guan Ziyao? Ang relasyon ba nila ay inosente at malalim tulad ng pag-ibig na iniisip mo?
"Patuloy mong kinukwestiyon ang pinili ng pinsan mo base lang sa naririnig mo sa iba para sirain ang relasyon niya sa girlfriend niya. Sa tingin mo ba may problema doon?"
"I-I…"
Maraming sinabi si Ning Xi at nabuhol na ang dila ni Lu Xiinyan.
Totoo na parang idolo ang turing niya kay Guan Ziyao dahil hinahangaan niya ito. Magaling siya, matalino, at nangunguna. Lagi niya itong kakampihan.